“Nililigawan ka ba niya?”
“Hindi ah!”
“Boyfriend?”
“Lalong hindi.”
“Eh bakit napapadalas na ata ‘yang paghatid niya sa’yo at paglabas niyo?”
Ano ba ‘yan? Para akong nasa police station at iniinterrogate.
“Eh, gusto niya eh. Ano ba ‘to ma?!” medyo napalakas na sabi ko
Mukha namang nalungkot siya.
“A-Ah, sorry ma. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses.” sabi ko dahil medyo naguilty ako
“Hindi. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako malungkot.”
“Eh ano?” pagtataka ko
“Eh kasi akala ko may bago ng nagpapasaya sa’yo. Akala ko may nagmamahal at minamahal ka na uli. Anak, gusto ko lang na maging masaya ka uli.”
“Masaya naman ako eh. Finally, okay na kami uli ni Ezra tapos lalo kaming nagiging close ni Lulu at glam 4. At higit sa lahat, nandito ka.” sabi ko ng may ngiti sa mukha
“Okay ka lang ba na hanggang okay lang kayo ni Ezra?”
Mama naman eh.
Tumango ako.
“You’re lying.”
Ang galing talaga ni mama. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.
“Eh wala naman akong magagawa eh. Gusto niya si Lulu. Samantalang ako, hanggang best friend lang. Parang naulit na naman ang nangyari noon, mama.”
Nanahimik lang si mama. Mukhang hinihintay niya na ilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko.
“Ewan ko ba. Parang mas okay pa ‘yong dati eh. Noon na wala pa siyang ibang gusto. Kahit hindi ko pa alam noon na gusto na niya ako. Siguro ma, kung naabutan ko siya dati, kung siya ang pinili ko, hindi siguro ako masasaktan ng ganito ngayon. Hindi ako aasa na kaya niya uli akong magustuhan. Bakit ba kasi ang sweet and caring niya? Tapos naaalala pa niya ang lahat ng bagay na tungkol sa’kin kahit gaano pa kaliit na detalye nito. Bakit pa kasi bumalik pa siya at ginulo niya uli ang mapayapa kong buhay?” pagpapatuloy ko
Tuluyan na akong naiyak at niyakap naman ako ni mama.
Hinayaan lang niya akong umiyak hanggang sa mapagod na ako.
“May tanong lang ako. Sila na ba ni Lulu?” biglang sabi niya
“Ewan ko.”
Bigla ako binatukan ni mama.
“Sus! Umiiyak ka dyan tapos hindi mo sigurado kung taken na ‘yang si Ezra?”
“Eh alam ko namang doon na ang punta nila eh.”
“Paano kung hindi?” tanong ni mama
“Eh paano kung oo? Edi nasaktan at umasa lang ako lalo katulad ng nangyari sa’kin dati.”
Binatukan na naman ako ni mama.
“Aray!” nagreact na ako this time
“Alam mo, sa love dapat hindi ka takot. Dapat you should know how to take risks. Hindi porket hindi nagwork-out ‘yong una mong relationship ay ganoon na rin ang mangyayari sa’yo paulit-ulit. Walang madali sa love. Walang shortcut. Dapat paghirapan mo. Hindi talaga pwede na hindi ka masasaktan. Kasi parte na ‘yan ng pagmamahal.”
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Fiksi RemajaSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...