Chapter 22

132 8 0
                                    

March 20, 2013

“Sabihin mo na kasi.”

“Natatakot ako. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Kinuha ko ‘yong nagtapon sa kanya? Mahal na mahal ni Hanna si Caleb. Panigurado ay magagalit sa’kin ‘yon.  Kakamuhian niya ako at hindi ko kaya ‘yon. Besides, tapos naman na kami ni Caleb eh at sila na uli.  So what’s the point of telling it?”

“Eh anong tulong ng ginagawa mo ngayon? Alam mo, sa pag-iwas mong ‘yan, lalong nagkakalamat ‘yang pagkakaibigan niyo.”

‘Yan si Denise. Parang nanay kung magsermon.

At kahit tensyonado ang atmosphere namin ni Denise, pagdating ni Fille ay nag-iba ito.

“Girlash! Nood tayo ng Crescent, showing na ‘yon sa March 22 which is this Friday already!” sabi ni Fille habang pinipilit kaming sumama

Oo nga pala! Ipapalabas na ang Crescent, gusto kong mapanood ‘yon.

“Sama ko!” sabi ko not minding kung sino-sino ang kasama

“Sasama ka, Aria?” tanong ni Denise na best friend ni Fille

Tumango ako.

“Masaya ‘yan!” sabi ni Fille at umalis na

Sinundan namin siya ng tingin.

Inaya naman niya si Francis na agad agad pumayag. Pagkatapos noon ay tumungo naman siya kay Gretchen. Parang may binulong siya kay Gretchen. Pagkatapos ng pagbulong niya ay umilag siya agad na parang alam na niya na papaluin siya ni Gretchen.

“Sino-sino ba ang kasama?” tinanong ko si Denise na nasa tabi ko

“Hmm, ikaw, ako, si Fille, panigurado kasama si ma’am Sheena, si Ren, and from what I saw, kasama din si Francis at Gretchen.” sagot niya

Habang pinakikinggan ko ang mga taong binabanggit niya, ay iniisip ko kung sino doon ang kaclose ko.

Si Denise, I consider her already as a close friend of mine. Madami na siyang nalamang secrets ko. At palagi siyang nandyan  para sa’kin. I know that sounds cliché pero ‘yon talaga eh.

Si Fille naman. Nakakakwentuhan ko siya about sa kanya kanyang lovelife namin NOON. So, siguro friends naman kami.

Si ma’am Sheena, kahit naging teacher ko din ‘yon, hindi naman kami nagkaroon ng outside-of-classroom friendship hindi katulad nina Fille at Denise. Kaya baka awkward sa Friday -.-

Si Ren, classmate ko siya ever since grade school pa kami. Pero sa hinaba-haba ng pagiging magkaklase namin, hindi kami naging close. Ang alam ko lang sa kanya ay ang pangalan niya at ang katotohanang may gusto siya kay Denise.

Si Francis, ang consistent top 1 namin. Dati nga nagkacrush pa ko sa kanya dahil nakakaamaze ang talino niya. Pero dati na ‘yon at saglit lang naman ‘yon, mga ilang araw lang.

Si Gretchen, nako! Siya ang dakilang war freak. Pero isa lang ang kayang magpalambot ng puso niya, si Francis. May mga nagsasabi na sila na or naging sila or walang ugnayang naganap. Kung ano ang tunay na score sa kanila, hindi ko alam dahil parehas ko silang hindi close.

Okay, maybe mali na pumayag agad ako na sumama, not asking kung sino muna ang mga kasama. Stupid Aria!

Pero wala na akong choice kung hindi panindigan ang desisyon ko. Bahala na si- Wait! Bakit hindi ko ayain si Emily?

Pumunta agad ako sa pwesto ni Emily at inaya siya.

“Ay sorry, birthday kasi ng kapatid ko sa Friday eh. ‘Di ako pwede.”

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon