Chapter 15:

809 33 2
                                    

♪♪ I'll never sing of love if it does not exist. But darling, you are the only exception...

After that day, halos araw-araw na kaming magkasama. Minsan sa beach, nag-iintay ng sunset. Minsan sa park, naggigitara. Minsan sinasamahan nya akong maghanap ng magagandang shells. Minsan doing laps sa pool.

Lagi kaming nagrerematch pero hindi talaga sya nananalo sakin at ayaw nyang tanggapin na mas magaling akong magswimming sa kanya. Ang cute ng itsura nya pag frustrated.

I actually enjoy his company. Masaya naman syang kausap e. Sobrang random pero laging may sense. Hindi nauubusan ng kwento pero hindi nagiging boring.

Minsan nga lang sobrang tahimik nya, minsan seryoso, minsan naman sobrang kulit! At sobrang bully pala talaga nya!

Tapos gaya nga ng sabi ko dati, sobrang gwapo nya na kung iba lang ang sitwasyon namin nag-fangirl na ako sa kanya. Minsan natutulala na lang ako pag nagsasalita, ngumingiti, o tumatawa sya. What a bonus diba?

Natutuwa talaga ako sa kanya simula nung araw na yun. I can say I've found a true friend in him.

I'm thankful that my lonely soul brought me to this place when I needed it the most.

Ngayon, ilang araw na akong pabalik-balik sa Lyric Music School. Marami kasing meetings at preparations para sa susunod na batch ng students. Nagfacilitate din kami ng workshop nung choir ng isang school. So far, enjoy na enjoy ko naman tong bago kong trabaho.

May mga bago rin akong nakilala. Ang pinaka-close ko so far ay si Shein, teacher din sa Lyric. Ka-age sya ni Nikos. Tatlong taon na syang nagtuturo sa mga bata.

Kumakain kami ng lunch nang lumapit sa amin si Nikos.

"Serene, para kang hindi nakakain ng isang linggo." Nang-aasar na sabi nya.

"Wala akong pake sa opinyon mo Nikos." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga pero mahiya ka naman kay Shein. Where are your manners? Magaling ka ngang magswimming pero ang kalat-kalat mong kumain." Biro nya pagkatapos ay nagsimula ng maglakad palayo. Grabe talaga yung lalaking yun! E ganito rin naman sya kumain pag magkasama kami. Hindi lang nya matanggap na talo ko sya. Naglaban ulit kasi kami kahapon sa pagswimming tapos natalo ko na naman sya.

"Magkasama ulit kayo kahapon?" Tanong ni Shein.

"Oo, ayaw kasi nyang tanggapin na mas magaling ako sa kanyang lumangoy. Lagi na lang gusto ng rematch."

"Kayo ha, pansin ko lagi kayong magkasama. May something bang kelangan kong malaman?"

"Wala 'no. Feeling ko damsel in distress tingin nyan sakin kaya lagi akong sinasamahan." Naikwento ko na kasi kay Shein yung dahilan kung bakit ako nandito pati narin yung first meeting namin ni Nikos.

"Ang feeling ko naman may gusto sayo 'yang si Nikos."

"Wala 'no, ano ka ba. Friendly lang talaga siguro sya dahil bago ako dito at bago pa lang kaming friends."

"Iba talaga e. Hello, nung bago ako dito hindi yan ganyan sakin!" Sabi nya. "Ang labo talaga. Parehas naman tayong maganda at talented, hindi ko talaga alam kung bakit ganun sya sayo." Biro nya.

"Nako, bully nga yun e. Hindi sya nakakatuwa pag nangbubully promise!"

"Tingnan mo, sayo lang nya napapakita yung ganyang side nya. Nakakatakot kaya yun sa sobrang seryoso minsan!"

"E ikaw kasi, minsan nakakatakot ka ding lapitan, ang ganda ganda mo kaya!" Seryoso, sobrang ganda ni Shein, talented pa. Ang alam ko minsan lumalabas to sa ibang TV shows e.

"I know right? Ewan ko ba dyan kay Nikos, crush ko pa naman sya dati." Natatawang sabi nya. "Oh well... pero kidding aside, I ship you guys! May spark e. Ipagpatuloy nyo lang yan at baka gumawa na ako ng fansclub."

"Sira ka talaga!"

"Wait lang nag-iisip ako ng ship name." Sabi nya at biglang umakto na parang nag-iisip. "Aha! Ang chaka ng naisip ko, Serene and Nikos, SerKos!"

"Forget it, Shein. Let's go back to the office." Natatawang sabi ko at nagsimula nang maglakad. Kalog talaga tong babaeng to.

"Wait lang Serene! Ayaw mo ba yun? SerKos tapos acrobats ang tawag sa fans nyo!" Pahabol pa nya. Napailing na lang ako.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon