Chapter 31:

613 28 0
                                    

♪♪ And I know these scars will bleed. But both of our hearts believe, all of the stars will guide us home...

He called me when he got back home at kinabukasan. We're fine, I guess. Sensible naman si Nikos, I know he understands me. He understands where my decisions are coming from.

Hindi pa ako nakakapag-sorry sa kanya. I really felt bad nung pinauwi ko sya. Gumana na naman ang pagka-impulsive ko. Gusto ko syang kausapin ngayon.

Pinuntahan ko sya sa bahay nya. Nagdala ako ng paborito nyang cake as a peace offering. Nag-intay ako dun ng isang oras pero wala sya at hindi sya dumating.

Pinuntahan ko din sya sa school pero wala din sya. Normally naman kahit sunday dumadaan sya dun kahit saglit lang pero ngayon hindi pa daw sya pumupunta.

Pupunta na lang ako sa bistro. Siguradong nandun yun. Baka dumating ang barkada nya at niyaya na naman sya maghangout.

Dahil siesta hours ako pumunta, konti lang ang tao sa loob. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala sya.

"Ma'am Serene, ano po ang pinunta nyo dito?" Tanong ni Christian, bartender dito, nang makita nya ako.

"Christian, pumunta ba dito si Nikos?" Tanong ko sa kanya.

"Ay sayang po. Kaaalis nya lang po e." Sagot nya.

"Talaga? Anong ginawa nya? Saan sya pumunta?"

"Hindi ko po sigurado e. Hindi nya po ba sinabi sa inyo?"

"Hindi e. Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"Sa tingin ko po parang pupunta sa Manila. Ang dami pong dalang gamit e. Dalawang maleta po yata. May kinuha lang po syang papeles sa loob kanina at dalawang boteng red wine." Sagot nya.

"Sige ha, salamat. Aalis na ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

Saan naman kaya sya pumunta? Wala naman syang nabanggit na plans sa akin nitong mga nakaraang araw.

Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Hindi rin sya nagrereply sa mga text ko. Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Babalik pa naman sya diba?

Nag-aaalala ako para sa kanya. Di naman nakakalasing ang red wine pero paano kung maglasing sya habang nagdadrive. Diyos ko, unpredictable pa naman yun. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Bakit kaya sya umalis? Okay naman kami e. Ako ang hindi okay. Naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi nyo naman ako masisisi. I'm just being cautious. Ayaw kong gumawa ng mga maling desisyon. Nikos is a wonderful friend. Baka masira pa kami nang dahil sa akin.

Hindi ko na muna sya iistorbohin. Pupuntahan ko na lang sya pag dating nya. Dadating din naman yun.

*****

The smell of cookies has been lingering on my nose for about an hour now. Wala akong classes ngayon pero nandito ako sa Lyric. Iniintay kong dumating si Nikos para ibigay itong cookies sa kanya. Hindi pa rin kasi kami nagkikita at hindi na sya masyadong nakakatext mula nung last time na bumisita sya sa 'kin.

"Teacher Serene? Okay ka lang ba dyan? Kung gusto mo ako na lang ang mabibigay nyan kay Sir Nikos kapag dumating sya." Tanong ni Manilyn, isang co-teacher ko.

"Salamat pero iintayin ko na sya. Dadating na rin naman siguro yun." Sagot ko sa kanya.

One hour na 'kong naghihintay dito at hindi pa rin sya dumadating. Medyo weird nga dahil hindi naman sya nalelate pero baka busy lang sya sa business.

Mayamaya ay narinig ko ng paparating ang kotse nya. Parang nagulat sya ng makita ako pero lumapit pa din sya sa 'kin.

"Nikos dinalhan kita ng favorite mo." I told him at iniabot sa kanya yung cookies. He just smiled and went straight to his office. He didn't even ask how I'm doing. Nakakapanibago.

Mayamaya ay sumunod ako sa office nya. Hindi na ako kumatok dahil sanay na naman kaming magkasama dun.

"I miss you too. I'll see you soon, okay? Bye." Nakita nya ako ng ibaba nya ang phone nya. Mukha syang nagulat at nawala ang pagngiti nya ng pumasok ako sa loob.

Umupo ako sa may table nya pero hindi nya ako pinansin. Nagpatuloy lang sya sa ginagawa nyang paperworks.

Still, I waited for him to talk to me. Well yes, I was waiting for an explanation. I deserve an explanation naman diba? Sa pagkakaalam ko kasi nililigawan nya ako and yes I admit na may special feelings na rin ako sa kanya tapos makikinig ko syang ganun?

Inintay ko pa naman sya. Ilang araw ko syang hinanap kung saan-saan tapos ganito lang pala nung dumating na sya.

I know I'm acting like a jealous girlfriend kahit wala naman akong karapatan pero hindi ko talaga mapigilang ipagdamot sya sa iba dahil sya lang ang meron ako ngayon.

Pinanood ko lang sya sa ginagawa nya. Hindi pa rin sya nagsasalita at hindi man lang sya tumitingin sa 'kin.

Nagdecide akong umuwi na lang. Wala talaga siguro syang planong kausapin ako.

"Serene." Tawag nya ng papalapit na 'ko sa pinto. "Lock the door."

Pag dating ko sa bahay hinintay kong magtext sya pero wala. Ilang araw kong hinihintay na magparamdam sya pero wala pa rin.

I didn't know what happen.

Ngayon almost one week nang hindi nagpapakita sa 'kin si Nikos. Hindi na rin sya nagpapadala ng notes o kahit text man lang. Hindi na rin sya bumibisita sa bahay. Hindi rin sya pumapasok sa Lyric.

What did I do? May mali ba akong nagawa? Nasawa na ba sya sa 'kin? Narealize ba nya na maling mahalin ang isang katulad ko?

O baka dahil ba 'to dun sa kausap nya sa phone nung huling araw na makita ko sya? Iniisip ko pa 'rin kung sino yun. Baka may girlfriend pala talaga sya?

Pero ang alam ko hindi sya ganung klaseng tao. Mali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?

Bakit kasi ang bilis kong naattach sa kanya? Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan syang ganyan.

Just yesterday I was convincing myself na baka mahal ko pa si Dustin kaya hindi dapat ako nagkagusto kay Nikos in the first place. Pero hindi, narealize ko na kung may feelings pa man ako kay Dustin, ibang klaseng pagmamahal na yun. Hindi na enough to want him back or cry over him or to even think about him. Could it be possible na ginawa ko lang yun dahil mahal ko na si Nikos pero hindi ko lang maamin sa sarili ko?

I cried before going to sleep.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon