Chapter 9:

1K 36 0
                                    

♪♪ This is where things start. A thunderbolt through the heart...

Saturday. Saturday na at handa na akong mag-apply bilang isang music teacher!

Sobrang saya ko. Ewan ko pero naha-hyper ako ngayong araw. Excited na excited na akong magkatrabaho.

8AM pa lang pumunta na ako sa Lyric Music School. Nandun na ang mga bata pagdating ko. Sinamahan ko muna silang magpractice dahil may recital na pala sila next week. Mayamaya pa daw kasi ang dating ng mag-iinterview sakin e.

"Ate Serene, sigurado akong matatanggap ka. Ang galing-galing mo e. Dapat nga teacher na ang tawag namin sa 'yo ngayon." Sabi ni Kath.

"Oo nga po. At ang ganda-ganda mo pa. Siguradong magugustuhan ka ni teacher at magugustuhan mo din sya. Kasing gwapo ko yun e." Biro naman ni Rey.

"Nako, baka pinapaasa nyo lang ako ha?" Biro ko sa kanila.

"Hindi po. Sigurado kami na mas maganda ka kesa dun sa crush ni teacher kaya magugustuhan ka nya."

"No, I mean baka naman hindi ako matanggap. Hindi naman ako professional e." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry Ate pipilitin namin si teacher." Sabi naman ni Shane.

"Guys! Andito na si teacher!" Sigaw ng kaklase nilang si Joyce.

"Sya na ba yung gusto nyong maging bagong teacher?" May nagsalita galing sa likod ko. Maganda yung timbre ng boses nya kaya sya na siguro yung teacher na sinasabi ng mga bata.

Sana tablahan sya ng charms ko. I badly need this job. Hindi ko na kaya ang boredom ng buhay ko ngayon. Inihanda ko ang aking sweetest smile at dahan-dahang lumingon sa kanya.

"Good mor-IKAW NA NAMAN?!" OH MY GOD! SMALL WORLD!

"What a small world. Good morning, Serenity." He flashed his heart-melting bright smile. "I'm glad to see you here." Aba, at natatandaan nya ang pangalan ko.

"Paano ka napunta dito?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala.

"I'm the owner. Bawal ba?" Sagot nya. Nakita ko na naman sya–si Nikos Caprielle–for the third freaking time! Dumoble pa lalo ang kaba ko. Baka pagtripan ako ng lalaking 'to.

"So, shall we start the interview?" Nakakakaba naman sya. Akala ko isa lang syang simpleng singer na pakanta-kanta sa mga bar pero may-ari pala sya ng isang music school!

Dinala nya ako sa office nya after nun. Ni-good luck naman ako ng mga bata. Mabuti, kelangan ko talaga ngayon ng maraming good luck.

"Can I see your resume?" Pagsisimula nya.

"Okay." Binuksan ko ang bag ko para kunin ang hinihingi nya.

Resume. Shit. Resume. Ang tanga ko talaga. Bakit hindi ako nagdala ng resume?!

"I see, wala kang dalang resume." He said, fighting off a laugh and playing with his guitar pick neclace na napansin kong may naka-engrave pala na pangalan nya. He looks so funnily attractive while doing that. He's biting his lower lip and his eyes are smiling. Ang pula ng labi nya na para syang nakalipstick.

"Ganito na lang, may I ask you kung ano ang qualifications mo? You can follow up the requirements if ever you get hired." I tried my best to fight an impending eye-roll.

"BS Civil Engineering. I'm a licensed civil engineer!" I proudly answered.

"From a civil engineer to a music teacher. That's quite a career shift." Sabi nya. "Paano ako makasisiguro na may maganda kang maituturo sa mga estudyante ko kung wala man lang connection sa music ang natapos mo?"

"Don't worry! I can sing, I can play the guitar, the piano, the ukelele, the violin, the cello, the flute, and the sax!" Pagsisimula ko. "I can also play a bit of the drums!"

"Mula elementary to highschool umaattend ako sa music school! At saka marami na akong naattendan na workshops and seminars. I can show you my certificates. I know that's not even close to a diploma in music but I am really passionate about this and I also have a lot of expertise to offer. Also, when I went to college, I became the university's choir president for three years after being a member for two years. Then I founded a children's choir from the beneficiaries of our foundation right after I graduated. All for the love of music!" Masayang kwento ko sa kanya.

"Convincing, huh?" Sabi nya.

Of course it's convincing! Music is my second nature!

"But not enough."

"What?! Akala ko ba friends na tayo?!" Gulat na sabi ko.

"This is business. I should make sure that I'm investing in the right people, Serenity." Sagot nya.

"You can give me a test if you want." Sabi ko sa kanya.

"Okay."

Binigyan nya ako ng isang written test about music. It was easy. 30 minutes lang natapos ko na ang exam at hinihintay ko na lang ang result.

"I'm done checking it." Lumabas sya sa pinto ng office.

"Did I pass?" I asked.

"You did." Sagot nya.

"So, am I hired?" Excited na tanong ko sa kanya. I can feel it. Matatanggap na 'ko!

"No. Not yet." Madiin nyang sabi.

"What?!" I exclaimed. "Ano po bang kelangan kong gawin Mr. Caprielle? Practical tests? Kantahan ka at tugtugan ka? Magpractice teaching? I can do it."

"If you really insist then you can." Sagot nya. This guy is getting on my nerves!

Pangiti-ngiti pa ang loko. Hindi porke gwapo sya e hindi na ako maiinis sa kanya.

Wait, sinabi ko bang gwapo sya? Yes pero kalimutan mo muna yun ngayon, self, okay?

Ipapakita ko dito sa lalaking 'to na kaya ko!

Nagplay ako ng iba't ibang instruments. Nagpeplay pa nga sya ng invisible drums habang tumutugtog ako. Yung pinakamahihirap na musical pieces na alam ko ang tinugtog ko. Satisfied naman ako sa performance ko. Last na ginawa ko ang singing.

"Ano, tanggap na ba ako?" Tanong ko sa kanya pero parang preoccupied pa sya. "Tanggap na ba ako?" Ulit ko.

"No. Not yet."

This guy is impossible!

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon