Chapter 55

12.5K 276 34
                                    

3 chapters left + epilogue!!!

_

DANIEL's POV


Kumatok naman ako nang makarating ako sa unit ni Diego, kaibigan ko. Magkabilaang floor kasi ang mga condo units namin.

"Daniel! Bro!" nagkipag-man bump naman sa'kin si Diego. Pinapasok niya ako sa loob, "Long time no see ah?"

"Busy lang."

"Si Kathryn?" tanong naman niya habang umupo ako sa sofa.

Iniwan ko muna si Kathryn sa unit. Pagkadating kasi namin kanina ay napansin kong napakaputla niya at nahihilo kaya hinayaan ko muna siyang magpahinga muna. Baka napagod lang sa mahabang biyahe.

"Nagpapahinga." I stated simply, "By the way, may maiinom ka diyan? Nauuhaw ako, Diegs."

Tumawa naman siya. "Ayan ang namiss ko sa'yo."

Nagpaalam muna siya na kukuha sa kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang 2 bote ng beer. Ibinigay niya sa akin ang isa at umupo naman siya sa katapat na sofa.

"Problema?"

I shooked my head. "Mahal ko pa rin siya," sabi ko bago sumimsim sa beer.

"Tapos?"

"Natatakot ako na mawawala siya sa'kin. Sinabi ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko because I'm afraid that I might lose her in a blink of an eye." pag-amin ko naman dahil hindi ko na kaya pa itago 'to.

"Natatakot ka? Pero hindi ka ba natatakot na malaman niya ang katotohanan?" tanong ni Diego pabalik.

Natigilan ako saka humugot ng hininga. "Matagal ko na ibinaon iyon sa limot. We don't need to dig it again."

"Pero iyon naman kasi ang dahilan kung bakit kayo nasa sitwasyon ngayon," aniya at tinignan ako nang diretso. "Mamahalin ka pa rin ba niya kung malalaman niya ang totoo? Kung malaman niya na hindi sana ikakasal kung hindi dahil sa kasalanan mo? Kung malalaman niyang wala sana siya sa sitwasyon ito kung hindi dahil sa'yo?"

Hindi ako sumagot sa halip ay umiwas lang ako ng tingin.

"Come to think of it, Daniel. Its not you who'll get hurt in the end."

"Alam ko.." I was trailed by the words, "At hindi pa ako handa na sabihin sa kanya ang lahat-lahat."

"Ikaw bahala. Desisyon mo 'yan, bro."

Kinabukasan ay mas maagang nagising si Kathryn. Naabutan ko naman siya sa kusina, hawak ang kanyang ulo at nakasandal sa sink. Tumakbo naman ako at inalo siya.

"Okay ka lang?" I asked her even though its pretty obvious that she was not.

Tumango siya at ngumiti. "Nahilo lang," she freed my hand on hers. "You know, pagod lang 'to."

"Saan ka naman mapapagod?"

"Ewan ko basta fatigue lang talaga ito," ngumiti siya sa'kin saka inayos ang dining table. "Halika na't kakain na tayo."

Sumunod lang ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung okay na ba siya. Palagi ko nalang siya kasing nakikita na nahihilo o maputla.

"Aalis pala ako ngayon." paalam niya.

Napatigil ako sa pagsubo. "Aalis ka? May lakad rin kami ni Diego mamaya eh."

"Gusto mo bang hindi ko nalang ituloy? I can ditch Julia and Miles. Papaki-"

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon