Nagising ako na sikat na ang araw.
Sabado nga pala ngayon.
Tinignan ko ang oras sa alarm clock ko.
8:30 AM
/DUDUDUDUN..DUDUDUDUN~/
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hello?" sabi ko na medyo antok antok pa ang boses
"PUSA! Kakagising mo lang?"
Tss, si Ezra lang pala.
"Oo, hindi ba halata?"
"Ang aga aga nagsusungit ka na agad. Maligo ka na! Sasamaha mo pa ko sa mall. May bibilhin lang ako."
Aba, makautos naman 'to. Hindi pa nga ako pumapayag na sumama sa kanya eh.
"Sandali lang naman noh? Magpapaalam muna ako."
"Wag ka nang mag-alala. Pinaalam na kita kay tita."
Wow ha. Pinangunahan niya talaga ako.
"Sige na, ibababa ko na 'to para maligo ka na. Bye! See you."
-END OF CALL-
Napaka talaga ni Ezra!
Pero syempre sinunod ko na lang siya at naligo na ako.
Pagkatapos ay nag-ayos na ako at umalis.
Pero noong nagpaalam ako kay mama, nakita ko na may maloko siyang ngiti.
Ano kayang ibig sabihin noon?
**
"Ang tagal mo naman." sabi ni Ezra pagdating ko
"Wow ha. Malay ko ba na aayain mo ko dito. Antok na antok pa nga ako noong tumawag ka eh."
"Tss, halika na nga." sabi niya at hinila niya ako papasok ng mall
"Ano bang bibilhin mo at kailangan mo pa ng kasama?"
"Madami eh. Inutos lang sa akin 'to ni Lulu eh. Eh syempre babae ka, mas may alam ka sa pamimili."
"Ay ganun? Eh ano namang makukuha ko dito?"
"Wala." sabi niya at nginitian niya ako ng malapad
"Nge! Makaalis na nga." sabi ko
Pero syempre hindi ko naman tototohanin 'yon. Gusto ko lang mangonsensya. Bwahahaha!
"Uy, joke lang. Ano bang gusto mo?" bawi niya
"Hmm, ice cream!"
"Sus, ice cream lang pala eh. Sige, ililibre kita mamaya." sagot niya
Pagkatapos noon ay inumpisahan na namin ang pagbili ng mga bagay na nasa listahan ni Lulu.
Ang swerte talaga ni Lulu kay Ezra. Lahat ginagawa niya para sa kanya.
Habang naglalakad kami ay tinitigan ko si Ezra.
Bagay sila ni Lulu. Isang gwapo at isang maganda. Perfect couple ika nga.
"Hoy, bakit ka nakangiti dyan?" biglang sabi ni Ezra.
Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.
"Eh, ibibili mo na ko ng ice cream eh!"
"Tss, ano bang flavor gusto mo?" tanong niya
"Strawberry!"
Para talaga akong bata.
Binili niya ako ng ice cream at bumili rin siya ng kanya.
Umakyat kami sa sky park ng mall at doon muna tumambay.
"Ang hilig mo talaga sa mga bagay na kulay pink." pagbubukas ng conversation ni Ezra
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi ang strawberry, pink. Ang pants mo, pink. Ang bag mo, pink. Pati nga stuff toys mo pink diba?"
Naalala pa niya 'yon? First year pa ako nang naikwento ko sa kanya 'yon eh.
"Ay sorry, bawal nga pala." biglang sabi niya
Nagtaka naman ako.
"Bawal ang?"
"Ang magsabi ng kahit ano na mula sa nakaraan. Sorry, nakalimutan ko." sagot niya
"Sus, hindi naman kasama 'yong mga ganyan. 'Yan ngang flavor ng ice cream mo coffee cruble diba? Kasi gusto mo naman ng kape kaso kailangan malamig."
Mukha namang natuwa siya.
"Eh ikaw nga ang gusto mo malamig ba gatas eh." bawi niya
"Ang pangit kaya ng lasa kapag mainit."
"Naalala ko tuloy 'yong kinwento mo sa'kin noon na natapunan ka ng napakainit na cup noodles."
"Nagkaroon kaya ako ng burn dahil doon. Tapos naging peklat na ngayon. Parang 'yang peklat mo sa tuhod." pagbabalik ko sa kanya
"Hindi ko naman kasalanan na may matalim na bato pala noong nasemplang ako sa bike noong bata pa ako. Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na natapon 'yong cup noodles sa sarili." pang-aasar ni Ezra
Pinalo ko siya.
"At least hindi naman ako nahulog sa bike."
"Excuse me, bata pa naman kasi ako noon."
Nagkatinginan kami.
At tsaka tumawa ng tumawa. Tumawa hanggang sa maiyak na.
"Namiss ko 'to" sabay naming sabi.
Natawa na naman kami.
Naku! Baka pagkamalan kaming baliw nito.
Tinakpan ko ang bibig niya para tumigil na siyang tumawa.
Nagtaka naman siya.
"Baka akalain nila nababaliw na tayo." bulong ko sa kanya
Tinakpan din niya ang bibig ko dahil natawa uli ako.
Kahit may takip na 'yong mga bibig namin ay tawa pa rin kami ng tawa.
Pagkatapos ng laugh trip namin, inakbayan niya ako.
"I mmised you, best friend." sabi niya
"Best friend ka dyan. At kailan naman tayo naging magbest friends?"
"Napakasungit talaga nitong pusa na 'to. Eh diba parehas tayong best friend ni Lulu? Technically, that makes us best friends too." sabi niya with his malapad na ngiti na akala mo isa siyang scientist na nakaimbento ng isang bagay.
Pero may point siya doon.
Pero kahit ba naman sa topic na 'yon ay naisingit pa rin niya si Lulu? Napaghahalataan ko na 'tong si Ezra ah.
"Hmp! Sige na nga." kunware ay napipilitan lang ako.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Novela JuvenilSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...