"Gala tayo mga pare!"
"Freedom!"
Tapos na ang final examination namin. Masaya pero malungkot din. Gagraduate na kasi kami. At kung kailan pa matatapos na ang buhay ko sa high school, tsaka pa ako nagkaroon ng problema.
Ever since Valentine's Day, hindi ko ma magawang titigan sa mata si Ezra. Hindi ko rin siya malapitan at madalas ay nilalayuan ko siya.
Oo, alam ko sa pinaggagagawa kong 'to ay nagiging isa akong masamang nobya. Pero hindi ko talaga siya kayang harapin ngayon. Feeling ko makagagawa ako ng maling desisyon na pagsisisihan ko sa dulo.
I saw Ezra walking towards me.
Naku! Anong kailangan kong gawin?
Medyo nagpapanic na ako inside nang mabangga ko si Hanna.
"You need help?"
Tumango ako at inoffer niya ang kamay niya sa'kin.
**
"So, you look so devastated, huh?" sabi ni Hanna.
Nasa isang bench kami ni Hanna. And just being beside her again, makes me feel that we've not changed.
"Makaenglish ka ah." pang-aasar ko sa kanya.
"Ito naman. Minsan na nga lang hindi pa makasakay. Pero seriously, may problema ka?" sabi niya.
She still has her best friend's instinct in her.
Tumango ako.
"Do you want to share it with me?" sabi ni Hanna nang nakangiti.
Tinitigan ko lang siya.
Should I tell her?
"B-Before I tell you that, I'm gonna ask you something."
"Sure, gora lang." sagot ni Hanna.
"Bakit kayo nagbreak ni Caleb?"
Natawa siya.
What's so funny about that? Hindi ba dapat malungkot siya?
"Everybody's asking that. But since your special, I'll answer you." sagot ni Hanna.
Nanahimik ako at hinintay ang sagot niya.
"It's so simple. It didn't work out AGAIN." pagpapatuloy niya
Tumawa uli siya. But this time, may halong pain.
"Hindi na niya siguro kinaya. Paano ba naman, all this time, he's been eyeing on one girl. Pero kahit kitang kita at alam na alam ko na 'yon, nagbulag-bulagan ako and still chose to pursue him. He accepted me but I know he only did that because he misses her. Ginagawa niya sa'kin ang mga bagay na gusto niyang gawin sa kanya. Pero ako talaga 'tong si tanga, gorabells pa din. Kasi gusto ko siya, I seriously want to be his girlfriend even if he doesn't reciprocate the feeling. I wanted to break up with him last year. But when he explained to me his situation, I held on longer."
"What's that situation?" tanong ko.
"Sorry, it's not my secret to tell." sabi ni Hanna na pagkatapos ay kumindat.
"So, what's your problem again?" tanong ni Hanna.
"I-I don't know if I truly love this guy or I just love the thought of being his girlfriend like you've said. What if I just desire to be his girlfriend because I've wanted that all along? For the many months that we've been together, I've been happy. But now, because of our almost kiss, I started to doubt myself if I had been truly happy. I don't know, naguguluhan talaga ako." sagot ko.
"Isa lang naman ang tanong dyan eh. Mahal mo ba siya?" tanong ni Hanna.
Nag-echo ang tanong ni Hanna sa utak ko.
"Oo, pero-"
"Alam ko na ang sagot." sabi niya with a wink.
Okay, lalo lang akong naguluhan. What the hell is the meaning of that?
Nagtataka pa rin ako sa sagot ni Hanna nang hingal na hingal na dumating si Emily.
"Bakit ka tumatakbo? May marathon ba?" tanong ko kay Em.
"No, but we gotta be fast. Nasa hospital si Lulu."
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
JugendliteraturSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...