“Home sweet home!” sabi ni mama pagkapasok namin ng bahay namin
Namiss ko ‘tong bahay na ‘to.
Pero kahit papano ay namimiss ko na sila papa at Caleb pero hindi si tita.
Tapos na ang pagtitiis ko sa mga pagtataray niya!
Nag-unpack na kami ng mga gamit namin. Tinulungan ako ni mama na mag-ayos ng mga gamit ko.
“Kamusta naman ang naging buhay mo doon?” tanong sa’kin ni mama
“Okay naman. Hindi naman pala ganoon kasamang kasama sila papa.”
“Namiss mo ba ‘ko? Mukha namang hindi eh. Baka mamaya mas gusto mo na sa pamilya niya sa’kin.” pagtatampo ni mama sa’kin
Niyakap ko si mama at nilambing.
“Hindi ah! Syempre mas love kita.” sabi ko sa kanya
Naflatter naman siya.
“Nga pala, ma. Bakit bigla ata ang uwi mo? Tsaka diba sabi mo matatagalan ka? Eto na ba ‘yong matagal?” tanong ko
“Para namang ayaw mo na umuwi ako.”
“Hindi naman. Nagtataka lang kasi ako.”
“Actually, it’s Jenna.”
Jenna? Si tita?
“A-Ano? Anong meron kay tita?”
“Siya ang dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako umuwi.”
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Teen FictionSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...