Chapter 56

11.4K 255 48
                                    


KATHRYN's POV



"Papasok ka ba o hindi?" pang-ulit kong tanong kay Daniel. Wala pa kasi siyang balak umalis.

"Pinapaalis mo na ba ako?"

I sighed. Kung alam niya lang kung anong dahilan.

"Hindi naman sa ganon," I lied. "Mala-late ka na eh."

Ngumiti naman siya at tumayo. Inalalayan niya naman akong tumayo. Nang makalabas kami sa pintuan ay hinatid ko pa siya sa garage.

"Mag-iingat kayo dito, okay? Call me if you need anything," hinalikan ni Daniel ang noo ko. "And please huwag ka na pumunta sa university."

Napatawa naman ako sa tinuran niya.

"Okay, okay."

"I have to go. I love you." he whispered at me.

I smiled and gave him a peck on the lips. "I love you too."

Sumakay na siya sa kotse at umalis. Pumasok na ako sa loob. Kailangan ko ng umalis habang maaga pa. Agad naman akong nagbihis ng komportableng maternity dress. Bumaba na ako at tinawag ang isa sa mga katulong namin.

"Maylin."

Lumapit naman siya sa akin. "Yes po, ma'am?"

"Aalis pala ako. Baka tatawag si Daniel dito at hanapin ako. Sabihin mo na nasa taas at nagpapahinga. Don't tell him na umalis ako ng bahay." I told her.

Magsisinungaling na naman ako kay Daniel. The least thing I will do, but this time, its an exception.

"Sige po." tumango siya kaya nagpaalam na ako.

Pumara naman ako ng taxi. Ilang minuto rin ay nakarating ako sa cafe na pagkikitaan namin. Hindi kaagad nahagilap ng mata ko siya. Naghanap ako ng mauupo at komportableng nag-antay doon. Um-order naman ako ng drinks.

Mga ilang minuto rin ang inantay ko. Napahinga ako ng malalim. Hindi niya naman siguro ako iindiyanin 'diba? Alam niyang importante ito kahit labag man sa kalooban niya ang makipagkita sa akin. Pero kailangan ko talaga itong gawin para matahimik na ang kalooban ko.

I looked at my wrist watch. 30 minutes na akong nag-intay pero wala pa rin siya. Lumikot ang mga mata ko sa pagka-inip. Akmang tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses niya sa likod ko.

"Kathryn."

Lumingon ako at nakita si Jasmine. Yes, it was her. I will fix things between us and about Daniel. Hindi ako makakatulog sa gabi knowing na nandiyan pa rin ang presensiya niya.

"You're going to leave already? Kakarating ko pa lang ah." umupo siya sa tapat ko. Napabalik naman ako sa pag-upo.

"Napatagal ka?" mahinang tanong ko.

Hindi siya sumagot imbes ay ngumiti lamang. Bumaba ang tingin niya sa umbok ng tiyan ko na may kalakihan na.

She arched her eyebrow. "Ilang months na uli?"

"6 months."

"Malapit na pala.." bulong niya pero narinig ko. Ipinasawalang bahala ko lang iyon.

I tapped my fingers to the table. "Jasmine, about-"

Pinutol niya ako. "Let's order first? Nagugutom ako," sabi niya at tinawag ang waiter.

Napahugot nalang ako ng malalim na hinga bago siya hintayin na makapag-order. Mukhang mahihirapan ako nito.

Nang marating ang order niya ay agad niya itong ininom. "Seems like you're being impatient already, Kath."

"I'm also wasting my time here."

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon