Chapter 48

12.4K 295 86
                                    


KATHRYN's POV


"Aalis ka?" bungad na tanong sa'kin ni Daniel.

Ilang araw na rin siyang nandito. Uuwi lang siya para matulog o di kaya pumasok, pero halos lahat ng oras niya ang ginugol niya sa pag-upo at pag-antay sa'kin sa labas. Araw-araw rin bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan para sa kanya. Deserve niya rin ito sa lahat ng ginawa niya sa'kin.

"Pupunta ako ng university." I need to settle things there.

I took all the courgage to decide na harapin silang lahat. Na harapin lahat ng panghuhusga nila. Medyo malaki na rin ang tiyan ko kaya titigil muna ako sa pag-aaral. Alam kong sayang pero para sa magiging anak ko.

"I'll come with you," natigilan ako. "I mean, hindi naman pwede na ikaw lang mag-isa doon. You know what happened.."

"Huwag kang magmalinis." I said in gritted teeth. Naiinis na talaga ako.

Bumaba na ako at agad na pumara ng taxi. Nakita ko pa mula sa rear mirror ng taxi ang kotse ni Daniel. Napairap nalang ako sa kakulitan niya. Ni hindi ko nga alam kung seryoso pa siya o hindi. Parang naglalaro lang siya ng isang laro.

Sumalubong sa'kin ang mga mata ng mga studyanteng nakakasalubong ko. Siguro ay alam na nila ang nangyari. May iilang kaklase rin ako na nginitian naman ako pero sa pagtalikod ay pagbubulungan ako. Napahinga nalang ako ng malalim. Dumiretso ako sa cafeteria dahil makikipagkita lang ako kay Julia doon.

"Kathryn!" Julia beamed and kissed me on my cheek, "Kamusta ka na? Okay ka na ba?"

Ngumiti ako. "Okay naman kahit papaano."

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Malaki na pala," aniya at hinaplos ito ng bahagya.

Hindi naman ito ganoon kaklaro na malaki na ang umbok ng tiyan ko. Nagsuot ako ng oversized shirt para hindi mahalata.

"By the way, nakausap ko na yung Dean at sinabi ko na rin 'yung naiwang issues mo dito sa university. Siya na daw ang bahala ang luminis nito."

"Wala na rin akong balak ipagpatuloy ang pag-aaral, Juls. Baka nga hindi ko na maabutan ang graduation."

"Ano ka ba, Kathryn. Syempre para kay baby."

Tumawa naman kami. Nagkwentuhan muna kami. Naikwento ko na rin sa kaniya ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

"Eh ano bang plano mo?"

Napahinga ako ng malalim. Actually, I don't know. "Hindi ko pa alam.."

"Eto matagal ko na ito sinasabi sa iyo, Kath. Palagi mong susundin ang utak mo along with your heart. Make decisions that are worth of your own sake and your own happiness." nakangiti siya sa'kin habang sinasabi ito.

Tumango ako. Napatingin ako sa wrist watch ko at sakto 1 pm na. Hindi ako pwede magtagal dito at baka mapagod ako ng husto. Nagpaalam na ako kay Julia.

"Uhm, Kath.."

Lumingon ako. "Bakit?"

"Don't you dare open your social media sites."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka pero bago pa man ako magtanong ay nagpaalam na siya. Huminga ako ng malalim bago natanaw ng paningin ko si Dominic. Nakangiti siya at mag-isa.

"Dominic!" I called him pero hindi siya lumingon.

Hinabol ko siya at tinawag muli. Lumingon siya at gulat na napatingin sa akin. Hindi ko na siya nakita simula nung mangyari iyon. Nagbago agad ang ekspresyon sa mukha niya.

"Kathryn," he sighed. "Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit ganiyan ka magtanong? Parang ayaw mo akong makita." malungkot na sabi ko. Parang he's pushing me away.

Umiwas siya ng tingin. "Umuwi ka nalang muna, Kath."

"Dahil ba sa napanood mo? Isa ka rin ba sa mga taong manghuhusga sa akin? Sa mandidiri sa akin?" tinignan ko siya pero mas lalo lamang siyang lumayo, "Dom naman."

"Mauuna na ako." tumalikod na siya and again, I feel like nobody.



Naabutan ko si Daniel na naghihintay sa labas. Kakauwi ko lang at ramdam ko ang bigat ng damdamin ko ngayon dahil sa inasal ni Dominic kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niya pala gawin ito sa akin.

Dumiretso na ako papasok at agad na humiga sa kama. Pagod na ako. Nakakapagod din pala. Kinuha ko 'yung phone ko. Naisip ko ang sinabi ni Julia sa akin na huwag daw ako mag-o-open ng social medias ko.

Ano bang meron? Huminga ako ng malalim bago buksan ang facebook ko. Hindi ko na rin ito nabubuksan. Unang bumungad sa akin ang isang page request. Binuksan ko ito at mas lalo lang akong nagulat sa nakita.

'Kathryn Bernardo: Dakilang Malandi'

Napikit ako at isa-isang binasa ang mga naka-post doon. Masasakit na salita ang binabato nila sa akin. Alam kong ang iba dito ay hindi totoo pero nasasaktan pa rin ako. Hinayaan ko lang bumuhos ang luha ko para naman mabawasan ang sakit na nasa puso ko ngayon.

I'm crying again.

Isinara ko ito dahil hindi ko na kaya. Binaon ko ang mukha ko sa unan. Kahit ngayon man lang, magiging mahina muna ako dahil hindi ko na kaya.


Nagising ako sa amoy ng pagkain. Lalong kumalam ang tiyan ko. Bumangon na ako at nakita ko ang tray ng pagkain. Lumingon ako at nakita ko si Daniel na nakangiti.

"Paano ka nakapasok?" tanong ko.

"Kumain ka. Alam kong nagugutom ka na." sabi niya and he ignored my question.

Kinain ko ang niluto niya at oo, masarap nga. Inubos ko ito dahil nagugutom na talaga ako. Matapos kong kumain ay iniligpit ko ito.

"Ako na diyan, Kathryn.." inagaw ni Daniel ang tray na sana dadalhin ko sa kusina.

Iniwasan ko siya. "Buntis ako at hindi baldado."

"Ako na baka mabigatan ka."

"Kaya ko na."

Umiling siya. "I can manage. Humiga ka nalang ulit."

Inagaw ko muli kaya natapon ang tray at lumikha ng ingay ang mga nabasag na bowl at baso. "Ako na sabi eh!" sigaw ko.

Huminga lang siya ng malalim. Yumuko at pinulot ang mga ito pero nasugatan lamang ako.

"Kathryn.."

Patuloy kong pinulot ang mga basag kahit na dumudugo ang kamay ko. Parang buhay ko, nababasag din. Umiyak ako dahil alam kong walang katapusan ang sakit na ito.

Agad akong niyakap ni Daniel pero umilag lang ako ng umilag. "Kathryn, please..."

"Ang gago mo! Ang gago gago mo! Ang gago mo para saktan ako! Mahal pa rin kita Daniel but you chose to broke my heart! Sinaktan mo kaya ang gago mo!" sigaw ko habang humihikbi.

"I'm sorry." bulong niya habang akap-akap ako.

"I hate you but still I love you. Sinira mo ako. Sinira mo buhay ko. Pero kahit ganun, nagpapaka-martyr ako at mahal na mahal pa rin kita."

Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig niya. Inilalabas ko ang sakit na nakapaloob sa puso ko ngayon. Ilang sandali ay binuhat niya ako inihiga sa kama. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

"Kathryn.." inayos niya ang kumot ko at inilapat ang labi sa noo ko. Matagal itong nakadikit hanggang sa naramdaman ko ang pumapatak na luha doon.

"Oo, gago ako. Pero ang gago na ito ay hindi magsasawang mahalin ka."

***

a/n: Le dramas! Hahaha! Baka next week na ulit dahil pasukan na. Pahingi ng comments pls 🙏

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon