Chapter 18:

751 34 9
                                    

♪♪ But are we all lost stars trying to light up the dark?

Nikos Caprielle

Hindi talaga magsasawang pakinggan sya. Sobrang ganda ng boses nya. Bagay na bagay sa kanya.

Actually, first time na narinig ko syang kumanta e nung nalasing sya at nagdadrive na ako pauwi.

Nasa passenger seat sya nun at tawa lang sya ng tawa. Justin Bieber pa nga ang tawag nya sakin nun. Kumakanta sya ng Never Say Never at inaasar ako.

Imagine her dancing without music and singing Bieber's songs with her hair all over her face. Wasted na wasted sya nun pero ang ganda ganda nya parin.

Tonight is different. She's completely sober. She's singing her heart out to a song na hindi maprocess ng utak ko kung ano dahil nakatulala lang ako sa kanya.

Natapos yung performance namin na parang nakalutang lang ako sa ere. Shit. I really like her.

Inakbayan ko sya nung naglalakad na kami pababa ng stage.

"Nikos! Bro!" Tawag ng isang lalaki sakin.

Shit. Ba't nandito tong lalaking 'to?

"Who's this beautiful girl?" Tanong nya ng makalapit sya samin. I just rolled my eyes at him.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo nang bumalik?" Tanong ko sa kanya. First time nya daw kasing nabasted sa lugar na to at hindi sya makapaniwala.

"Nah. Kasama ko sina Gab, Matteo, Paolo, and Tom. They were dancing with the girls kanina and I got bored so I left them." Sagot nya. "So, introduce me to your girl."

"Serenity, this is Jon. Isa syang salot sa mundo kaya wag kang lalapit sa kanya." Sabi ko kay Serenity, half-joking, half meaning it. "Jon, this is Serenity. Hindi sya maaapektuhan ng flirting skills mo so don't even start."

"Okay, okay. Jeez, napakaterritorial mo naman." Natatawang sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay. May nakita ata syang babaeng dumaan kaya umalis na sya para sundan yun. Wala talagang pagbabago ang lalaking yun.

I guided Serenity to the counter at humingi ng cocktail sa bartender para sa kanya at scotch para sakin. I complimented her singing and she complimented mine in return. Sana lagi na syang sumama sakin dito.

"Kaibigan mo ba sya?" Tanong ni Serene.

"Kind of." Sagot ko. "Pero hindi na kung may gusto ka sa kanya." Biro ko.

"Tinatanong ko lang naman e, you dummy!" Sagot nya. "He seems nice."

"Well, he's a good person, relatively. What makes you think he's nice? You just met him."

"You're friends with him. Hindi ka naman makikipagkaibigan sa masasamang tao diba?"

"Fair enough," sagot ko. "Just don't fall for him."

She just rolled her eyes at me.

"It's not like that." She said.

"NIKOS!" Shit. Si Jon na naman. "How's it going between the two of you?" Tanong nya at umupo sya sa pagitan naming dalawa ni Serenity.

Wala talagang magawa sa buhay tong Jon na to. Lasing na naman sya.

"Anong nangyari dyan sa pisngi mo?!" Tanong ni Serene sa kanya.

"I slapped some girl's butt. She slapped my face in return."

"Serves you right." Sagot ni Serene na medyo disgusted. Napailing na lang ako. Same old Jon. He really needs to learn his lesson.

"Okay guys magkwento naman kayo, tell me kung saan kayo nagkakilala, kailan naging kayo, saan ang first kiss nyo, mga ganun, bilis kwento!" Diretsong sabi ng loko.

"What the fck, Jon? We're not dating." Sagot ko sa kanya.

"Aww, too bad masyado kang mabagal. 'Di ba minentor na kita dati? Hay nako, you never learn." Umiiling pang sabi nya sakin.

"I remember the first time na sumunod ka sa sinabi ko. Lasing na lasing ka nun dahil nagpustahan tayo na hard ang iinumin ng matalo. Pinatanong ko sa 'yo yung number nung babae pero blood type ang tinanong mo dahil sabi mo bampira ka! HAHAHAHA!"

"Wow, Nikos, mali pala ang pagkakakilala ko sayo." Natatawang sabi ni Serene. Shit. Pinapahiya ako nitong lalaking to. "Hindi pala dapat Justin Bieber kundi Edward Cullen!"

"Actually, idol talaga nyan si Edward Cullen. Nagpasama pa nga sakin yan manuod ng Breaking Dawn Part 2. Pagkatapos ng movie sobrang lungkot nya sana daw may part 3! HAHAHAHA."

Kung hindi lang tumatawa si Serene ngayon, paaalisin ko na yang si Jon. But she's laughing. And it's a genuine laugh. Her happiness is genuine this time. Hindi ko alam kung dahil kay Jon o dahil sa mga kwento nya tungkol sakin. Either way. I don't want to take this moment away from her.

"Tapos nung humarap yung babaeng pinagtanungan nya ng blood type sabi nya 'ay wag na lang pala miss, vegetarian pala ako' shet ang epic nung reaction nung babae! Muntik na syang masampal!"

Nagtawanan pa sila sa mga kwento ni Jon tungkol sakin. Nalimutan na ata nila na nandito pa ako. Pinapanuod ko lang sila the whole time.

"Pansin ko lagi syang nakakainom pag ikaw ang kasama!" Tumatawang sabi ni Serene. "Bad influence ka pala e!"

"I know right." Sagot ni Jon. Kumindat pa ang loko.

Hindi ko na kayang tumagal dito. Hindi ko alam kung bakit. Iniwan ko sila at kumuha ako ng dalawang boteng alak. Bumalik ako sa kanila, hinawakan ang kamay ni Serene at nagsimulang maglakad. Hindi na sya nagtanong kung bakit at kung saan kami pupunta.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon