Chapter 50

15.7K 306 62
                                    

a/n: update if maraming comments and reactions dito. i badly need it guys pls po

_


KATHRYN's POV



I'm not expecting this. Hindi ko aakalain na sasamahan niya ako sa check-up ko sa ObGyne.

"May pasok ka pa, Daniel.." mahinang sabi ko. Napatingin naman siya sa akin saglit, "Ayok-"

"Stop, Kathryn. Sasamahan kita sa ayaw at gusto mo."

Napanguso nalang ako. He smirked when he saw me at this state. Tuwang-tuwa pa ang gago. Ayoko naman siyang matali sa responsibilidad na naman kung may iba pa siyang priorities na gagawin. Hindi naman siguro ganoon kaimportante ang check-up ko dahil monthly ko naman ito gagawin.

And again, inaatake na naman ako ng guilt ko.

"Magbihis ka na male-late pa tayo sa appointment." sabi niya at nginitian ako. Nakabihis na kasi siya. Papasok sana siya pero nung sinabi ko na may check-up ako ay pinili niyang samahan nalang ako.

Umakyat na ako sa kwarto at mabilisang nagbihis. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako.

"Ano? Halika na?"

Tumango ako. Nagpaalam muna kami sa mga katulong bago umalis na. Ilang minuto rin ang biyahe at sobra naming tahimik. Walang nagtangkang magsalita.

Pagkadating namin sa hospital ay wala pa masyadong tao dahil pinili namin na mas mapaaga ang check-up. Napansin kong biglang tumahimik si Daniel kaya napalingon ako sa kanya.

"Okay ka lang ba? Baka may gagawin ka pa sa school at napilitan ka lang sumama dito." sabi ko sa kanya.

He gave a half smile. "No, I can't wait to see you na malaki na ang tiyan tulad niyan," napatingin ako sa tinitignan niya at may isang babae na sobrang laki na ng tiyan.

Hindi pa naman kasi ganon kalaki ang tiyan ko. Around 4-5 months pa lang kasi 'to. Pero nararamdaman ko ng buhay sa loob ko dahil minsan ay bumibigat na rin itong tiyan ko.

"Lalaki rin ito. Anong akala mo sa baby natin na hindi na lalaki?" natatawang sagot ko.

"Excited lang ako."

Napatigil kami sa pag-uusap dahil agad din kaming tinawag. Bumungad sa amin ang ngiti ng doktora nang makapasok kami sa room niya.

"Ms. Bernardo," dumako ang tingin niya kay Daniel. "May kasama ka pala."

"Mrs. Padilla po. I'm her husband."

Namula naman ako pero pinilit kong ngumiti.

"Oh, you're married.." minsan ay gusto kong sabihin na madaldal 'tong doktora. "So I presume that you're the father of the baby?"

"Yes." ngiting sagot naman ni Daniel.

Ilang sandali lang ay ginawa na ng doktora ang trabaho niya. Tinanong niya rin ako sa mga nararamdaman ko these past few weeks and I told her honestly. Sabi naman niya ay maayos naman ang lagay namin ng anak ko, kailangan lang talaga ng konting ingat. But though, we were both healthy kaya napapangiti nalang ako.

I'm freaking excited. Magli-limang buwan na rin ang tiyan ko kaya excited na ako mahawakan si baby. I'm excited to hear his/her cry, his/her giggle and everything.

"Where's the baby?" tanong ni Daniel. Nakakunot ang noo siyang nakatingin sa monitor ng ultrasound ko.

I bit my lip to suppress my laugh.

"Hmm, wait lang," ginalawa naman ng doktora ang bagay sa tiyan ko. "Ayan. That's your baby. Syempre daddy, maliit pa siya since limang buwan pa lang si misis."

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon