“In our university, you get to experience...”
School campain/fair nga pala namin. Iyon ang oras para pumunta ang iba’t ibang universities para magpromote ng school nila sa mga 4th year students.
Wala naman akong pakialam sa mga kung ano anong schools na ‘yan eh. Desidido na ako. Sa UP ako mag-aaral! (taas ng pangarap ko)
“Aria, ang gwapo niya oh!” bulong sa’kin ni Gretchen
Tinignan ko ang lalaking sinasabi niya.
“Tss, hindi naman masyado.” sagot ko
“Ewan ko sa’yo. Malabo na ata ‘yang mata mo. Kain kain din ng carrots ‘pag may time.” pagtataray ni Gretchen
Nagscribble lang ako doon sa notebook na ipinadala sa’min. ‘Di nga kasi ako nakikinig diba?
Pusa :3
Binura ko ito.
Ano ba, Aria?
Pero wait, ano nga ba talaga ang dapat kong gawin? Kalimutan at iwasan siya o ituloy ko lang ‘tong nararamdaman ko para sa kanya?
UGH! Si mama kasi eh, ‘yan tuloy naguguluhan na ako lalo.
“Now, we’ll ask a couple of students about what program would you want to take.”
Naku! Ayokong matawag. Shy type kaya ako.
“You, miss? What program to you plan to take up?”
Si Lulu ang natawag.
Phew! Buti na lang at hindi ako.
“I-I want to take up medicine.” sagot ni Lulu
“Oh, medicine. That’s great! What will be your specialization?”
“I still haven’t decided but I want to help and cure cancer patients in the future.” sagot ni Lulu
“Woah, the society will be glad to have you.” sabi ni Mr.Speaker
Naglibot pa siya.
“You? What program do you like?”
Fu- Why me?!
“Uhm, film.”
“Film! You want to be a director?” pag-iintriga niya
“Could be. But I really want to be a scriptwriter.” sagot ko
“That’s good. But do you know that only one school offers that here in the Philippines?”
Tumango ako.
Oo at UP lang ‘yon. Kaya kailangan kong pumasa talaga!
“Well, good luck to you.” sabi niya at naglibot na siya uli.
**
“Ang gwapo talaga ng speaker kanina!” patiling sabi ni Gretchen
“Sino doon? Ang dami kayang nagsalita.” tanong ni Fille kay Gretch
“’Yong sa Ateneo. Grabe, ang papable!” sagot ni Gretch
Nagsitawanan kami. Ang kulit kasing tignan ni Gretch kapag kinikilig eh.
“Uy, sige. Uuwi na ako.” biglang sabi ni Emily
“Ako din.” sabi naman ni Denise
“Ikaw, Aria, uuwi ka na din ba?” tanong sa’kin ni Fille
“O- Ah! May nakalimutan pala ako sa classroom. Sige, una na kayo.”
Pagkasabi ko noon, tumakbo na ako papunta sa classroom.
May quiz nga pala kami sa Physics! Tapos kinakalimutan ko ‘yong libro ko. Ang galing mo talaga, Aria.
Medyo hiningal na ako noong nasa 2nd floor na ako kay naglakad lang ako paakyat ng 3rd floor. Bakit ba kasi hindi ako physically fit?
Pero hindi lang pala pagod ang mararamdaman ko. Sinamahan na rin ito ng gulat.
Nakita kong magkayakap sina Lulu at Ezra sa loob ng classroom. At silang dalawa lang ang nandoon.
Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko ang bag ko.
Mukhang narinig nila iyon at nagulat.
Bago pa nila ako makita ay tumakbo na ako pababa.
“May tao pa ba dyan?” narinig kong sabi ni Ezra
Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit!
Wala na akong pakialam kung naririnig man niya ang mga yabag ko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo.
Sabi na nga ba mangyayari ito eh. I should have known.
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha mula sa’kin mga mata.
Tumigil muna ako sa isang bench doon.
Bakit ba kasi hindi na ako nakinig sa instinct ko? Si mama naman kasi eh. Kung hindi niya sinabi na dapat akong sumugal, edi sana hindi ako nasasaktan ngayon.
Alam ko namang sa ganoon na sila papunta eh. Alam ko namang gusto nila ang isa’t isa. Halata naman eh. Noong third year pa lang ako ay malapit na sila sa isa’t isa. Hindi na ako magtataka kung maglelevel-up sila from best friends to boyfriend and girlfriend.
Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Inuli ko na naman ‘yong nangyari sa’kin dati. Nagkagusto na naman ako sa gusto ng best friend ko. At si Ezra, na gusto lang ako bilang kapatid, ay ganoon pa rin ang nararamdaman sa’kin. Nagbulag-bulagan na naman ako!
Pinagsasampal ko ang sarili ko.
Bakit ba lagi na lang ganito?
Lalong bumuhos ang luha ko. Para na akong may waterfalls sa mukha.
“Hoy! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?”
Natigilan ako at napatingin sa nagsabi noon.
Si Ezra.
“B-Bakit ka nandito?”
“Sagutin mo muna iyong tanong ko. Bakit mo sinasaktan ang sarili mo at bakit ka umiiyak?” tanong niya
“Wala ka na doon.” sabi ko at tumayo na ako para umalis
Hinila ni Ezra ang kamay ko at pinigilan akong umalis.
Iniharap niya ako sa kanya at tumingin sa mga mata ko.
“I care, okay?” sabi niya
Parang natutunaw ako sa mga titig niya.
Inilihis ko ang tingin ko sa kanya.
Baka mamaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
“Why do you keep on crying?” sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko
Nakakainis! Nagmumukha tuloy akong bata.
“Why do you care, huh? Just leave me alone!” sinigaw ko sa mukha niya pero pagkatapos ay inilihis ko na ang tingin ko
“I care because I love you!” sigaw ni Ezra
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Y-You love me?” nagtatakang tanong ko
“You know that already, right? I’ve said that when we’re still in London.”
“But, I thought-“
“You thought I stopped loving you? Not a second. Even before I left for London, I’ve always wanted to tell you that. I love you and nothing is going to change that. I don’t want to see you crying and being hurt cause it’s 10 times the effect on me. If there’s something I can do just to ease your pain, I’ll do it. Just don’t cry anymore, please?”
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
I’ve been wanting to do this. Ever since first year, ever since I laid my eyes on him. The man I truly desire. The first man that I ever loved.
“I love you, Ezra.”
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Teen FictionSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...