Chapter 54

11.7K 247 20
                                    

DANIEL's POV


I sighed as I contently watched her sleeping in my arms. Inayos ko ang higa niya para matignan ko nang maayos ang mukha niya.

No doubt she's beautiful. Bakit hindi ko ito nakita noon pa? Kung sana noon pa ako nahulog sa kanya, ganito pa rin ba ang sitwasyon namin?

Napailing nalang ako dahil bumabalik na naman ang mga desisyong labis kong pinagsisihan. Kung sana ay noon ko pa sinabi ang nararamdaman ko sa kanya, noong hindi pa umeksena si Jasmine. Kung sana ay ipinaglaban ko pa siya. Hindi sana mangyayari ito.


"Daniel?" tawag sa'kin ni Kathryn. I turned around and saw her.

Napakaganda niya. Kahit simple lang siya ay napakaganda niya pa rin. She had a fair skin, hazel brown hair and those round buttoned eyes. Malayo siya sa mga babaeng matitipuhan mo pero napakaganda niya, she really is.

"Daniel!" she snapped at me. Napatuwid ako nang tayo and kept my face stoic.

Kailangan kong itago ito sa kanya. Kailangan kong itago na may nararamdaman ako para sa kanya. Yes at first, I hate the fact that I married her. Pero sa paglipas ng mga panahon ay ganon na lamang na nagising ako na mahal ko na pala siya. Pinapangarap ko na sana hindi ko nalang siya pinakasalan dahil sa kompanya, gusto ko siyang pakasalan dahil mahal ko siya at walang responsibilidad na haharapin.

"What?" I irritatedly asked her. Kanina pa niya ako kinukulit, tho I liked it.

"Pwede ba akong pumunta sa mall? Kikitain ko lang sana sila Julia and Miles." ngiti niya sa akin.

I wanted to say no dahil gusto ko pa siya makasama pero baka mahalata niya.

"Okay." walang ganang sagot ko naman.

Sa mga araw na dumaan, walang araw na napapangiti niya ako pero kailangan kong itago. Natatakot ako na baka malaman niyang mahal ko siya. I was also afraid that she might reject me. Tinuon ko nalang ang sarili ko sa ibang bagay. Nakilala ko si Jasmine. She's beautiful but Kathryn's more beautiful than her. Niligawan ko siya kahit labag ito sa kalooban ko. I wanted to divert my attention into others.

"Are you dating Jasmine?" biglaang tanong ni Kathryn. Ako rin ay nagulat.

"Yes."

Nakita kong lumungkot ang mga mata niya pero pilit pa rin siyang ngumiti. Hanggang sa pinilit kami ni Mama na magbakasyon muna. Kagustuhan kong umayaw dahil ayokong madulas ako. Sa tuwing nakikita kong nakangiti siya habang excited na nilalasap ang hangin sa Subic ay napapangiti na rin ako.

Napamulat ako sa tunog ng phone ko. Nakahiga ako sa tabi ni Kathryn at nagpapahinga.

"Hello?" I stood up an went to veranda.

"Daniel, love. Saan ka? I didn't saw you today. Umasa pa naman ako na susunduin mo ako today from my special class." it was Jasmine. Jasmine is one of a kind girlfriend material. She's sweet and caring. Pero iba pa rin ang pag-aalaga ni Kathryn. Minsan naiisip ko na ang sama ko para i-compare silang dalawa. They're different, in every possible ways.

"I'm sorry. I'm on a vacation, mga isang buwan ako mawawala." I told her, ni hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya eh.

"What?" she shouted on the other line. It was a first time that I heard her went berserk, "Bakit hindi ka naman nakapagpaalam, Daniel? I'm just here!"

Nasapo ko naman ang noo ko. "I am with Kathryn. I don't have a time na makapagpaaalam sa'yo," giit ko naman sa inis na tono.

"So you're with your wife, huh?"

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon