Chapter 10

146 9 2
                                    

“Oh, eto para sa inyo.” sabi ko sa glam 4 at ibinigay ko na sa kanila ‘yong mga mood rings na binili ko para sa kanila

“Thank you, Aria.” sabi nilang apat

“Umitim ka ah.” sabi ni Fille

“Ganoon talaga. Nagswimming ako eh.” sagot ko

“Ikaw na! Dapat sinama mo kami.” sabi naman ni Gretchen

“Family trip nga diba?” hirit ni Denise sa kanya

“Sorry naman ah.” sabi ni Gretchen

“Pero, talagang hindi ka na sa kanila nakatira?” tanong ni Emily

Tumango ako.

Naikwento ko na kasi sa kanila ang lahat ng nangyari nitong weekend.

‘Yong bonding time ko with papa and Caleb (‘wag nang isama si evil witch!) at ang pag-uwi ni mama.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa dumaan sa harap namin si Caleb.

Habang naglalakad siya ay tumingin siya sa’kin.

Babatiin ko na sana siya nang nilihis niya ang tingin niya sa’kin.

“Hanna!” tawag niya sa ex-BFF ko

“Babe!” sagot naman ni Hanna at lumapit na siya sa boyfriend niya.

Okay, back to normal na pala. As in back to ignoring each other na naman. Akala ko pa naman-

“Hoy! Nakalagpas ka na sa finish line ah, bakit parang bumabalik ka ata?” sabi ni Gretchen

“Huh?” pagtataka ko

“Akala ba namin nakamove on ka na? Eh bakit parang nagseselos ka na naman sa dalawang love birds na yan?” sabi ni Fille

“I’ve moved on. It’s just that akala ko kasi pwede na kaming maging magkaibigan, pero hindi pa rin pala. Ang tanga ko diba?” sabi ko at pagkatapos ay tumawa ako ng plastik na tawa

Para namang nakita ko sa mga mukha nila na naaawa sila sa’kin.

“What’s with all the faces? Look, I’m alright, okay? No need to worry.”

Pero hindi nagbago ang itsura nila.

“Hey! Are you into a serious conversation?” biglang singit ni Lulu

Hay salamat at dumating ka, Lulu!

“No. Not at all.” sabi ko nang nakangiti

“Great! Because I’ve got something to tell you.” sabi ni Lulu

Nagtaka naman kaming lima

“I’m going to throw a party at my house. You’re all invited.” pagpapatuloy niya

“A-anong meron?” tanong ko

“It’s my birthday.” sagot niya

“Oh? Bakit ngayon mo lang sinabi?”

“I haven’t got the chance to say so. Enough of that, are you all coming?”

Nagtinginan kaming lima.

“Of course!”

**

“You don’t have to do this for me.”

“Yeah I don’t, but I want to.”

Nandito ako sa bahay nila Lulu.

Ay mali, mansion pala.

Tinutulungan ko siya sa pag-aayos para sa party mamaya.

Mamaya pa namang lunch time iyon at sinadya kong maagang pumunta para tulungan siya.

“Saan ilalagay ‘tong table na ‘to?” tanong kay Lulu

“Ah! Doon sa may gilid. Seriously, Aria, nahihiya ako. You’re a guest. You don’t have to sweat yourself.”

“Alam mo, mapapagod ka lang kakasabi niyan. Andito na ako oh. Ano pang magagawa mo?”

Napangiti naman siya at nagpatuloy kami sa pag-aayos.

**

“Oy! Lika na, enjoy naman sa dance floor diba? Kanina niyo pa sinabi na magpapahinga kayo eh.” –Gretchen

Mukhang gusto ng bumalik ni Denise sa dance floor.

“Go na. Okay lang ako dito.”

“Sure?” paninigurado niya

Tumango lang ako.

At tumakbo na siya sa gitna at sinamahan ang glam 3

Ako na lang ang mag-isang nakaupo dito.

Hindi ko kasi trip ngayon ang magparty-party. Ewan ko ba. Dinaig pa nga ako ni Emily na wild sa dance floor ngayon samantalang para hindi siya makabasag pinggan.

Pero okay lang din naman na nagmamasid masid lang ako ngayon. Ang dami kong nakikita.

‘Yong glam 4 masayang nagsasayaw, si Spencer na ex-BFF ko ay nakikipag-usap kay Allen.

Sila na kaya? Para kasing ang sweet nilang dalawa eh.

Nilibot ko pa ang mata ko.

Nakita ko na naman sila Caleb at Hanna.

Hindi ko alam kung nagiging bitter or nagseselos na naman ako.

Hay!

Wait, nasaan si Ezra?

Parang hindi ko pa siya nakikita simula kanina.

Nagtingin-tingin ako sa paligid.

Pumunta kaya s-

“HOY!”

“Ay anak ng kabayo!” nagulat na sabi ko

Takte! Nakakawala ng poise ‘yon ah.

“Hoy, ang gwapo ko namang anak ng kabayo.”

Si Ezra lang pala. Akala ko kung sino.

“Parang may hinahanap ka ata.” pang-aasar niya

“W-Wala ah.”

“Sinungaling! Alam ko kapag nagsisinungaling ka.” sabi niya at kinindatan niya ako

Aamin na sana ako na siya ang hinahanap ko nang dumating si Lulu.

“Hey, why are you two out of the dance floor?” sabi niya at umupo sa gitna namin ni Ezra

“Nagpapahinga lang.” sabay na sagot namin dalawa

“Wow ah. May mental telepathy ba kayo?” sabi ni Lulu

Natawa naman kaming tatlo.

“But I think this is great time for me to tell you something.”

Inabangan naminang sasabihin niya.

“I am so happy that after quite some time, we’re all together again. You know, diba alam niyo naman ang history noong naging one and only best friend ko? After she left me, I wished. I wished that I could find someone like her and even better. But then you came, and I realized na ang swerte ko pala. Isa lang naman ang hinihiling ko eh. Pero dalawa pa ang binigay niya. Alam niyo, kayong dalawa ang isa sa dahilan kung bakit gusto ko pang gumising at mabuhay araw-araw. You’re a blessing God showered upon me.”

**

It’s already 8 pm.

Late na ‘to para sa’kin.

Naggoodbye na ako sa glam 4 dahil magkakaiba kami ng way pauwi.

My gosh, Lord, sana naman wala akong makasalubong na rapist.

Sumakay na ako ng isang jeep at binigay kay manong ang bayad ko.

Tinignan ko ang paligid ko kung may suspicious na tao dito.

Meron nga.

“Bakit ka nandito? Diba sa kabilang daan ang way sa inyo?” tanong ko kay Ezra

Oo, si Ezra.

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon