Chapter 16

122 9 0
                                    

Nakaupo na kami ngayon ni Ezra sa bench na inuupuan ko kanina.

“Uy, bakit ka ba kasi umiiyak kanina?” tanong ni Ezra

Naku! Naalala pa niya ‘yon?

Parang nahihiya tuloy akong sabihin.

“D-Diba sinabi mo na? Ikaw kasi akala ko hindi mo na ako gusto.” palusot ko which is halfly true

“Tss, ikaw naman ‘tong may gusto na friends lang tayo eh. Tapos ikaw ‘tong iiyak iyak ngayon.”

“Oh, sige na. Edi friends na lang tayo uli para hindi mo na ako pinagsasabihan ngayon.” pang-aasar ko sa kanya

“Uli? Bakit hindi na ba tayo friends?” pilyong sagot naman ni Ezra

Tsk! Gumaganti siya ah.

“Tss, ewan ko sa’yo.” sabi ko at akmang aalis na ako

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin.

“Eto naman, nagtatanong lang eh.” sabi ni Ezra with a cute voice

Naku naman eh!

Nanatili lang kaming ganoon at natahimik.

“Pst.” pagpuputol niya ng katahimikan

“Ano?” sabi ko

“Tayo na ba?” medyo nahihiyang tanong ni Ezra

Feeling ko ay namumula na ata ako.

Buti na lang at hindi niya ako nakikita dahil nakayakap pa rin siya sa’kin.

“Ewan.” sagot ko

“Yes or no lang ang sagot.” sabi niya at tumingin na siya sa mukha at mga mata ko

Inilihis ko ang tingin ko sa kanya.

“Yes?” sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

Sheeee- Magkaeye-to-eye na kami.

Tomato na ata ako sa sobrang pula ko.

“Say it while looking at me.” sabi niya at nginitian ako

Napalunok ako.

Parang matutunaw na ata ako dahil sa titig at ngiti niya.

“Yes.” sabi ko without hesitations

Pagkasabi ko noon ay tumalon-talon siya.

Ang cute niya! Para siyang bata.

“Yes! Kami na ni Arianne Nicole Clemente. Wooh!” sigaw niya

“Uy! Para kang tanga. Baka may makarinig sa’yo.” pagpipigil ko sa kanya

“Wala akong pakialam. Wooh!”

Hinila ko siya para mapaupo siya.

“Ang kulit mo naman.” sabi ko sa kanya

“Sorry, sobrang natuwa lang ako eh.” sabi niya

Mukha talaga siyang bata.

Napangiti ako.

“I can’t believe this is really happening. I’ve always wanted this. Noong hindi ako umabot sa airport, disappointed talaga ako noon.”

Naalala ko na naman tuloy ang araw na ‘yon.

“Gustong gusto kong sabihin sa iyo noon na mahal na mahal kita. Gusto kong hilingin sa’yo na hintayin mo ako. Pero hindi ka dumating. Tapos sinubukan kong kausapin ka through social networking sites pero you didn’t respond to any of my messages. Then bigla na lang kitang nakita uli, kaso may nagmamay-ari na pala sa iyo. Kaya masisisi mo ba ako kung sobrang saya ko ngayon?”

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon