Chapter 52

13.3K 249 18
                                    



KATHRYN's POV




I woke up with the rays of sunlight hitting me. Napamulat ako at napabaling sa bintana na nakabukas pala.

"Good morning." the door opened and it revealed Daniel holding a breakfast tray. Napabangon naman ako saka napakunot ang noo.

"What's that?" inilapag niya ang tray sa harap ko at nadoon ang french toast, egg, bacon at hotdog. Meron ding gatas, "Yes its my birthday but you don't need to surprise me this way."

Ngumiti siya. "I have to. You can't blame me, Kathryn."

Nginitian ko nalang siya at saka ko naramdamang kumulo ang tiyan ko. Well I'm hungry kaya no choice ako kung hindi ay kainin na ang dala niya.

Nagulat ako nang halikan niya ako sa tuktok ng ulo. "Happy birthday, mahal ko."

"Thank you." I smiled at him.

Pagkatapos kong kumain ay inilayo ko ito sa akin. Tinulungan naman ako ni Daniel na ligpitin ito.

"Saan nga pala tayo?"

"Basta. I prepared your bath for today and please wear the one I bought for you. Nasa rectangular box siya sa walk-in closet natin."

I smiled and nod. Pumunta na ako sa banyo at namangha ako dahil sumalubong sa akin ang aroma ng vanilla bubble bath. Excited akong naghubad at lumusob doon. Kalahating oras din ang itinagal ko sa pagbabad dahil narerelax ako sa bubble bath at parang gumagaan din ang tiyan ko.

Matapos kong magsuot ng roba ay lumabas na ako at nagtungo sa walk-in. I opened the box na naka-ribbon pa. Isang pastel pink cotton sleeveless dress ang bumungad sa akin. Napangiti naman ako at isinuot ito. Pinaresan ko lang ng flat strap sandals. I also tied my hair into an updo braid. Matapos kong mag-apply ng kauting make-up ay lumabas na ako.

"Are you done?" nilapitan ako ni Daniel at ngayon ko lang nakita kung gaano siya kagwapo ngayong araw. He's wearing a white polo paired up with a khaki shorts, "Let's go."

"You're bump is so big already. It started to show off so much." puna niya naman sa'kin habang binibigyan ng tingin ang umbok ng tiyan ko.

Napababa naman ako ng tingin. Dahil nakasuot ako ng flowy dress na hanggang tuhod at medyo tight sa upper waist ko ay mas lalo napapansin ang baby bump. Around 6 months na kaya lumalaki ng lumalaki na rin ito. Minsan nga at sumasakit na rin ang balakang ko sa laki ni baby pero normal naman daw ito sabi ng doktor.

Ngumuso ako. "Does it look bad?"

"Hindi naman. It only means that our baby is growing bigger inside your tummy," nakangiti niyang sagot. "And maganda ka kahit ang taba mo na."

"Ewan ko sa'yo!"

Hindi naman mapunit ang ngiti sa labi ko. Buong biyahe akong nakangiti at pakiramdam ko ay parang ang gaan ng damdamin ko ngayon. Hindi dahil kaarawan ko, kundi dahil masayang masaya ako.

Isang oras ang biniyahe namin dahil dinala ako ni Daniel sa Tagaytay. We stopped sa isang lounge. Magubat ang paligid pero maganda naman.

"I'm sure you will love this here." sabi niya habang tinutulungan akong makababa sa kotse. Luminga naman ako sa paligid at tama nga, mukhang magugustuhan ko dito lalo na't mahilig ako sa mga ganitong klaseng ambience.

Dinala niya naman ako sa loob ng lounge. Pumunta muna siya sa receptionist at pagbalik niya ay hinila ako sa isa pang labasan. Unang bumungad sa akin ang katahimikan ng palagid at malamig na hangin. Kitang-kita ang buong city ng Tagaytay na parang overlooking siya.

"Wow," I muttered under my breathe. Nilingon ko si Daniel na nakatingin lamang sa akin. "Thank you for this. Sobra na'to."

"No, kulang pa ito sa lahat ng ginawa ko sa'yo." he told me and he tucked my loose hair. Ngumiti nalang ako sa kanya.

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon