Chapter 1

334 13 3
                                    

Senior na ko! Biruin mo yun isang taon na lang ang gugugulin ko sa High School! 10 months na lang din ang panahon na makakasama ko ang mga kaibigan ko.

Pero kahit ilang buwan lang ang lumipas matapos ang prom namin nung 3rd year, marami na ang naganap na pagbabago.

“Aria! Dito ka oh.” Inaya ako ni Fille doon sa isang upuan.

Ayun! Buti na lang nireserve nila ko ng upuan. Agad naman akong umupo sa pwestong iyon.

“Oh, kamusta naman ang vacation mo?” tanong sakin ni Denise.

“Ayun, boring.”

“Talaga? Parang ang imposible naman noon para sa buhay mo.”

“Insulto ba yan?”

“Di ah. Uy, yung EX-BFF’s mo.”

At nakita kong pumasok sila. Si Spencer at si Hanna. Ang mga dati kong BFF’s.

Kung ano ang dahilang ng pagkakawatak-watak namin ay hindi ko alam.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Denise.

“Uy! May malilipat daw sa section natin!” tuwang tuwa na sabi ni Gretchen.

“Eh every year naman talaga may nalilipat satin.” sagot naman ni Denise.

“Pero iba daw ngayon eh. Baka may foreigner o kaya naman gwapo!” masayang sabi ni Gretchen.

Pero matapos kong sabihin iyon ay nakuha ko na ang sagot.

Napatayo naman ako at pumunta sa taong kakapasok lang ng room.

“Lulu!” sabi ko habang niyayakap siya.

“Bakit nandito ka?” tanong ko.

“Eh ganoon talaga. Isang sem ang namiss ko nung napasok ako sa hospital eh.” sagot niya.

“Ano bang nangyari sayo?”

“It’s kinda hard to explain” sabi niya habang paupo na kami.

Pagkaupo namin ay dumating na din ang teacher namin.

“Close kayo?” bulong sakin ni Fille.

Tumango lang ako.

“Buti na lang may kakilala ako dito.” sabi ni Lulu.

Nagsimula nang magpakilala ang bagong adviser namin. Si Mrs. Tolentino pala, ang mother ni Allen na crush dati ni Spencer. Ewan ko lang kung hanggang ngayon ay gusto niya pa rin yun.

“Uy! Hindi ka pa nagkukwento.” sabi sakin ni Denise.

“Ano namang ikukwento ko?”

“Anything” sabi niya at tinitigan ako nang mayroong kahulugan.

~

“Aalis muna ako ah.”

Bakit pa ba siya nagpapaalam sakin? Eh parang halos araw-araw naman siyang umaalis. As usual, si Hanna pa rin ang dahilan.

Ewan ko ba pero parang matapos naming magkahiwalay at nagkabalikan sila ay parang mas naging close pa sila.

Walang araw na hindi sila magkasama. Walang minuto na hindi sila nag-uusap at walang segundo na hindi nila iniisip ang isa’t isa.

Noong umpisa naiinggit at nasasaktan ako, pero noong naglaon na nasanay na din ako.

Araw araw mo ba namang makita silang ganoon eh, paanong hindi ka masasanay?

Pero ginusto ko naman ito eh. Ako ang nakipaghiwalay diba? Wala talaga ako karapatang masaktan. Sobrang sakit na nga ang ginawa ko sa kanya eh. Iniwan ko siya kahit sinabi ko na hindi ko gagawin yun pero ginawa ko pa din.

Okay. Ano ang gagawin ko para sa araw na ‘to?

~

“Bakit ba kasi hiniwalayan mo siya?” tanong sakin ni Denise.

“Masyadong kumplikado.”

“Kumplikado? Porket gusto siya ng bestfriend mo ay kumplikado na?”

“Hindi lang iyon.”

“Eh ano? Dahil “magkapatid” kayo?”

“Hindi din.”

“Ah! Alam ko na. Dahil nakita mo ang first love mo na mahal ka na rin pala?”

Napaisip ako sandali doon.

“Hindi. Basta. Baka hindi mo lang maintindihan.”

“Edi ipaintindi mo sakin.”

“Ganito kasi yun-“

Nagulantang ako nang makita ko na pumasok siya.

Siya na minahal ko dati. Siya na nagpasaya sakin. Siya na minahal din ako.

“Oh, Mr. Gomez, tamang tama ang dating mo.” sabi ni Mrs. Tolentino.

At parang nagslow motion ang paligid habang papasok siya.

Pagkapasok niya ay tumingin agad siya sakin.

Ezra, bakit hindi mo sinabi na babalik ka?

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon