Chapter 38:

548 22 6
                                    

♪♪ Morning, his place. Burnt toast, sunday. You keep his shirt; he keeps his words. And for once, you let go of your fears and your ghosts.

I woke up on Nikos' guestroom. Super nostalgic. It's the same room na tinulugan ko noong unang beses naming magkita and I was too stupid to get wasted. Naaalala ko tuloy nung bago pa lang akong nag-aadjust dito.

Hindi na kasi ako nakauwi kagabi. Masyado na kasing late dahil nagmidnight snack pa kami kaya dito ako sa guestroom nya natulog. I had no choice but to wear his shirt. Suot ko kasi yung shirt ko sa pagswimming kagabi.

Bumaba na ako after fixing the bed. I'm still proudly wearing the necklace he gave me last night. Naabutan ko sya na nagluluto ng breakfast.

"Good morning, beautiful. You look very hipster in my shirt." Tumatawang sabi nya. Suot nya din yung necklace ko.

"You should wear my tanktops sometimes, let's see how you'd look." Nakangising sagot ko.

"I'd look sexy for sure." He winked.

"You've been winking a lot lately. Anong meron sa mata mo?"

"Ikaw lang ang nasa mga mata ko." Umagang-umaga naman to. Hindi na ako nakasagot sa banat nya.

We were eating breakfast nang may biglang kumatok ng napakalakas sa pinto.

"I'll get it." Sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa pinto at bigla akong kinabahan. Binuksan ko ito at nanlamig ako nang bigla ko syang makita.

"Dustin...."

"Serene...." Sabi nya habang tinitingnan ang suot ko. I guess he's making judgmental comments in his head. Lalapit sana sya para yakapin ako pero pinigilan ko sya.

"Stop. Why are you here?! Paano mo nalaman kung nasaan ako?!"

"Hindi na mahalaga yun, nandito ako para sunduin ka."

"Hindi ako sasama sa'yo. Umalis ka na." Papasok na ulit sana ako sa loob ng hawakan nya ang braso ko.

"No. You'll come home with me!"

"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya at inagaw ang kamay ko. "Hinding hindi ako sasama sa'yo."

"Serene, let's go home." Sabi nya na may mapagkunwaring lungkot sa mga mata.

"I'm already home, Dustin. You're not my home anymore kaya bitawan mo ako at umalis ka na." Mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko at nagsimulang maglakad.

"Tumigil ka nga! Hindi ako sasama sayo!" That's when Nikos came out.

"Don't touch her!" Lumapit si Nikos at bahagyang itinago ako sa likuran nya. "Sino ka ba?"

"I'm her fiance kaya please lang kung sino ka man, wag ka na ngang makialam samin!"

"I am not your fiance! I called off our engagement when you broke up with me a year and a half years ago, remember?" Sabi ko sa kanya.

"This is not just about me, Serene. Kailangan ka ng pamilya mo! Matagal ka na nilang hinahanap! Umuwi ka na! Sumama ka na sakin!" He said with what it seems like a hint of pain in his eyes. "Kailangan ka nila ngayon."

"Wag mong idamay ang pamilya ko dito." Sabi ko sa kanya.

"Pero kailangan mo nang umuwi before it's too late, Serene." Malungkot na sabi nya. "I can't tell you now. But you really should go home."

"Wag mo na syang pilitin. May balak syang umuwi nang kusa sa kanila next week. Hindi mo sya kelangang kaladkarin para sumama sayo. Umalis ka na lang." Sabi ni Nikos sa kanya. "Serene, pumasok ka na sa loob, ako nang bahala dito."

"Wag ka ngang makialam dito!" Sigaw nya kay Nikos. "Kailan pa yun, Serene? Isa't kalahating taon kang hindi man lang nagparamdam samin! Nag-aalala kaming lahat sayo, ni hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag namin. Naisip mo man lang ba kung anong mararamdaman namin nung umalis ka? Tapos nagpapakasaya ka lang pala dito kasama yan?! Ganyan ka ba ka-selfish?!"

"E sila, naisip ba nila na ang mararamdaman ko kung sakaling ikasal ako to a shitty guy like you? Ganun ba sila ka-selfish? At ikaw, naisip mo ba kung anong mararamdaman ko bago mo ko ginago?! Ganyan ka ba ka-selfish?!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ako pa talaga yung selfish ngayon, Dustin? Selfish na kung selfish pero natutunan ko lang mahalin ang sarili ko kaya ako umalis."

"Serene, I'm sorry."

"I don't wanna hear it. Just go!" I turned my back to him and started walking back to the house. Nikos put his arms around me in a comforting manner as he followed me.

I could still hear Dustin calling my name as I closed the door.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon