Chapter 3

168 8 1
                                    

 “Okay, it’s your turn to introduce yourselves.”

“Awww!” sabay sabay na sigaw naming lahat

Introduce na naman! Lagi na lang -.-

Pero wala naman kaming magagawa eh. Sinunod na lang namin ang utos ng adviser nami. Nauna yung mga nasa harap. Which is my ex-BFF’s at ang barkada ni Caleb.

Ganoon pa din sila. Si Spencer, makulit at kwela pa rin samantalang si Hanna palagi pa ring sinasabi na maganda siya.

Si Caleb naman, well he’s always been the Caleb I know. Parang hairstyle lang ata ang nagbabago sa kanya.

Natapos na ang walang kamatayang introduction at nagsalita na uli si Mrs. Tolentino.

“Okay. Now let’s have the seating arrangement for the first quarter.”

“Maaaaaaaam!” nagreklamo kaming lahat.

“Wala nang reklamo! Pumila na kayo, one line for boys and one line for girls”

Grabe naman. Kakasimula palang ng school year may seating arrangement na agad?

Sa first row, naassign sila Fille at Denise pero hindi sila magkatabi.

Samantalang ako naman, pinaupo sa dulong upuan ng second row. And guess who kung sino ang katabi ko?

Si Ezra.

Why is this happening to me?

Ang nasa tabi naman niya ay si Lulu.

Buti na lang!

Ang nasa likod ko naman ay si Hanna. Binati naman niya ako at sinuklian ko siya ng ngiti.

Well, ganoon na ang naging set-up namin.

Not best friends, not enemies. Civil lang.

Siguro nanghihinayang kayo sa pinatunguhan ng friendship namin. Kahit ako man ay nanghihinayang eh. Pero siguro nga talaga not all things last forever.

“Uy!”

Tumingin naman ako sa nagsabi noon.

Okay, wrong move.

Nilihis ko ang tingin ko sa kanya.

“Hindi ka ba talaga napapagod?” sabi ni Ezra.

“Bakit naman ako mapapagod?”

“Eh kasi tignan mo, iwas ka ng iwas, tago ka ng tago. Tapos hindi mo pa ko pinapansin-”

“Eh ano ‘to? Hindi pa ba kita pinapansin?”

“Basta. Ano ba talagang kailangan kong gawin para mabalik na yung dati, baby girl?”

“Anong kailangan mong gawin? Huwag ka nang umasa na maibabalik mo pa yung dati.”

**

Ano ba yung mga pinagsasabi ko?

Hindi naman kasi ako galit sa kanya or something eh. It’s just that it’s better kung hindi ko na lang siya makita or makasama. Kasi-

“Uy! Ikaw ah! Nako, mabubuhay na naman ang Ezria loveteam.” sabi ni Gretchen

“Ezria?”

“Ezra at Aria! Duh.”

“Gretch naman.”

“Bakit ba kasi nilalayuan mo yun?”

“Yan na naman ba tayo? Naiilang nga ako diba?”

“Eh bakit ka naiilang?”

“Kasi... Kasi-“

“Dahil sinabihan ka niya na mahal ka niya?”

Napaisip ako doon.

“Hindi naman.”

“Eh ano?”

“Giiiiirrrls! Watcha doin?” tawag samin ni Fille habang papalapit samin.

“Alam mo, if you can’t be comfortable with the past, why don’t you just erase it, pretend nothing had happened and start all over again?” sabi niya bago makarating si Fille.

“What are you two talking about?” sabi ni Fille habang nakangiti.

**

Dismissal time na. Halos wala nang natira sa classroom.

Pero mas okay na iyon dahil nandito pa naman ang kailangan ko. Nandito pa siya.

Si Ezra.

Lumapit ako sa kanya at nang nasa harapan na niya ako ay nagkatinginan kami.

 Okay, nawala na ata lahat ng sasabihin ko.

“May kailangan akong sabihin!” sabay kaming nagsabi.

“Ikaw muna” sabi ko.

“No, ikaw muna. Ladies first.”

“Ikaw na. Makikinig na lang ako. Promise hindi kita susungitan.”

“Ikaw naman. Lagi na lang ako ang nagsasalita.”

“Okay. Uhmm... Paano ko ba ‘to sisimulan? I-I’m sorry. I’m so immature. Hindi ko alam kung bakit layo ako ng layo sayo. Kung bakit naiilang ako sayo. Ewan ko ba. Hindi lang talaga siguro ako sanay-”

“Okay na, okay na. You don’t have to say sorry. What’s important is kinakausap mona ko. You’re finally comfortable saying all of that to me.”

“T-Thanks.”

Yun na lang ang nasabi ko. Kahit kailan talaga napakabait ni Ezra.

“Let’s just start all over again, okay?”

Ngumiti na lang ako at sabay kami na lumabas ng classroom.

Nabunutan na rin ako ng isang tinik.

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon