“Hoy! At dahil nagkwento ako, ilibre mo ko ng Chuckie.” sabi ko kay Ezra ng nakangiti.
“Ayoko nga. Wala akong pera ngayon.” sagot sakin ni Ezra.
“Aba! Tinatanggihan mo na ako ngayon ah. Parang dati, pati mga kaibigan ko nililibre mo.”
“Dati yun.”sabi niya at kinindatan ako.
Mapang-asar talaga yun!
Napilitan tuloy akong pumila sa drinks corner.
Buti na lang walang masyadong bumibili.
Nang malapit na akong makabili ay saktong ang kakabili lang ng inumin niya ay si Caleb at nagsalubong kami.
Tumingin na lang ako sa baba para hindi kami magkatinginan at magkapansinan.
“Umuwi ka daw ng maaga. May importanteng sasabihin si papa.” sabi ni Caleb nang madaanan niya ko.
Aba. Makapagsalita siya ah. Sa pagkakaalam ko siya ang mas late na umuwi sa aming dalawa eh.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nakaalis na siya agad.
“Oh? Nakabili ka na?” sabi ni Ezra.
“Hm? Ah.. Oo!” sabi ko at sinamahan ko na siyang maglakad papunta sa classroom.
Habang naglalakad kami ay ginulo niya ang buhok ko.
Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.
“Haha! Hindi ka pa rin nagbabago. Oh!” sabi niya at binigyan niya ko ng pringles.
Waaaah! Favorite ko ‘to.
“T-Thank you.”
Nginitian lang niya ako.
“Akala ko ba hindi mo ako ililibre?”
“Chuckie lang naman ang sinabi mo kanina eh.” sagot ni Ezra.
“Kahit na. Eh mas mahal nga ‘to eh.”
“Tss. Mukhang ayaw mo naman na nilibre kita eh. Akin na nga yan.” sabi niya at pilit na kinuha sakin yung pringles na ibinigay niya.
“’To naman. Nagtatanong lang eh.”
Nang makarating kami sa classroom ay agad kaming dumiretso sa upuan namin.
Pagkarating namin doon ay nasalubong pa namin sila Hanna at Caleb na magkasama malapit sa pwesto namin.
Oo nga pala, nakaupo si Hanna sa pwesto sa likod ko.
“Knock knock.”
“Who’s there?”
“Puso mo.”
“Puso mo who?”
“I love you.”
“Oh nasaan naman yung puso mo?”
“Hindi ba na sayo na, bakit mo pa hinahanap sakin? Eh na sayo ang puso ko.”
Narinig ko na naman ang corny na knock knock jokes ni Caleb na syempre ay bentang benta kay Hanna.
Hindi pa ba siya nauubusan?
Naalala ko tuloy noon...
~
Nakita ko naman silang magkasama. Magkayakap. Hindi ko alam kung may iba pa silang ginawa pero iyon lang ang nakita ko.
Nakakainis! Manhid na ba talaga sila at naisipan nilang maglandian sa harapan ko? Take note: sa harap ko pa talaga!
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
أدب المراهقينSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...