Epilogue

14.9K 275 25
                                    


EPILOGUE



"Mommy! Wake up na!"

My eyes flew open upon hearing my boy's voice. Unang bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng anak ko. Bumangon ako at luminga sa paligid.

"Mommy, its Christmas!" he beamed. Napangiti nalang ako at tumingin sa glass window at nakita kong umuulan ng snow, "Let's go downstairs na po."

"Okay, okay. Sandali lang at magbibihis si Mommy, okay?" hinalikan ko sa noo ang anak ko. Tumayo na ako at kumuha ng robe at towel dahil maliligo pa ako.

Agad namang tumakbo palabas ang anak ko. "Kael! Dahan-dahan madudulas ka!" I warned him.

Naligo na ako at mabilis na nag-ayos. Napatingin ako sa labas habang inaalala ang mga ala-alang lumipas na.

Dito na kami sa Canada tumira. Dito ko rin ipinanganak ang anak namin ni Daniel. I named him Kael Declan Padilla. Nung nalamang kong lalaki siya, I was so overwhelmed that time. Nahirapan man akong ipanganak siya dahil sa murang edad kong ipinagbuntis ang anak ko. Hindi naman ako pinabayaan ng pamilya ko, lalo na si Daniel. He never left me by my side lalo na nung mga panahong nahihirapan na ako.

Mahirap malayo sa taong mahal mo. I have to do this for my son's sake at para sa amin na din. Kailangan mo munang huminga para pahilumin ang mga sugat na nakamarka na. Sa mga panahong malayo kami ni Daniel ay may communication naman kami. Sa katunayan ay lumipad siya papunta dito nung ipinanganak ko si Kael. He was there during my labor. Kahit na busy siya para tapusin ang pag-aaral niya, hindi niya kami nakalimutan. He graduated pero wala kami doon dahil kabuwanan ko na. But after that I gave him my precious gift, our son.

Lumabas na ako at naabutan ko doon sina Mommy at Daddy. Madalas silang nandito para bumisita. Natutuwa nga sila kay Kael dahil bibo daw ito.

"Merry Christmas, Mommy and Daddy," I kissed them both on their cheeks. "Buti nakaabot pa kayo."

"Our grandson's nagging us to go here." Dad giggled while looking at Kael.

Napatawa naman ako. "Namimiss niya na daw kasi kayo," sabi ko habang inaakay sila paupo sa dining.

"Mommy! Can I open the gifts already?" Kael tugged my sweater dress while pointing at our christmas tree na napapalibutan ng gifts.

Umiling ako. "Huwag muna, anak. Its not yet 12."

He pouted. Kinurot ko naman ang matambok niyang mga pisngi.

"Pero po, I'm excited.."

"We will open that one later, baby, okay?" I kissed his forehead. Tumango naman siya at tumakbo papunta sa dining table.

Alas-dose na nang kumain kami para sa noche buena. Nagkwentuhan lamang kami nila Mommy at Daddy, catching up the things I missed in the Philippines. Madalas naman sila dumalaw dito, pero usually ay tuwing kaarawan ni Kael. Ngayon lamang sila nag-pasko kasama kami at nakakapagtaka iyon.

"How was Kael's school?" Mommy asked me.

"Okay naman. You know what, he's the top 1 in the class. I remember nung nakauwi siya from school at pinakita niya sa akin 'yung ribbons and medals niya." I giggled when I remembered that one.

Napatawa naman si Daddy. "Syempre, kanino pa ba magmamana ang anak mo?"

"Sa akin, Dad."

Tumawa silang lahat. Bumaling naman ako sa anak ko na kasalukuyang kumakain. Pinunasan ko 'yung mukha niya na may nagkalat na spaghetti sauce.

"Mana 'yan kay Daniel," puna ni Mommy. Napatingin naman ako sa kanya. "Daniel's one of the successful bachelor in the Philippines. At isa na rin siyang CEO ng Bernardo-Padilla GOC."

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon