What a small world. Biruin mo si Rina na ex-girlfriend ng boyfriend ko ngayon ay kapatid ng ex-best friend ko na si Spencer na tumulong din sa’kin na mapalapit kay Ezra at nananatiling bestfriend ng best friend ko rin dati na si Hanna na girlfriend uli ngayon ng dati kong almost naging boyfriend na si Caleb.
“Hoy!” sigaw sa’kin ng apat kong bitchy friends
“Kailangan talaga sumisigaw? ‘Di naman ako bingi ah.” sabi ko
“Tss. ‘Di daw bingi pero ilang linggo mo na kaming hindi pinapansin.” sabi ni Gretchen na as usual ay napakastraight forward
“Hala, eh diba nga binalitaan mo pa ako kila ano.” sagot ko
“Duh, last 2 weeks pa kaya ‘yon.” sabi ni Gretchen
“Okay, Aria. Hindi naman sa selfish kami and we want to have your attention, pero friends mo kami, hindi naman sa obligado kang kausapin kami palagi pero sana man lang nagkukwento ka tungkol sa nangyayari sa buhay mo. Ni hindi nga namin alam na kayo na pala ni Ezra. Sa ibang tao pa namin nalaman.” sabi naman ni Fille
Ouch, alam kong sinusubukan niyang isoften ‘yong blow pero masakit pa din. Pero totoo kasi eh, kaya ako naaapektuhan ng ganito.
“I’m sorry.” sabi ko
Nagiguilty ako. Parang ang sama sama kong kaibigan.
“It’s okay. Bawi ka na lang.” sabi ni Denise
Tumango ako.
“May gala tayo this Saturday. You know, to commemorate our special day!” sabi naman ni Emily
Special day? Anong special day?
Mukhang nahalata nila na nagtataka ako.
“Wait, hindi mo naman siguro nakalimutan diba?” –Fille
Naku! Ano ba kasi ‘yon?
Sabay sabay silang nagbuntong-hininga.
“But you’ll come?” –Denise
Nag-isip ako. Saturday? Anong date ‘yon? September 22? Shocks! Monthsary namin ni Ezra ‘yon.
“Uhm,” ‘yon lang ang nasabi ko
“Hindi ka makakapunta? Sabi na nga ba eh. Lika na, nag-aaksaya lang tayo ng oras dito.” –Gretchen
Sumunod naman sila kay Gretchen at umalis silang dala dala ang disappointment sa mga mukha nila
**
Ano ba ‘yang ginawa mo, Aria? Handa ka na bang mawalan uli ng kaibigan? Nakasalampak ako sa kama ko ngayon at nakadagan sa ulo ko ang unan.
Ang tanga tanga mo kasi eh! Oo, nasolve mo nga ‘yong problema mo kay Ezra, pero tignan mo ngayon, mga kaibigan mo naman ang problema mo.
Hay, ang hirap talagang balansehin ang friendship at lovelife.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
“Sabi na nga ba eh. Hoy Arianne Nicole, hindi na bagay sa’yo ang nagmumukmok.”
Si mama naman eh. Basag moment!
Hindi ko siya pinansin at ‘di ako gumalaw.
Napagalaw lang ako nang paluin niya ako sa pwet.
“Ma!” sigaw ko
Ang sakit kaya!
“Bumangon ka nga dyan. ‘Wag kang magmukmok ng ganyan. Bakit di ka na lang lumabas kasama ang mga kaibigan mo?” sabi ni mama
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Novela JuvenilSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...