Chapter 6:

1.2K 44 3
                                    

♪♪ What am I gonna do when the best part of me was always you? And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay?

There's happiness all around me. The kind of happiness that I never felt when I was a kid.

Nandito ako sa park at ang daming tao dito ngayon. Mga batang naglalaro, teenagers na nagba-bike, at mga pamilyang nagpi-picnic.

Bumalik ako, baka kasi nandito ulit yung mga bata. Saka para may magawa din ako. Nakakasawa rin yung araw-araw pare-pareho lang ang ginagawa mo e. Yung gigising ka para intayin lang ang gabi, para umiyak, matulog, at ganun ulit pagkagising

Nang lumapit ako kung saan ko sila nakita kahapon, nandun nga sila.

"Ate Serenity! Bumalik ka nga!" Sabi nung isa sa mga bata kahapon nung makita nya ako.

"Syempre baka kailanganin nyo ulit ng magtotono ng gitara nyo e." Sagot ko sa kanya.

Sinamahan ko sila doon. Pinanood silang maglaro, magkwentuhan. Nalaman ko na magkakasama pala sila sa klase sa Lyric Music School na malapit lang dun sa park. Bago pa lang silang tinuturuan mag-play ng gitara kaya pala hindi pa marunong yung iba sa kanila.

"Isa lang po kasi ang nagtuturo sa amin dahil nakapasa sa audition sa isang TV show yung isa naming teacher kaya kailangan nya munang umalis sa Lyric." Kwento ni Kath, yung cute na batang babae.

"Ate Serenity, may trabaho ka po ba ngayon?" Tanong naman ni Rey.

"Wala naman sa ngayon." Sagot ko sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?"

"Tamang-tama. Pwede ka pong mag-apply sa Lyric. Magaling ka naman po e. Siguradong tatanggapin ka dun!"

"Talaga? Sige pag-iisipan ko." Sabi ko. "Mukhang ma-eenjoy ko rin naman yun e."

Kailangan ko munang pag-isipan 'to. I tried to get a job in Quezon last month but my parents tracked me. Kailangan kong maging maingat ngayon.

Tinuruan ko lang silang maggitara hanggang hapon. I'm actually enjoying this. Nalilimutan ko panandalian yung mga problema ko.

Umuwi na sila nung nagdatingan na ang mga sundo nila. Naiwan akong mag-isa sa park. Sabi nila next saturday na ulit ang susunod na lesson nila sa school.

Haaay. One week na naman akong walang gagawin.

Isasama daw nila ako sa Lyric Music School sa saturday kung gusto kong mag-apply bilang music teacher. Sumama kaya ako?

5:15PM na pala. The sky looks amazing. I suddenly felt like going to the beach. My feet brought me to my car and I drove immediately.

*****

The sky is blue, purple, pink, and orange with streaks of red. I'd never been anywhere more beautiful.

I stared into the reflection of the setting sun on the ocean. Parang nag-aapoy ang dagat sa mga kulay na galing sa langit.

Kung kasama ko si Dustin ngayon dito, this would've been the most romantic day of my life. But knowing Dustin, never nya akong dadalhin sa beach sa isang malayong lugar para lang manuod ng sunset. He's not really that romantic. He would just have his assistant send me flowers with a note na assistant din nya ang nagsulat. In the three years of our relationship, he has never written me any letters.

Not that writing letters or watching sunsets together is necessary in a relationship. But sometimes, you just want to know what it would feel like.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

I loved him too much but he has never loved me enough. Parang ginawa lang pala nya 'kong girlfriend para may pangshow-off sya sa mga kaibigan nya. Bakit hindi ko yun nakita dati? I deserved more than being treated like a trophy to boost his male ego.

Kung mahal talaga nya ako, 'di ba dapat at least sincere ang proposal nya sakin? Hindi yung parang pinilit lang sya ng mga magulang namin! I should have seen the signs.

Pero miss na miss ko na sya. Kung hindi siguro ako umalis agad sa amin baka nagpakatanga pa ako at itinuloy ko pa ang engagement namin.

Love can really fuck your brains up. How could I believe in something that wasn't real? How could I not see through his hypocrisy? I have always known he was a jerk pero naniwala talaga akong magbabago sya.

Tatlong taon kong pinanghawakan yung pagmamahal nya, na wala na ngayon, na unti-unti pala akong nilalason. Ngayon hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Why are you crying?" Tanong isang pamilyar na boses.

Lumingon ako at nakita ang lalaking akala ko hindi ko na makikita.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon