Ilang araw na ang nakalipas since our special day.
Weekend ngayon at kakagising ko lang.
Ang ingay kasi ng phone ko eh. May tumatawag ata sa skype.
Medyo bangag pa ako nang sagutin ko ang tawag na 'yon.
"Hm?" sabi ko
Hindi ko maaninag ang mukha ng tumawag sa'kin dahil antok pa ang mata at diwa ko.
"Darling!" masayang sabi niya
Huh? Sino 'to?
"Don't you recognize me, hija?" malungkot na sabi niya
Napadilat ako nang marealize ko kung sino iyon.
"Tita!"
Natawa naman siya.
"Nagising ba kita?" tanong niya
Sasabihin ko sanang hindi pero naisip ko na obvious naman na bagong gising ako.
"Medyo po." hiyang sabi ko
"Ay sorry, hija. Naistorbo ko pa pala ang beauty sleep mo."
Lalo tuloy akong nahiya. Si tita pa kasi ang nagsorry eh.
"Okay lang po 'yon, tita." sagot ko
"Tita ka dyan. Dapat simula ngayon ay mommy na tawag mo sa'kin."
Nagulat naman ako sa sinabi ni tita.
"Tita naman." sabi ko
"Bahala ka. Mahuhurt ako." malungkot na sabi ni tita
Napabuntung-hininga ako.
"Sorry po, mommy"
Nang sinabi ko 'yong salita na 'yon ay ngumiti na si tita-este mommy. Grabe! Nakakailang kaya.
"Ayan, ganyan dapat ang manugang ko."
Grabe 'tong si tita, napakafuturistic mag-isip.
"Oh, bakit namumula ka dyan?"
Titaaa! Bakit ganyan ka mang-asar ngayon?
"Ti-mommy naman eh." nahihiyang sabi ko
"Hahaha! Ang cute mo ngang asarin. Pinayo sa'kin 'to ni Ezra eh. Asarin daw kita para makita ko kung gaano ka kacute. At tama siya!"
Wala na kong kahihiyan sa mommy ni Ezra T.T
"Baka nasobrahan na ako. Pero pagpasensyahan mo na lang ako. Ngayon na lang uli kasi nagkagirlfriend 'yang si Ezra eh."
Uli? So, hindi ako ang first niya? Pero, bakit ba ako nagtataka? Imposible namang hindi pa nagkakaroon ng girlfriend ang isang Ezra Gomez.
"Okay lang po." sagot ko ng nakangiti
"Uy hija, 'wag kang mahiya sa'kin. Kung nasa Pilipinas lang kasi ako eh, panigurado ay nandyan na ako sa bahay niyo" natawa siya sa sinabi niya
Tumawa na lang din ako to ease the awkwardness.
2 beses pa lang kaya kami nakakapag-usap.
"Alam mo, noong nandito pa 'yang si Ezra, wala talaga siyang bukang-bibig kung hindi ang pangalan mo. Aria dito, Aria dyan, Aria ngayon, Aria bukas. Kaya noong nakita ka niya dito ay abot langit ang tuwa niya. Pero syempre noong nalaman niya na may iba ka na pala noon, sobra sobra ding lungkot ang naramdaman niya. Pero hindi naging end of the fight para sa kanya 'yon. Umuwi siya dahil gusto ka niyang bawiin sa lalaking kasama mo noon. At tignan mo, successful naman siya diba?" sabi ni tita
Bumalik nga siya dahil sa'kin. Kaya naman pala kahit anong gawin kong iwas noon ay hindi niya ako tinantanan.
No wonder, lagi niyang pinagseselosan si Caleb. Natatakot siguro siya na mapunta uli ako kay Caleb.
"Hija, pwede ba akong humingi ng favor sa'yo?" tanong ni tita
"Huwag mong iiwan ang anak ko ha?" pagpapatuloy ni tita
Tumango ako.
Alam kong mahirap tuparin 'yan, pero mahal ko naman si Ezra eh. At kapag mahal mo ang isang tao, kahit mahirap gagawin mo.
"Thank you, hija! Kung mayayakap lang kita ngayon, nagawa ko na."
Napangiti na lang ako.
Nakakatuwa talaga si tita. Todo todo ang suporta niya para sa aming dalawa.
"Jessica!" narinig kong ng tawag ng isang lalaki kay tita
"Ano?" humarap si tita doon sa nagsalita na parang si tito ata
"Si Rina ba 'yan?"
R-Rina? Sinong Rina?
Nakita ko ang gulat sa mukha ni tita at pagpapanic.
"Ah hija, next time na lang uli ha."
Hindi na ako nakasagot nang mag-end na ang tawag.
Rina?
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Teen FictionSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...