Chapter 17

126 9 2
                                    

Naglalakad ako papunta sa classroom.

Lalala~

Masaya palang pumasok kapag may gusto ka agad makita.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Biruin mo, iyong first love at lalaking dead na dead ako ay boyfriend ko na.

Sinampal at kinurot ko ang sarili ko at nagpadyak padyak. Baka kasi sakaling nananaginip lang ako.

“Ay!”

Nadulas ako.

Pero hindi naman ako nahulog.

Dahil may nakasalo sa akin.

“Mag-ingat ka naman.”

Pagkatapos ay umalis na si Caleb at iniwan ako.

Tama, si Caleb.

Ang masungit at cold na si Caleb.

Tss, hayaan mo nga siya. Bahala na siya sa buhay niya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa classroom.

Pagkapasok ay pumunta na agad ako sa pwesto ko.

Wala pang nakalagay na bag sa tabi ko.

Haay, wala pa si Ezra.

“Hoy! Malungkot?”

Biglang sumulpot si Gretchen.

“Di ah.” sagot ko

“Sus! Babae, kilala kita. Sabihin mo na.” sabi naman ni Gretchen

“Wala nga. Ang kulit nito.”

“Psh! Bahala ka nga. Uy friend, may chika ako sa’yo.”

Lumapit naman ako sa kanya para mas marinig ko.

“Nagkakalabuan na daw sina Caleb at Hanna.” sabi ni Gretchen

Ano daw? Nagkakalabuan si Hanna at Caleb? Bakit naman kaya? Parang ang sweet sweet naman nila at mahal ang isa’t isa.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ko

“Uy, curious siya kapag tungkol kay ex. Hindi ko naman alam ang buong nangyari. Narinig ko lang dyan dyan.”

“Sus, rumor lang pala eh. Huwag kang maniwala doon.” sabi ko

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon