Chapter 25

6.4K 199 12
                                    

** Attention Jungkook fans lol. I have a short story entitled 'Why Can't I Unlove You?' Five to seven chaps lang siya. You can read it if you want. Promote lang :)) Enjoy this kinda long chap! Votes and comments are loved dearly! :* **

 Promote lang :)) Enjoy this kinda long chap! Votes and comments are loved dearly! :* **

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 25
Back Hugged

Lily

Feeling ko putlang-putla ang buong katawan ko habang naglalakad kami ni Brent sa hallway na magkahawak ang kamay - oo, HHWW! Bwisit siyang mang-asar sa akin na tipong wala akong kawala.

Pinagtitinginan kami ng lahat ng estudyante, professors at miski mga school staff. Syempre ngayon lang nila kami nakita nakitang magkahawak ang mga kamay at magkasabay na naglalakad kami ni Brent lalo pa't hindi rito ang daan papunta sa building niya.

"B-ba't kasama pa rin kitang naglalakad?" tanong ko sa kanya sa tono na para akong tuod. Seriously.

"Ihahatid kita sa classroom niyo." umangat ang sulok ng labi niya.

Halos isuka ko lahat ng kinain ko kaninang umaga sa narinig ko kay Brent. Ano daw? Ihahatid? Imposible!

"At kailan ka naman naging maingat sa kapakanan ko ha? Talagang ihahatid mo ako? Weh?" tanong ko sa kanya.

"Sa palagay mo ba gusto kong ginagawa 'to? I'm just making fun of you and see how you'll react on this." natawa siya, "And I'm right, you're messed up on how to act towards me."

Sinamaan ko siya ng tingin. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero nang gawin ko 'yun e bigla niya naman akong inakbayan! Shemay naman, Brent! Hanggang kailan ba ako matuturete sa'yo?

"Ewan ko sa'yo—"

"Hi Lills and Brent! Wow, ang sweet niyo ha!" biglang bumulaga sa harapan namin si V. Di ko alam kung saan ba siya nanggaling.

"W-We're not sweet." react ko tapos kumalas sa pagkaka-akbay sa akin ni Brent.

"Wehhh?!" halos hindi naman naniwala si V sa sinabi ko.

Nakita ko na umikot ang mga mata ni Brent sa reaction ni V. Aba, kailan ba nagkasundo ang magpinsan na 'to?

"Proud ako sa'yo, Brent! Ang touchy mo na sa asawa mo. Bwahaha - " tumawa si V pero mabilis naman siyang tumigil dahil nakita niyang masama ang tingin namin ni Brent sa kanya. "Joke lang!" sabay peace sign.

"You're such an eye sore." sabi ni Brent kay V pero parang walang ito sa huli dahil nakangisi lang siya.

"Okay lang, gwapo naman ako e." at nag-Mr Pogi hand gesture pa siya.

"Umalis ka dyan, harang ka sa daan namin." malamig na pagkakasabi ni Brent sa kanya.

"Bakit kailangan kong umalis e ito na 'yung classroom ko?" nag-cross arms si V at parang inaasar pa lalo si Brent sa tono ng pananalita niya.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon