Epilogue

729 17 14
                                    

♪♪ My bones are safe and my heart can rest knowing it belongs to you...


(I really suggest you listen to Home by Reese Lansangan before reading. For maximum feels lol 😊)

-

Gowns, guests, venue, food – everything's perfect. Naghihintay na lang talaga kaming ikasal.

Nandito kami sa resort sa Tenerife Heights. Dito ang reception ng kasal namin bukas. Kasama namin ang buong barkada at buong pamilya namin. Umuwi pa ang mga magulang ko dito sa Pilipinas two weeks ago para tulungan kami sa preparations.

Yung banda ni Samuel ang tutugtog sa kasal namin gaya ng sabi nya dati. Nandito rin ang buong barkada ni Nikos. At akalain nyo yun, mas una pa kaming ikakasal kina Jon at Jenine?

Binisita nila akong lahat dito sa suite ko kanina pagkatapos nilang bisitahin si Nikos dun sa kabilang suite. Hindi daw kasi kami pwedeng magkita ngayong araw. Umalis din sila pagkatapos ng ilang minuto. Gabi na rin kasi. Si Mommy at Elle na lang yung natira. Si dad kasi nagpapahinga na sa room nila.

"Mommy, kinakabahan ako. Ganito ba talaga?" Tanong ko sa kanya nung kaming tatlo na lang ang natitira.

"Hay nako, mawawala din yan pag kasama mo na sya sa altar." Sagot nya sa akin. "Basta magpahinga ka na para maganda ang gising mo bukas. Para hindi ka na kabahan."

Mayamaya ay nagpaalam na din sya. Hinatid namin sya ni Elle sa labas ng suite.

"Elle, samahan mo nga muna tong batang to. Baka tumakas. Alam mo naman kung gaano ka-stubborn yang kaibigan mo. Matulog na kayo ha?" Pagpapaalala nya.

"Sige po tita. Ako ang bahala sa kanya." Sagot naman sa kanya ni Elle. Nagpaalam na sya sa amin.

"Goodnight, Mommy!" Pahabol ko pa nung naglalakad na sya papunta sa room nila.

Inintay ko muna syang makaalis ng tukuyan bago ako naglakad papunta sa kabilang suite.

"Hephephep!" Pagpigil sa akin ni Elle. "Saan ka pupunta?"

"Kay Nikos?" Sagot ko sa kanya.

"Bawal!" Pagkontra nya.

"May itatanong lang naman ako e."

"Ano namang itatanong mo e halos hindi na nga kayo mapaghiwalay nung isang araw?" Medyo naiinis nyang tanong. E kasi naman, kinuha rin nila ang phone namin ngayong araw para hindi kami magkausap.

"Itatanong ko lang kung sure na ba talaga syang magpakasal sakin." Sagot ko sa kanya.

"Tanga ka ba, bes? Ini-stress nya nga kami sa kung paano i-prepare ang kasal nyo sa loob lang ng isang buwan para wala ka na daw kawala as soon as possible tapos sa tingin mo magdadalawang-isip pa sya? We defied all the laws of physics to make this on time, Serene."

"Malay mo naman. It's too good to be true kasi. Payagan mo na ako uy!" Pamimilit ko sa kanya.

"Aba, hindi ka pa nakinig kay Tita? Bawal di ba?"

"Ano ka ba naman Elle. Naniniwala ka pa ba sa superstitions?"

"Oo kasi one time may nakasalubong akong itim na pusa nung papunta ako sa date namin nung ex ko. Pag dating ko nakipagbreak sya!"

"Totoo ba? Malay mo coincidence lang? Please?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanya para payagan nya ako.

"Hay nako, sumunod ka na lang besty. Wala namang mawawala e."

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon