Chapter 53

11.7K 237 21
                                    

Note: Kindly read the author's note. Thank you!

_

KATHRYN's POV


"May pasok ka pa, Daniel." I reminded him. Mas niyakap niya lang ako ng mahigpit na kasalukuyan naman kaming nakahiga sa kama.

It was a morning feels kaya hindi pa kami bumangon. Pero dahil may pasok pa si Daniel and I don't want him to skip classes. Atleast kahit hindi na ako makapag-aral, kahit siya nalang. Plano ko rin ipagpatuloy ang pag-aaral ko kapag meron na akong oras pero wala pa sa isip ko 'yan.

He kissed my forehead. "Okay, okay. Dahil kanina ka pa nagsasabi niyan," natatawa niyang aniya.

"May pasok ka pa kasi. You're almost late."

"Namiss lang talaga kita saka gusto ko kayo makasama ng matagal."

Tumawa ako. "Grabe ka naman, Daniel. Papasok ka lang naman."

Ilang minuto rin bago ko siya napapayag na mag-ayos na. Bumaba na ako at nagsimulang magluto ng usual na handa ko sa breakfast. French toast, hotdog and egg. Kakalapag ko pa lang sa lamesa nang bumaba na si Daniel.

"Kain na tayo." I smiled at him. Inalalayan niya naman akong umupo, "Bakit ka nakatitig?"

"Wala. Gumaganda ka talaga lalo."

"Bola mo! Kumain ka nalang kaya!"

Buntis na ako't lahat lahat pero iba siya makapuri. Para pa rin talaga akong teenager na kinikilig. Umiling ako saka nagpatuloy sa pag kain. Matapos naming kumain ay hinatid ko naman siya sa gate.

"Mag-iingat ka dito, ha?" he assured at me. I nod in response. "Call me if you need anything."

"Okay."

Bumaba ang mukha niya sa umbok ng tiyan ko. He kissed my tummy. "I love you, little one. Mag-aaral lang si Daddy."

Kumaway na ako nang papaalis na ang kotse niya. Bumalik na ako sa loob at inutusan ang mga katulong na sila na ang maglinis sa hapag kainan dahil binawalan na ako ni Daniel na gumawa ng mga gawaing bahay. Kaya eto at walang magawa sa bahay. Tanging paghiga at kain lang ang ginagawa ko.

Umakyat na ako sa taas at naisipang matulog nalang ulit. Pahiga na ako nang mapansin ko ang isang libro na nakatapatong sa side table. Ito 'yung librong inaaral ni Daniel at may inipit siya na papel dito na sabi niya ay ipapasa niya ngayon. Baka nakalimutan niya ito.

Agad naman akong nag-ayos at nagbihis. Balak ko sanang ihatid ito kay Daniel dahil kailangan niya ito. Sayang naman iyong ipapasa niya. Nagpaalam muna ako sa mga katulong saka lumabas. Pumara naman ako ng taxi at sinabi ang university kung saan niya ako ihahatid.

Pagkadating ko sa university ay napakunot ang noo ng guard. Maybe seeing a pregnant women going inside the university. "Ma'am?"

"Bernardo." I showed him my identification card.

Nagulat naman ang guard saka ako pinagpasadahan ng tingin. "Studyante ka ba dito? Buntis ka po at-"

"May ihahatid lang sana ako. Don't worry, I won't stay here for too long."

Pinapasok naman ako ng guard. Sari-saring tingin ang sumalubong sa akin. Nung huli akong dumalaw dito ay hindi pa ganon kalakihan ang tiyan ko pero ngayon at sobra-sobra na ang laki ng tiyan ko kaya mukha na akong buntis. I threw my fear and inhibitions away and walked along.

May iilan na babatiin ako habang naglilibot naman ako. Hinanap ko siya sa class niya pero wala na siya doon. Hinanap ko rin siya court, locker room but he's nowhere to be found.

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon