Chapter 51

13.4K 244 32
                                    



KATHRYN's POV



"Malapit na ang birthday mo, iha." sabi ni Mama Karla sa'kin.

Nandito sila bahay dahil gusto na rin nila akong bisitahin. Hindi pa nila ako nakikita simula nung malaman nilang buntis ako.

"Yes," nakangiting sagot ko. "Wala na rin akong balak magpa-party. Simpleng celebration lang naman."

"Ayaw mo? Its your 19th birthday, celebrate na rin tayo para diyan sa little angel mo."

Bumuntong hininga ako at umiling nalang.

"Buntis na ako, Mama Karla. I'm not teenager anymore to have some party."

"Ma, dinner lang gagawin namin ni Kath." nakangiting saad ni Daniel. Nilingon ko siya.

Nagkwentuhan muna kami ng parents ni Daniel. Matagal na rin kasi nang huli kaming magkita. Sayang at wala sina Daddy dito. Hindi ko pa rin sila nakakausap until now, siguro ay galit pa sila sa akin.

"Ilang months na nga iyan?" tanong ni Papa Rom.

"5 na, pa." sagot ni Daniel.

"Anong gender ng bata? I'm so excited to see little Kathryn or Daniel running around this house."

Napangiti nalang ako. I can't see disappointment in their faces. Mas excited pa sila sa akin ang malaman ang tungkol sa bata.

"Hindi pa naman inalam. Pero nararamdaman kong babae ito."

Umiling naman itong katabi ko. "No, lalaki 'yan. Hindi ba mas alam ng mga tatay ang gender ng bata kesa sa mga nanay?"

"Babae ito. Mother instincts."

"Lalaki."

"Whatever it is, if its girl or boy, apo pa rin namin iyan. Hindi naman big deal sa amin," sabi ni Mama Karla habang sumusubo. "Ano bang pinaglilihian mo Kath?"

"When it comes to food, super asim na mangga tapos bagoong. Minsan doughnuts din o di kaya cookies. Minsan rin ay naiinis ako sa pagmumukha ni Daniel." nahihiyang sabi ko.

Tumawa naman si Daniel sa tabi ko. Tuwang-tuwa pa ang loko. Naiinis na rin kasi ako sa mukha niya lalo na kapag umaga at siya ang unang bubungad sa'kin. Sabi nga ni Julia ay baka siya ang pinaglilihian ko.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay nagpaalam muna ako para magpahangin sa labas. Nanatili naman sila sa loob dahil may pag-uusapan muna sila, which is I find somewhat confidential.

Napatingin ako sa lalaking naka-hood na nakatago sa puno. Binuksan ko ang gate ng at matamang tinignan kung sino man iyon. Creepy.

"Guni-guni mo lang 'yon, Kath.." bulong ko sa sarili bago hawakan ang akin tiyan at magpasyang pumasok nalang ulit sa loob.

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay may bigla nang humili sa'kin at tinakpan ang bibig ko. Baka isa itong holdaper o hindi kaya killer at una kong naisip ang anak ko. Ang baby ko. Napahawak naman ako sa tiyan ko.

Bigla niyang tinanggal ang takip sa bibig ko matapos akong kaladkarin sa kung saan. Hinarap ko ang lalaking iyon at mas lalo akong nagulat.

"Dominic?"








Our feets made a way dito sa park sa village namin. Tahimik lamang kaming naglalakad patungo dito at walang ni isa na nagtangkang magsalita, kahit ako na gustuhin ko man.

Huminto kami at naramdaman ko ang malamig na hanging dumapo sa balat ko.

"Dominic.." I almost mumbled. Naiiyak ako dahil ngayon ko lang ulit nakita si Dominic, ang bestfriend ko. Naalala ko bigla ang mga pandidiri at panghuhusga sa mga mata niya nang huli kaming magkausap.

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon