Chapter 11

128 8 0
                                    

"Sinasamahan ka. Bawal ba?" sabi ni Ezra

"Bumaba ka na nga! Malelate ka na lalo pag-uwi mo nyan eh."

"Ayos lang 'yon. Lalaki naman ako eh. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Eh ikaw? Madami kayang umaaligid na rapists dyan."

"Anong akala mo, porket babae ako, mahina na ako? Don't underestimate me" sagot ko sa kanya

"Chill, chill. Hindi naman ako nandito para makipag-away sa'yo. Gusto ko lang na makitang safe kang nakauwi. Inutusan ako ni Lulu na gawin 'to kaya don't thank me."

Yumayabang ata 'tong si Ezra ah. Hmp! Pero okay lang din. At least 'di na ko takot sa pag-uwi.

Pero wait, si Lulu inutusan si Ezra? Tapos sumunod agad si Ezra? Hindi kaya may gusto si Ezra kay Lulu?

"Bahala ka." sabi ko sa kanya

*Awkward Silence*

"Balita ko hindi ka na nakatira kila Caleb ah?" biglang tanong niya sa'kin

"Halata naman diba?"

"Okay, sungit mode na naman po siya." pang-aasar niya

"Tss."

*Awkward Silence*

"Wala ka na ba talagang ibang alam na pagtripan kung hindi ako?" pagpuna ko

"Wala" sabi ni Ezra habang nakangiti ng malapad

Para siyang bata.

"Wala ka man lang bang nililigawan o girlfriend?"

I'm sure it's either nililigawan niya si Lulu or sila na.

"Wala."

"Wala? Bakit naman wala?"

"Eh sa wala eh. May hinihintay kasi ako eh."

Hinihintay? Uso pa ba 'yon sa mga lalaki? O baka naman hindi siya lalaki? Haha!

"Sino naman 'yon?" tanong ko

"Secret." mapang-asar na sabi niya

Tss. Pasecret secret pa siya. Eh halata namang si Lulu 'yon. Ang tagal na kaya nilang magkasama. Malapit lang sila sa isa't isa. Perfect pa si Lulu. Imposibleng hindi pa niya magustuhan 'yon.

"Bakit, ikaw ba? May manliligaw ka ba?" tanong niya sa'kin

"Wala." sabi ko habang nakatingin sa labas

Nahihiya kasi ako eh. Siya may lovelife, ako wala.

"Boyfriend?"

"Lalong wala."

"Bakit naman? Choosy ka siguro noh?"

"Hindi ah. Wala lang talagang nagtatangka."

"Ah sus. Panigurado may hinihintay ka din. 'Yong Mr.Right mo. Ganyan naman kayong mga babae eh. Ano bang type mo sa lalaki?"

"Hmm, 'yong maiintindihan ako, 'yong hindi nauubusan ng ideas para pasayahin at ipakitang mahal na mahal niya ko."

"Wala kang physical preferences?"

"Syempre dapat gwapo! Pero madalas naman kapag nagmahal ka, hindi mo na papansinin 'yong panlabas. Kapag minahal mo na, mahal mo na talaga."

Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?

"Sorry ah. Ang gulo pala nang sinabi ko. 'Wag mo na lang intindihin." pagpapatuloy ko

"Hindi, okay lang. Naisip ko nga na maswerte 'yong kung sino man ang mamahalin mo."

"Hindi rin. Kawawa lang siya sa'kin. Hindi naman kasi ako marunong pantayan 'yong pagmamahal ng nagmamahal sa'kin. Hindi ako naninindigan. Hindi ko alam kung paano siya ipaglalaban. Puro pagtanggap lang ang alam ko. Ang selfish ko na, duwag pa." sabi ko

Ang drama ko.

Hinawakan ako ni Ezra sa balikat at iniharap sa kanya.

"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Alam mo, kahit sabihin na nating hindi ka marunong lumaban o manindigan, that doesn't make you coward. Alam mo kung ano ka? Pessimist, bulag. Hindi mo nakikita kung sino ka talaga, kung ano ka talaga. Puro mga mali mo lang ang pinapansin mo when in fact mas marami kang nagawang tama. Maaaring nakapanakit ka noon, pero hindi naman ibig sabihin noon ay patuloy ka pang makakapanakit. Learn to see the good in you, Aria."

Natigilan ako doon.

Ngayon na lang ata ulo ako nakarinig na may naniwala sa'kin.

Ngayon na lang uli mag nagpagaan ng loob ko.

Matagal ko nang hinihintay na may taong magsabi sa'kin na mali ako, na hindi naman tama ang tingin ko sa sarili ko.

"Sungit, nandito na tayo."

Oo nga, nandito na kami sa kanto.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa bahay.

Nang nasa tapat na kami ng bahay ay nagsalita na ako.

"Thank you." sabi ko sa kanya

"You're always welcome." sabi niya at pinisil niya ang pisngi ko.

For the first time, hindi ko siya inangilan.

"Tandaan mo 'yong sinabi ko ah. Goodnight pusa!" sabi niya at umalis na siya.

Pusa? Kung ano anong naiimbento nitong tawag sa'kin ah.

My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon