“Okay class, please fall in line outside.” utos ni Mrs. Tolentino.
Sinunod naman namin siya at lumabas na kami para pumila.
As usual, ang mga kasama ko ay sina Gretchen, Emily, Fille at Denise.
“Ano bang meron?” tanong ni Fille.
“Student’s Orientation. Hindi ka ba nakikinig noong first day?” sabi naman ni Denise.
“Hindi. Hahaha.” sabi ni Fille.
“Class, form your line according to your alphabetical order. Alternate ang boys and girls ah.” habol pa ni Mrs. T
“Ano ba yan?!” narinig kong reklamo ng mga kaklase ko.
Pero sa huli ay sinunod na lang namin si ma’am.
At dahil by alphabetical order, nakatabi ko si Ezra.
Lumakad na kami at nagpunta na sa gym.
“Kamusta ka naman?” sabi ni Ezra na nasa likod ko sa pila.
“Okay lang naman. Uy, baka mapansin ka ni ma’am na dumadaldal dyan. Ang strikto pa naman niya.”
Tumahimik naman siya at mukhang nakinig siya sa sinabi ko.
Nang makarating na kami sa loob ng gymnasium ay naupo na kami sa assigned na pwesto ng section namin.
Nasa dulo na naman ako at ang katabi ko lang ay si Ezra. Parang seating arrangement lang sa classroom ah.
“Pst.” narinig kong tawag ni Ezra.
“Hm?”
“Musta?”
“Diba tinanong mo na yan kanina?”
“Ay oo nga. Sorry.”
Natawa naman ako dahil doon.
Napangiti naman siya.
“Bakit ganyan ka makangiti?”
“Huh? Lagi naman akong nakangiti eh.” sagot naman ni Ezra.
“Tss. Okay.”
“Sungit.”
Inirapan ko siya.
Pinindot ni Ezra ang pisngi ko.
Tinitigan ko naman siya ng masama.
“Ang sungit talaga nito.”
“Talaga.”
Tumawa na naman siya.
Ano bang nakakatawa?
“Ganyan ba ang naidudulot sayo ng boyfriend mo?”
Muntik na kong umusok sa galit sa tinanong niya.
Bakit sa lahat ng sasabihin niya iyon pa?
“Wala akong boyfriend” sabi ko at tumingin ako sa ibang direksyon.
“Break na kayo ni-“
Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
“Wag mo nang tangkaing sabihin ang pangalan niya.”
“Bakit naman kayo naghiwalay? Sinaktan ka ba niya? Pinagpalit ka ba niya? Naku sabihin mo lang at ipaghihiganti kita kung ginawa niya iyon sayo.”
“You don’t have to do that.”
“Pero walang dapat na manakit sayo.”
Bakit ikaw ba hindi mo ako sinaktan noon? Hindi ba kaya nga ako nagkagusto kay Caleb ay dahil nagmomove-on ako sayo matapos mong sabihin na hanggangkapatid lang ang turing mo sakin. Pagkatapos, ikaw din yung taong naging sweet at pinasaya ako tapos iniwan din pala ako sa bandang huli. Ikaw din yung taong sinabing mahal na ko sa panahon na kumplikado na ang lahat ng bagay. Hindi pa ba papanakit iyon?
Pero syempre hindi ko sinabi ang lahat ng iyon. We’ll start all over again na nga diba?
“Hindi siya ang nanakit. Ako.”
Nagtaka naman siya.
“Ako ang nakipaghiwalay.” pagpapatuloy ko.
**
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari isang linggo bago kami umalis ng London.
Pero hindi ko sinabi sa kanya yung part na nabanggit ko ang pangalan niya.
“Ganoon lang iyon kadaling natapos? Sinabi mo lang na ayaw mo na sa kanya at hinayaan ka lang niya na humiwalay sa kanya?”
“Oo. Maybe hindi naman talaga totoo iyong pagmamahal namin sa isa’t isa.”
Parang hindi satisfied si Ezra sa mga sinabi ko.
“Pero nakahanap ka na ba ng ipapalit sa kanya?”
“Hindi ko na muna iniisip iyon. Nagpapakasaya muna ako sa buhay ng pagiging single at tsaka may mga kaibigan naman ako eh, so hindi naman lonely ang life ko.”
“Speaking of friends, bakit nga pala hindi na kayo magkasama nina Spencer at Hanna?”
“Hindi ko din alam eh. Basta matapos ng prom unti-unti na kaming nagkahiwalay. Siguro kasi nagkaroon na rin kami ng iba’t ibang bagong kaibigan.”
“Yun lang ba talaga?”
“Oo. Nagdadoubt ka pa ba sa mga sinasabi ko sayo?”
“Hindi naman. It’s just that para kasing meron pang nakakubling mas malalim na kwento behind everything you had just said.”
“Wala ah. Don’t you trust me?”
“I do trust you. But do you trust me?”
Napalunok ako. Hindi rin kasi ako sigurado sa sagot ko sa tanong na iyon.
“Of course I do.”
BINABASA MO ANG
My Best Friend is my Boyfriend (Book 2)
Teen FictionSenior Year. Huling taon sa high school. May mga taong nawala at may mga taong pumalit. May mga alaalang pilit na kinakalimutan at may mga bagong karanasang papalit. Sabi ng karamihan, pinakamasayang yugto ng buhay mo ang pagiging high school, pero...