Rina? Sinong Rina?
'Yan pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon. Alam ko narinig ko na 'yang pangalan na 'yan eh. Pero ang mas ikinapagtataka ko ay anong relasyon niya kay Ezra? Ex girlfriend ba siya ni Ezra?
At sa sobrang pag-iisip ko ay may nabangga ako.
"Ay sorry!" sabay naming sabi
Nagulat ako nang makita ko kung sino 'yon
Pero parehas lang naming dinaanan ang isa't isa.
Hanna, anong nangyari sa ating dalawa?
"Spencer!" narinig kong tawag ni Hanna mula sa likod ko
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may banggitin si Spencer na nakapagpatigil sa'kin.
"Sorry Hanna, ang tagal kasing kumilos ni Ate Rina eh."
Ate Rina?
~*~
Junior
Lagi akong dumadaan sa section ni Ezra para silipin siya, sumasama ako sa mga kaklase kong may kapatid na kaklase niya. Kaya ko naging kaclose si Spencer eh dahil dun. Yung kapatid kasi niya ay close kay Ezra, si Rina.
Maraming beses na pumunta kami ni Spencer sa section nila para sunduin yung ate niya. Sakto namang laging magkasama yung ate niya at si Ezra sa tuwing pumupunta kami.
Madalas ay nakikita ko silang magkausap sa ledge, nagtatawanan at nagkukulitan. Well, magbest friends naman sila eh. So, walang malisya.
~*~
Ngayon kilala ko na kung sino si Rina, pero may tanong pa rin na bumabagabag sa'kin. Ano si Rina kay Ezra?
**
"Ezra!" tawag ko sa kanya nang makita ko siya
"Oh, Aria. Kamusta?" bati niya sa'kin nang lumapit siya
"Okay lang naman. Pero may gusto sana akong tanungin sa'yo." sabi ko
Tumahimik si Ezra at humandang makinig.
"Uhm.."
"Kuya Ezra! May meeting po tayong student council ngayon. ASAP daw." sabi ng isa sa mga officers ng student council
"Aria, wait lang ah. Mamaya na lang 'yang tanong mo, okay?" sabi niya at hinalikan niya ako sa noo bago umalis
Ayun na 'yon eh! Pesteng meeting 'yan. Joke baka isumbong niyo ko dyan.
**
"Ezra!" tawag ko nang makita ko siya uli
Lumingon siya. Pero hindi lang si Ezra ang lumingon, pati si Lulu.
"'Yong tanong ko." sabi ko kay Ezra
"Saglit lang. Sa clinic mo na sabihin. Nagpasama kasi si Lulu eh." sagot niya
Gusto ko bang marinig ni Lulu ang usapan namin?
"Ay hindi, sige makapaghihintay naman 'tong tanong ko." sagot ko
Umalis na ako at hinayaan siya samahan si Lulu.
Haay, bakit ang malas ko sa kany today?
**
"Ezra!" tawag ko sa kanya for the nth time
"Hm?" sagot niya
Hinila ko siya palabas at doon kami nag-usap. Sana naman wala ng istorbo dito.
"Ano 'yon? Hindi pa ako kumakain ng lunch eh."sabi ni Ezra
Napabuntong-hininga ako.
"Sige na nga, kumain ka muna." sabi ko at akmang aalis na ko
"Hindi sige, busog pa naman ako eh. Mukhang importante 'yang tatanungin mo eh." sabi niya at tinitigan niya ako na nagpapahiwatig na nakikinig siya
"S-Sino ba si Rina?" tanong ko
Parang nag-iba ang aura niya noong banggitin ko ang pangalang Rina.
"W-Wala 'yon. Ba't mo naman natanong 'yan?" sagot niya ng hindi tumitingin sa'kin.
This time, ako naman ang nagharap sa mukha niya para tumingin siya sa'kin.
"No secrets, right?" sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya
Napabuntung-hininga siya. Pumikit muna siya na parang pinipili ang mga salitang bibitawan niya.
"She's my ex-girlfriend and the reason why I didn't notice you before."
Bakit ganoon? Kahit expected ko na ito ang sasagutin niya parang may bumabara pa rin sa dibdib ko?
"Okay na?" tanong ni Ezra
"I want to know the whole story." pagdedemand ko
Napabuntong-hininga siya.
"Okay." sagot ni Ezra
At hinanda ko na ang tainga ko sa pakikinig.
"Rina is the sister of your ex-best friend, Spencer. I know you know that. Probably nakalimutan mo lang. But if you will remember, diba silang dalawa ang rason kung bakit tayo nagkakilala? Lagi kang sinasama ni Spencer kapag pupuntaha niya ang ate niy who is my best friend. And to be honest, ginamit kita noon. Close ka kasi sa kapatid niya eh. So easy access for information since lagi mo naman akong kinukulit noon. Pero syempre, sincere naman lahat ng sinabi ko noon at mga pakikinig ko sa'yo. Diba nga tanda ko pa lahat ng gusto at ayaw mo? Well, except sa pineapple kasi hindi mo naman talaga nabanggit sa'kin noon. Tinuring talaga kitang kapatid. Isang kapatid na laging nandyan para sa'kin.
"Naalala mo ba noon, lagi kitang sinasama sa mall kasi babae ka at alam mo ang gusto ng isang babae. Alam mo ang posibleng gusto ni Rina. 'Yon ang iniisip ko noon. Pero sa tuwing magkasama tayo, ibang saya ang nararamdaman ko, mas higit pa kay Rina. Mahal na kita noon pa lang, hindi lang bilang isang kapatid. Pero nang balak ko nang itigil ang panliligaw ko kay Rina, tsaka naman niya ako sinagot. Anong magagawa ko? Sinagot na ako ng girl of my dreams, tatanggi pa ba ko?"
"Kaya kahit naguguluhan ako noon ay tinanggap ko na lang na kami na. Ginusto ko naman 'yon eh. Niligawan ko nga siya diba? Pero noong araw na 'yon ay nagtapat ka rin sa'kin na gusto mo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko . Pero ginawa ko ang sa tingin ko ay tama. Nagsinungaling ako. Oo, tunay na mahal kita. Pero kailangan kong panindigan si Rina. At kahit masakit sa loob ko ay nagsinungaling ako tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa'yo. Parehas kayong importante para sa'kin. Kahit anong gawin kong pangungulit ay hindi ka na katulad ng dati. Sinuportahan kita at ginaya ko na lang ginagawa mo. Naging mabuting boyfriend ako kay Rina dahil 'yon naman talaga ang dapat. Naging mabuti rin siyang girlfriend sa'kin.
"Wala kaming problema. At 'yon ang naging problema namin. Walang problemang sumubok sa'min. Kaya in the end, nagkasawaan kami sa perpekto naming relasyon at nagkahiwalay."
Nang matapos siyang magkwento ay binigyan ko siya ng tubig.
Masyado kasi siyang nadala sa pagkukwento. Hindi na siya tumigil.
Pagkatapos niyang inumin ay magsasalita na sana siya uli. Pero bago pa 'yon ay nayakap ko na siya.
"Thank you." sagot ko nang may sinseridad
Hindi na siya sumagot pa at sa halip ay niyakap na lang din niya ako.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Ficção AdolescenteSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...