Chapter 46:

481 22 9
                                    

♪♪ I bet you're sitting in your chair by the window looking out at the city and I bet sometimes you wonder 'bout me...

So this is Sunsets...

Maganda nga tulad ng sabi ni Elle. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Medyo antique yung theme nya. May pendulum clock at very classic-looking nung ceiling. I actually like it so much.

Pinakilala ako ni Elle sa ibang artist na kasama nya pero hindi ko matandaan ang pangalan nila dahil busy ako sa pag-check out nitong place. Napaka-familiar kasi. Parang nakapunta na ako dati kahit sabi ni Elle na two years pa lang daw itong bar. Siguro may natugtugan na akong ganito dati sa states at hindi ko lang natatandaan.

Pinanood ko yung mga nagpeperform habang nag-iintay ng turn namin. Ang gagaling nilang lahat actually. May spoken word poets kanina bago magsimula yung banda. Nakakamiss din manood ng gigs dito sa Pilipinas.

Elle left me for a while para tawagin yung manager but I didn't really mind dahil ang galing nitong banda ngayon. Kitang-kita yung passion nila sa pagkanta. Nakikisabay ang audience sa kanila. Kung tama yung pagkakatanda ko, the band's called Bleeding. Kinabahan tuloy para sa amin ni Elle mamaya. Hindi ko alam kung magugustuhan ako ng audience dito. Napaparami na tuloy ang inom ko ng margarita.

Mayamaya ay bumalik si Elle kasama ang isang lalaki. Hindi ko namumukhaan nung una pero nagulat ako nang nakilala ko na yung kasama nya. Napatigil ako nang saglit.

"Serene?" Tanong sa akin nung lalaking kasama nya.

"Hi James. Long time no see." Bati ko sa kanya.

"I thought you're in Cali. Kailan ka pa bumalik?" Tanong nya.

"Just last week. I'm here to sing with my bestfriend." Sagot ko sa kanya.

"Bestfriend mo si Elle?!" Gulat na tanong nya.

"Yes. Anong kabigla-bigla dun?"

"Wala naman. Elle, hindi mo naman nabanggit na ininvite mo pala sya to sing with you." He laughed nervously.

"Hindi ko rin alam na magkakilala rin pala kayo." Sabi naman ni Elle.

"James, I have something to ask you. Do you know where Ni-"

"Uh, sorry ha." He interrupted. "I'd love to talk some more pero I have to make business calls pa. Goodluck! Babalik ako to watch you guys later."

"Okay, James. Basta come back later ha?" Sabi naman sa kanya ni Elle.

Naglakad na sya paalis. This is a good thing, nevertheless. Pwede pa akong magtanong sa kanya mamaya tungkol kay Nikos.

"You're crushing on James?" Tanong ko kay Elle pagkaalis na pagkaalis ni James.

"Yes. Magkakilala pala kayo? Oh my gosh. Mas may chance akong lumandi sa kanya!" She exclaimed.

"As if naman marunong kang lumandi. Hanggang salita ka lang naman." Natatawang sagot ko.

"Wag ka nga dyan! Pero wait, paano kayo nagkakilala?" Tanong nya sa akin.

"Kaibigan sya ni Nikos." Sagot ko sa kanya. Actually kaya hindi ko sya nakilala agad kanina ay dahil mga tatlong beses ko pa lang nakakasama si James. Hindi kasi sya sumasama kina Jon, Matteo, Tom, Paulo, at Gab pag bumibisita sa Tenerife Heights noon pero nakikita ko sya sa pictures nila at nakakasama namin pag pumupunta kami sa Manila.

"What?!" Gulat na tanong nya.

"I'll explain later. Mag-ready na lang tayo. Next na tayong tutugtog oh."

We played a few songs. Kinakabahan ako nung una dahil first time kong tumugtog ulit dito sa Pilipinas in four years. Baka hindi ako magustuhan ng crowd. Hindi ako kilala dito. Sa Lyric Bistro pa yung last time ko dito sa Pilipinas, natatandaan ko. Mabuti pagkatapos naman ng first song namin ay naging komportable na ako.

I was looking at James the whole time dahil parang nagpanic sya nung kausap nya ako kanina. Parang may tinatawagan nga sya sa phone pero parang hindi sumasagot yung gusto nyang makausap. He looked nervous.

Hindi malabo na si Nikos yung kino-contact nya. O baka naman assuming lang ako? Pero medyo umaasa talaga ako na makita sya. Lalo na't lumiliit na naman ang mundo naming dalawa.

Nilapitan si Elle ng fans nya after naming tumugtog. Iniwan ko muna sila dun at nilibot ko ang paligid, hoping to see Nikos. Pero wala akong nakita. Wala na rin si James sa loob.

Lumabas ako hanggang parking lot. Malakas ang feeling ko na kaya ganun ang reaction ni James ay dahil nandito si Nikos pero wala talaga akong makita.

I sat on the curb, frustrated. Ang desperada ko na lang talaga siguro na makita sya. Napa-facepalm na lang ako in frustration.

"Tired of the noise inside?" Tanong ng isang boses na hindi ko kilala. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking naka-red shirt. Madilim pero kitang-kita ko ang tattoos sa magkabilang braso nya.

"Not really." Sagot ko sa kanya.

"You might not remember me pero pinakilala na kami ni Elle sayo kanina." Lumapit sya at umupo sa tabi ko. Hindi ako nailang dahil kaibigan naman pala sya ni Elle. Ibig sabihin he can be trusted. "I'm Samuel. I play drums for Inaccurate Forecasts."

"Sorry ha. Lutang kasi talaga ako kanina. By the way, I'm-"

"Serene, I know." Nakangiti nyang sabi. He looked mature with his stubbles but he has a cute smile. His hair is black and it complements his caramel skin. Naglabas sya ng sigarilyo. Tumingin sya sakin na waring nagpapaalam kung pwede nyang sindihan yun. Tumango lang ako bilang sagot.

"No offense ha, pero bakit kung maka 'I know' ka parang kilala mo talaga ako?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Wag mo naman akong tingnan ng ganyan. Di naman ako creeper. I just happen to watch one of your gigs sa states last year kaya kilala na kita. I'm a fan, actually right now I want to ask for a selfie with you pero mukhang wala ka sa mood so..." He shrugged and went back to his cigarette. Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Thanks. Anyway, your band is so cool! I like the songs that you played kanina. Were they original?"

"Yes. I... wrote them, actually." He said through the smoke.

"I'm impressed." I said. "Your metaphors were excellent."

"Thanks. Yung performance mo din kanina, walang kupas." He said, smirking.

Bago pa ako makasagot ay may kotseng dumating at nagpark malapit sa amin. Haaay bakit kasi dito ko sa parking lot naisipang tumambay?

I waited for someone to come out of the car. Seconds later, a guy in a black shirt did. He turned in our direction. I froze and everything in me just exploded when I saw a familiar pair of eyes looking straight at me.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon