Chapter 7:

1.1K 47 2
                                    

♪♪ High up above or down below. When you're too in love to let it go. But if you never try you never know just what you want...

"Why are you crying?" Tanong isang pamilyar na boses.

Lumingon ako at nakita ang lalaking akala ko hindi ko na makikita.

"Kuyang gwapo? Why are you here?" Sarcastic na tanong ko sa kanya. He just shrugged and sat beside me, his guitar pick neclace is resting against his white shirt reflecting the sunlight. Parehas na kami ngayong nakaupo sa buhangin.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Diyos ko. Tinagalog lang nya yung sinabi nya kanina. I automatically rolled my eyes.

"Bakit ka nga nandito?!"

"I'm always here at the beach. Ikaw ang dapat tanungin ko nyan, ngayon lang kita nakita dito e. Siguro bagong lipat ka." Sabi nya sa 'kin. "Or maybe you ran away from your home. May nabanggit ka na wag kang ibabalik sa bahay nyo e."

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw. Hindi parin sya umaalis sa tabi ko pero hindi sya nagsasalita. Nararamdaman kong nakatingin sya sa 'kin pero pag lumilingon ako sa kanya, umiiwas sya ng tingin kaya hinayaan ko na. Bakit naman ako macoconscious e hindi ko naman sya kilala.

Iinom na sana ako nung nakaramdam ako ng uhaw pero bigla nya yung kinuha sakin at sya ang uminom.

"What was that?!" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang kasing nang-aagaw ng inumin ng iba. "Bakit ka ba nang-aagaw ha?"

"Akala ko may balak ka na namang maglasing at makatulog ulit sa bahay ko." Tumawa sya ng bahagya. "Iced tea lang pala itong iniinom mo."

Hindi ko sya pinansin at tumitig na lang ako sa dagat. Lumipas ang ilang saglit at bigla na lang syang tumawa.

"Are you laughing at me?!" At ang lakas ng loob ng lalaking to na pagtawanan ako sa harap ko pa mismo ah! "Hindi ka na naawa sakin! Ang lungkot ko dito oh tapos pagtatawanan mo lang ako?!"

Hindi ko alam kung ano kung anong irereact ko sa stranger na 'to. Should I be nice and just shut up? O papatulan ko ba 'tong mayabang na 'to?

We locked stares at bigla na lang syang tumawa.

"Grabe ka! Umalis ka dito kung wala kang magawa sa buhay mo, creep!"

"Wait lang. Stop! I'm apologize. Tumigil ka na. Ayaw kong nakakakita ng taong umiiyak. Baka mamaya maiyak din ako." Tumayo sya at inalok sa akin ang kamay nya. "Halika, ililibre kita ng dinner para hindi ka na malungkot." He said while smiling.

*****

"You're too pretty to be crying like that." Uminit ang pakiramdam ng mga pisngi ko sa sinabi nya.

"Thank you?" Awkward na sagot ko sa kanya. He went silent for a bit, looking at the horizon, watching the last few minutes of the setting sun. He just glanced back to my direction after the sun was completely swallowed by the ocean.

"People have different ways of crying for different reasons." Pagsisimula nya. "In your case, I think you're crying over some douchebag."

"Paano mo naman nasabi yan?" I asked him. He smiled, a sad smile, then he shook his head while looking down.

"Parehas kayo ng way ng pag-iyak ng mommy ko nung iniwan kami ni daddy." Sagot nya. He seems to love his mom. You can see the hurt in his eyes when he mentioned her. Tumahimik na lang ako.

He lifted his face again after a while.

"So, I already told you something personal. Would you trust me now and tell me why you were crying?"

"No." Sagot ko sa kanya. "I don't even know your name, why would I trust you?"

"Well, you trust me enough to let me take you to dinner."

"Well duh, I'm hungry and sad, I need food! And what's better food than free food? Wala 'di ba?" Mataray kong sagot. I'm pretty sure I have rolled my eyes at him.

Mayamaya ay dumating na yung order namin. Nagkatinginan kami at napatawa ng makita ang inorder ng isa't isa. The thing is, hindi namin alam na parehas pala kami ng inorder dahil pinasulat lang nya sa 'kin ang gusto ko kanina dahil hindi nya ako mapagsalita dahil sa pag-iyak ko.

"I'm Nikos Caprielle." He flashed a bright smile then he offered his hand for a handshake.

Holy meow! Bakit kinabahan ako sa pagngiti nya?

"Celestine Serenity Concepcion."

"Serenity." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko na parang may nakita sya ditong kung ano. Bakit nakakakaba syang tumitig? I looked away first.

"Mahilig ka ba talagang mag-emote?" Medyo nainis naman ako sa tanong. Tsismoso.

"Mahilig ka ba talagang mang-judge?" Sagot ko sa kanya. "Hindi ko kasalanang ikaw ang nakakakita sakin sa tuwing gusto ko lang mapag-isa."

I rolled my eyes at him and just focused on my food.

What a jerk.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon