Untold Chapter 1

165K 2.9K 307
                                    

THIS IS THE BEGINNING OF NEVERMORE PART 2. HAPPY READING.

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 1

Habang naghuhugas ako ng plato ay nakarinig ako ng biglang pag-iyak mula sa nursery. Kumuha ako ng pamunas at tinuyo muna ang mga kamay ko. Namalengke pa kasi Tripp kaya ako lang ang natira mag-isa dito sa bahay namin. Ayaw niya akong iwan noong una pero ako rin naman ang nagpumilit para mapabilis ang mga gawain.

Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano kalabag sa loob niyang iwan ako mag-isa rito sa bahay at maiiwang nag-aasikaso sa mga anak namin.

Tripp was very grateful that day. At sinabi niyang sobrang pinag-alala ko siya habang nasa delivery room ako. Nasa tapat daw siya ng pinto nanatili kahit na wala naman siyang makita sa loob. Tumayo lamang siya roon hanggang sa mayroong lumabas na doktor.

Ang kwento pa sa akin ni Waderick, kinwelyuhan niya agad iyong nurse na lalaking lumabas mula sa delivery room. Kesyo bakit daw nasa loob siya. Kesyo bakit daw lalaki ang nag-assist kay Dra. Kumar. Kesyo bakit daw hindi niya nalaman nang mas maaga. Napailing ako. Napansin kong may tanim na galit talaga siya sa mga nurse at hindi ko alam kung bakit.

Tinahak ko ang hagdan at mabilis na dumiretso sa nursery. Himbing na himbing ang tatlo naming mga anak habang si Orlando naman ay umiiyak. Binuhat ko siya at marahang sinayaw-sayaw habang kinakantahan. Nang medyo humina na ang kanyang pag-iyak ay saka ko naman siya pina-breastfeed.

Makapal ang pilikmata ni Orlando, manang-mana sa kanyang ama.

Our four gorgeous babies were almost two-month old. Si Tripp ang nagbigay ng first names nila at ako naman bahala sa second names. Para sa akin, maganda ang naging kombinasyon ng lahat ng mga pangalan. The moment I first touched our babies, it felt like a whole new world was being introduced to me.

Parenthood was hard, but it was always worth it. Walang gabi na matino ang tulog namin ni Tripp. Mayroong bigla ka na lang magigising dahil ang isa sa kanila ay iiyak at kalaunan ay maalimpungatan na rin ang iba tatlo. Kung tutuusin ay parang hihigitan pa nga ako ni Tripp sa pagiging hands-on sa mga anak namin.

Gusto niyang siya ang mag-alaga tapos palagi niya akong pinababalik sa pagtulog.

"Go back to sleep, baby," utos ni Tripp habang tinatahan si Alfredo.

Umiling ako at pupungas-pungas na bumangon upang daluhan ang aking mag-ama. Humalik ako sa noo ni Alfredo at saka lumabas ng kwarto naming dalawa ni Tripp. Nagtungo ako sa nursery upang tingnan ang lagay nina Eduardo, Iñigo at Orlando. Mahimbing silang natutulog. May kung anong mainit na humaplos sa puso ko.

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng papalapit na mga yabag.

"You're so stubborn." Sumimangot si Tripp at saka marahang inihiga si Alfredo sa kanyang crib. Bumalik na ito sa mahimbing na pagkakatulog. Lumapit ako sa crib at pinagmasdan siyang mabuti. Medyo nakaawang pa ang maliit niyang bibig.

Pumulupot ang mga braso ni Tripp sa aking baywang mula sa likuran. Pagkatapos ay masuyo siyang humalik sa aking balikat. Marahan akong pumikit at pinisil ang kanyang braso.

"I don't want you to stress out," Tripp whispered quietly.

"I'm a mother," ang naging tanging tugon ko.

Wala akong ideya na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang maging isang ganap na ina at hindi lang sa isa kundi sa apat na bata. And what made it best is that I had them with the man that I love. Wala nang mas tutumbas pa sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Thank God being this happy is legal.

Maya-maya ay naramdaman kong nakatulog na muli si Orlando. Hinalikan ko siya sa noo at ibinalik sa kanyang crib. Bumaba ako ng hagdan at bumalik sa paghuhugas ng plato. Nang matapos ako roon ay naglinis naman ako ng bahay. Darating kasi ang mga kapatid ni Tripp galing Manila.

Nakaramdam ako ng hilo kaya pansamantalang umupo muna ako sa sofa. Isa ito sa mga ayaw ni Tripp. Masyado akong nagpapagod gayong pwede naman kaming kumuha ng kasambahay o katulong. Sinabi kong hindi naman na kailangan.

Marunong naman akong gumawa ng mga gawaing-bahay at bakit aasa pa sa iba? At ayaw kong may ibang taong namamalagi rito. Kung ang mismong kaibigan nga ni Tripp na si Maddox ay nagawa siyang paikutin, bakit pa ako magtitiwala sa mga estranghero?

"Baby?"

Dumilat ako nang marinig ang boses ni Tripp. Tumayo ako at sinalubong siya ng halik sa pisngi. Marami siyang dalang grocery bags kaya kinuha ko iyong iba sa kanya. Dinala ko iyon sa kusina at ipinatong sa island counter. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Inilapag niya rin ang mga grocery bags bago ako hawakan sa balikat at ipinaharap sa kanya.

"Are you alright?" Kumunot ang noo niya at hinagilap ang noo ko bago kinapa. "Ang mga anak natin?"

Ngumisi ako. "Tulog silang lahat. Ang galing magpatulog ni Papa Tripp, e."

Tumaas baba ang kanyang kilay. "So, pwede na akong maka-score?"

Sinapak ko na. "Naku, sinasabi ko sayo. Sasamain sa akin iyang bibig mo."

Humalakhak siya at niyakap ako nang mahigpit. Napapikit ako nang mariin sa ginawa niya at halos kapusin ang hininga.

"What the fuck? You're so hot. Baby? Shit."

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

✡ stay tuned ✡

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon