Chapter 26:

715 29 1
                                    

♪♪ This is the start of something beautiful. This is the start of something new. You are the one to make me lose it all...

We were wandering around the town all day.

Fiesta dito ngayon at maraming bukas na pasyalan sa bayan. Lahat pinuntahan namin. He even got me something from the shooting game. We ate tons of ice cream and cotton candy. We screamed our lungs out on the rides. For once, I felt like a child again.

Nikos looked happy, too. He was laughing a lot at hindi mawala ang ngiti sa mga labi nya. I was secretly taking his pictures.

Nagpahinga kami sa isang bench pagkatapos naming gumala sa mga shop. Nakangiti pa rin sya.

"Sobrang saya mo ata ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Of course. I caught you taking my pictures, Stalker." Nakangising sabi nya. Nahuhuli nya ako? God, nakakahiya! Tumalikod ako at napaface palm ng pasimple.

Haharap na sana ako sa kanya ng bigla nya akong inakbayan.

"Nahiya ka pa, alam ko na namang crush mo ko e." Ang laki parin ng mapang-asar nyang ngiti.

"Kinikilig ka lang." Sabi ko sa kanya.

"Masyado bang obvious?" Tanong nya. "Stand up. Let's go rent a bike."

*******

Pumunta kami sa resort nung tanghali. May party din kasing gaganapin sa resort. Nandun lahat ng friends ni Nikos. I was excited to see Jon. I wonder what's happening between her and Jenine now. Suddenly, I was a bit nervous to see Jenine. I brushed the thought away.

Nang makarating kami sa resort, nandun na si Matteo, Tom, Gab, and Paolo. Tumutugtog sila as a band dun sa stage. Napatigil sila nung nakita nila kami.

"Serene! Long time no see!" Tom said then he pulled me in for a hug. The three other boys greeted me and did the same thing. I wondered where Jon was.

"Alam mo bang patay na patay sayo yang si Nikos?" sabi ni Matteo.

"Alam na nya kaya wag na kayong magulo." Sabi nya na may nakakalokong ngiti. "Tara na nga, kumain na tayo."

Inakbayan nya ako at nagsimulang maglakad papasok. Sumunod naman sila sa amin.

"Clingy ka na pala ngayon Nikos." Naglolokong sabi ni Paulo.

"Natuto na syang maging magaling na ninja, pare." Sabi naman ni Gab.

"Lagi ba namang kasama ni Jon e alam naman nating hokage yun!" Dagdag pa ni Matteo. Nagtawanan sila sa sinabi nya.

"Gago!" Natatawang sabi ni Nikos sa kanila. Namumula sya. Natawa ako kay Nikos. First time ko syang makitang ganito. Ang playful pala talaga nya pag kasama ang barkada.

Nagsimula ng magdatingan ang mga tao. Nilibot ko ang tingin ko sa mga bisita pero wala pa rin si Jon. Nakapagtataka lang kasi na kumpleto ang barkada pero wala sya.

"Bakit wala pa si Jon?" Tanong ni Gab. Napansin din pala nya.

"Hokage duties, pare." Sagot ni Tom. Nagtawanan naman sila. Ang bababaw ng kaligayanan nitong mga lalaking to.

"Dadating din yun." Sabi ni Nikos pagkatapos ay tumingin sya sa akin. "Ikaw naman, wag mo na ding hanapin, magseselos na ako e."

"Tumigil ka nga!" I blushed in embarrassment.

"Iba ka na talaga, Nikos." Komento ni Matteo.

"Lakas, bro." Pagsang-ayon ni Paulo.

I just ignored them.

Mayamaya ay dumating na si Jon. Sa likod nya ay si Jenine na nag-aayos ng suot nitong damit. Kasama nya si Jenine! Omg! What is the meaning of this?!

"Grabe kayo, saan kayo galing ha?" Tanong sa kanila ni Matteo.

"Tanghaling tapat, Jon ah." Sabi naman ni Gab. "Ingat ka dito Jenine."

"Gago! Nagbago na 'ko!" Sagot ni Jon sa kanila.

"Bakit ba ngayon lang kayo?" Tanong naman ni Nikos.

"Sorry. Ang tagal kasi nitong babaeng to. Arte arte pa. Lahat ata ng damit sinukat pero yung una rin pala ang susuotin."

"Kasalanan ko pa? Sinabi ko bang sunduin mo ako sa bahay?" Sagot ni Jenine kay Jon sabay inirapan nya ito.

Nagkwentuhang lang kami habang nag-iintay gumabi. Masyado pa daw kasing maaga para simulan ang party. Nag-iintay pa rin naman sila ng ibang guests.

"Serene, let's get some drinks for them." Nagulat ako nang magsalita si Jenine.

"Sure." Nauna syang tumayo at sumunod naman ako sa kanya papunta sa kitchen.

"Hey, look, I just want to apologize for how I behaved the last time." Sabi nya nang makarating kami.

"It's okay, Jenine. You don't have to apologize."

Natahimik kami for a bit while getting everything from the fridge.

"You see, I used to like Nikos until I woke up in reality. I'm just not his type. He's too emotional for me, anyway." Sabi nya. Humarap sya sakin at ngumiti. "I think mga kagaya ni Jon ang compatible sakin."

"Well, Jon likes you a lot." Sabi ko sa kanya na may mapanuksong tono.

"I know right?" Nakangiting sagot nya. "I mean, yeah I actually didn't expect I would feel this way but I think I like him too."

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon