Chapter 7

143 10 3
                                    

Dinala niya ako malapit sa dagat.

Hindi naman siguro kami magsuswimming ngayon.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Anong ibig sabihin noon?

Pero bago pa magsink in ang lahat sa akin ay hinihila na niya ako pupunta sa dagat.

“Hoy! Baka mamaya malunod tayo dyan. Wala pa namang life guard dito.” sabi ko sa kanya

“’Wag kang mag-alala. Nandito naman ako. Magtiwala ka lang sa akin.” sabi niya at ngumiti siya

Nakapikit ako habang nararamdaman ko na palalim na nang palalim ang tubig.

Dumilat na ako nang napansin kong lalagpas na sa’kin ‘yong tubig.

“Hoy-“

“Humawak ka lang sa’kin”

Napayakap tuloy ako sa kanya dahil lagpas na sa’min ‘yong tubig.

Nakakatakot eh. Baka malunod pa ako.

Nararamdaman ko na tumatawa siya.

Tumingin ako sa kanya at pinalo palo siya.

“Hoy! Bakit ka tumatawa?” sabi ko sa kanya

“Wala. Balik na nga tayo.” sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya

Nang medyo nasa baywang na namin ang tubig ay pinatigil ko muna siya sa pag-alis.

“Wait. DIto muna tayo.” sabi ko at dinamdam ko muna ‘yong tubig

Nakita ko naman na napangiti siya.

“Hoy! Bakit ka ganyan ha?” sabi ko

“Bakit? Ano bang ginawa ko?”

“Kanina tawa ka ng tawa tapos ngayon nakangiti ka naman. What’s the matter with you?”

“Bawal ba?”

“H-Hindi naman.”

Napangiti naman siya.

“It was a test.” sabi niya

“Ang alin?”

“Iyong kanina. I was testing you if you could trust me.”

“So test lang ‘yon?”

“Yep.”

Tinignan ko siya ng masama.

Mukha namang nagtaka siya.

At hindi pa niya iniisip ang gagawin ko ay tinalsikan ko siya ng tubig.

Ginantihan niya ako at nagpatuloy lang kaming ganoon.

**

“Ang lamig!” sabi ko

“’Lika na. Baka sipunin ka pa.” sabi niya at hinila niya ako papunta sa pampang

“Gusto mong magpainit?” tanong niya sa’kin

Hala. Anong ibig sabihin noon? Hindi pa ako ready na maswipe ang V-card ko ah!

Mukhang nakita naman niya ang reaksyon ko.

“Halika!” sabi niya at kinuha na naman niya ang braso ko

Pero pinigilan ko siya na hilahin na naman ako.

Nagtaka naman siya.

“Let’s go.” sabi niya

“S-Saan ba tayo pupunta?”

“Basta.”

“Eeehh.”

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon