Chapter 53:

544 22 6
                                    

♪♪ Come back, come back, come back to me like you would, you would if this was a movie...

Wala na sya pagkagising ko. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa tequila. But it still feels like a victory.

His name means victory, I remember.

Pero sana naman hindi yun panaginip lang. Dahil for the first time in years, nun ko lang naramdaman ulit na mahal nya ako. At least may panghahawakan ulit ako di ba?

Inayos ko na lahat ng kalat ko kahapon. Naghanda na rin ako sa pagbalik ko sa Manila. Mamaya na kasi yung usapan namin ni Samuel na pupunta ako sa gig nila dahil gusto akong ma-meet nung mga kabanda nya.

Bumaba ako sa kitchen para magbreakfast. Napansin kong iisa na lang yung jar ng cookies na nasa counter at merong note na nakalagay dun. Lumapit ako at kinuha yung papel.

Got my cookies. I'll go get your car.
- Nikos

Napangiti ako sa nabasa ko. Alam nya na para sa kanya yung isang jar. Totoo lahat ng naaalala ko. Gusto kong mag-victory dance all over the house.

Kung gaano ako ka-low kahapon, ganun naman ako ka-high ngayon. Minsan gusto ko na talagang kwestyunin ang sanity ko.

E kasi naman, we freaking kissed last night.

Sya nga pala ang naghatid sakin kagabi. Ibig sabihin naiwan dun sa may bukid yung kotse ko. Lumabas ako ng bahay para icheck kung nakuha na nya pero wala parin laman yung garage.

Inintay ko na lang sya. Babalik din siguro agad yun. Nagcheck na lang ako ng email at sinagot ang mga namiss kong messages kahapon to keep myself busy.

Nung nagtanghali na ay wala parin sya.

Another disappointment na naman ba to? Haaay...

I decided to just commute back home tutal coding din naman. Baka kasi malate pa ako sa usapan namin ni Samuel kung hindi pa ako aalis. Mabuti na lang at pumayag akong sunduin nya sa bahay.

Hapon na nang makarating ako sa bahay. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na si Samuel. Mas makulay ang mga tinta sa balat nya sa ilalim ng araw.

Dumeretso kami sa isang VIP room nang makarating kami sa Sunsets. Pag dating namin ay meron nang apat na lalaki sa loob nun at saka mga instruments.

"Papa Saaaam!" Tili ng isang lalaking may kulot at mahabang buhok. Para syang si Harry Styles. Medyo maputi ito at matangos ang ilong. Akma pa itong yayakap kay Sam pero pinigilan sya nito bago pa makalapit.

"Shut up, dude." Samuel gently hit him with his drumsticks.

"Ay, eto naman di na mabiro." Sabi naman nung lalaki sabay kamot sa ulo.

"Serene, meet my bandmates. Sya si Mickey, vocalist namin." Pagpapakilala ni Samuel dun sa long hair na lalaki.

"Ang ganda mo pala lalo pag malapitan." Sabi sa akin ni Mickey. Ngumiti lang ako in response dahil nahihiya ako sa ganung compliment, seriously.

"Maganda naman talaga sya, wag ka nang magtaka." Sabi ni Sam kay Mickey sabay lumingon sa akin. "Alam mo bang Mickey's World ang dating pangalan ng banda namin dahil sa kanya?"

Ngumiti na lang ulit ako. I'm so weird with new people.

"Eto naman si Ace, guitarist namin." Pagpapakilala naman nya sa akin dun sa chinito sa nag-peace sign lang sakin habang napoker face. Weird nya.

"Hi Ace." Bati ko sa kanya at saka sya ngumiti sa akin. Wow. Cute sya for reals.

"Si Beau, guitarist din but he also plays the sax." Si Beau naman parang si Jake Cuenca. Medyo mahaba din ang buhok nya.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon