Chapter V

4.9K 147 117
                                    

Attn: Hi loves, since nasa last five chaps na tayo ng story so this mean balik ulit kay Lily ang POV tutal naman ay siya ang pinakabida dito at extra lang sila lahat. Char! I'm so excited sa ending. Kayo ba? x

--

Lily

Hindi na ako nakatanggi nang hilahin ako ni V palabas ng Maple Hotel. I was standing like a wallflower with no one to talk to. Fresh pa din sa alaala ko kung paano ako nagmukhang tanga kanina paglabas ko mula sa restroom. Hindi ko nakita sa Brent doon sa table namin kanina. Tinanong ko ang mga classmates niya kung nakita ba nila siya pero wala silang idea kung bakit bigla na lang siya umalis. I called him pero sinabi niya lang sa akin na na-defibrillator daw si Jamie at kailangan siya doon.

Ako, hindi ko rin ba siya kailangan?

Pakiramdam ko wala ako sa sarili at hinayaan ko na lang kung saan ako dalhin. Why do I need to worry for myself? Taehyung's with me and my husband doesn't give a whole damn fuck to where I am right now. Tahimik lang akong nakaupo sa shotgun seat habang nagmamaneho si V ng kotse. Gusto kong umiyak nang umiyak out of frustration pero hindi ko magawa dahil parang wala na yata akong mailuluha sa sobrang dami ng iniyak ko noon. Eto 'yung masakit e, 'yung hindi mo mailabas lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil parang namamanhid ka na.

Nagsalita na lang ako nang mapansin ko na binagbagtas namin ni V ang kalsada na minsan ko lang madaanan.

"Pupunta tayo ng Tagaytay?" sa wakas ay nakapagsalita na ako.

Sinulyapan lang ako ni Taehyung at tinanguan. I answered him with a nod, too. Bahala na kung saan niya ako balak dalhin. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo. Alam ko naman na walang kwenta kung tatakasan ko ang problema ko pero mas wala namang kwenta kung hahayaan ko ang sarili kong malugmok na lang. I've been depressed for the past three months and not a slightly chance that I was able to feel good at all. Parang gusto kong maging kandila na lang na unti-unting nauupos.

In no time, nakarating kami sa isang Villa sa Tagaytay Highlands. Binati kami ng carer doon na si Mang Ador, sa tingin ko ito 'yung townhouse ng pamilya ni V na pinupuntahan nila kapag summer o kung gusto nilang magbakasyon.

"Nagugutom ka ba. Lills?"

Umiling ako, "Hindi, sobra pa akong busog. Salamat na lang. Siguro gusto ko lang uminom ng black coffee."

"A'right, mukhang gusto ko din yata ng kape. Magpapatimpla na lang ako kay Kuya Ador." sinenyasan ni V 'yung caretaker tapos agad naman itong sumunod sa kanya.

And an awkward silence filled us again. Pinilit kong ngumiti kesa mag-emo. Mas okay na siguro na magpretend na ayos ako kahit ngayon lang dahil magmumukhang depress na naman ako, mag-aaalala na naman si V sa akin. I don't want to cause him anymore burden.

"Ang ganda ng villa niyo dito noh. Parang mala-mansion." tinignan ko 'yung kabuuan ng receiving area. Ang bongga-bongga parang mayaman talaga ang may-ari. "Ang yaman din pala ng pamilya mo, Taehyung."

Namula siya tapos napakamot sa batok niya, "Actually kasi, Lills, sa akin lang itong villa na 'to. Gusto ko kasi ng safe haven na napupuntahan kapag gusto kong mapag-isa. I know this place is huge for me but I'm more comfortable here rather than going to clubs or hotels."

Halos malaglag naman ang panga ko sa revelation ni Taehyung. Ang buong akala ko mga magulang niya ay may nagma-may-ari nitong tinutuluyan namin pero kanya pala! So that explains kung bakit napaka-airmax ng taong 'to. Mukhang ang dami niyang assets and properties.

"Ang OA naman masyado ng yaman mo." napanguso ako.

"Maam, Sir, eto na po ang mga kape niyo." dumating si Mang Ador dala 'yung tray ng kape tapos nilagay sa center table.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon