Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 20
Hindi ako nakatulog buong gabi. Hindi ko rin nagawang i-confront si Tripp tungkol sa picture na iyon.
Namayani ang takot at pangamba sa puso ko. I would have confronted him if I had the guts, subalit tuluyan akong kinain ng sariling takot. Nawalan ako ng lakas ng loob. Sa kuha ng larawan, obvious namang hindi iyon scripted or prank. What transpired that day was true; it really happened.
Imposibleng naganap lamang ito kagabi dahil kausap ko si Tripp. He told me that our kids were already asleep—safe and sound.
Latang-lata ako kinaumagahan. No matter what happens, my duties as a mother shall continue. Ipinaghain ko si Duke ng breakfast. My son isn't up for any morning conversation. And I silently thanked him for that. Sa tingin ko ay hindi ko siya makakausap nang maayos sa estado ng pag-iisip ko ngayon. I can't function well enough.
"Mommy?" Pukaw ni Duke.
Napakurap ako at nanlalaki ang mga matang bumaling kay Duke. I've been spacing out—from time to time. Hindi mapanatag ang loob ko.
I want to breakdown, pero wala akong time. I can't afford Duke witnessing how I am such an emotional wreck.
My sons, they need their mother. Dapat ay sapat na rason na iyon upang panghugutan ko ng lakas.
First things first. I have to get through this day—alive. Marami pang katanungan ang namumuo sa aking isipan. You have to get by this day, Mims. Maging malakas ka muna.
Tumikhim ako at binigyan ng tipid na ngiti si Duke. "Yes, baby?"
"Walang pong lasa itong sopas?" Naguguluhan niyang tanong. Naninibago. "Did you buy this from a cheap carinderia?"
Halos manghina ako sa sinabi ng aking anak ngunit hindi ko ipinakita iyon sa kanya. I have to go through this facade until I get to know the truth.
Sinubukan kong mag-isip ng kung anong palusot, subalit tila umuurong ang aking dila. I can't lie to my son, to my children. Pakiramdam ko ay unti-unting nasusunog ang kaluluwa ko sa impyerno tuwing pinagpaplanuhan ko pa lamang na gawin iyon.
Bumuntong-hininga ako at sinuklay ang medyo basa pang buhok ni Duke gamit ang aking mga daliri.
"I'm sorry, baby. Si Mommy ang nagluto niyan. If you want—"
His eyes widened. Duke suddenly looked genuinely apologetic. "Mommy, hindi naman pangit ang lasa—"
Kasi nga walang lasa.
"It's fine, baby." Ngumiti ako at mahinang kinurot ang kanyang matambok na pisngi. "Come on, I'll get you a drive thru breakfast."
"Nope," he quickly replied. "Uubusin ko po ito, Mommy. Sandali lang po."
Parang gusto kong umiyak sa saya. I don't deserve this. I don't deserve them. They are too pure and beautiful. Hindi nila deserve ang isang tulad ko. They don't deserve a half-time mom.
Julius was speaking to me. Subalit wala akong ideya sa kung anong pinagsasabi niya. Tila hindi ko naririnig ang bawat salitang binibigkas niya. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang pagbuka ng kanyang bibig.
He looked engrossed, serious rather, as he talked to me. It must be really important. Ngunit lumilipad ang isip ko. He probably thinks I'm an idiot. Walang kurap-kurap sa pagtitig sa kanya.
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang ringtone ko. Doon lamang ako nagising sa tila buhay na bangungot. Napahinto rin sa pagsasalita si Julius.
Parehong lumipad ang aming tingin sa cellphone ko. Tripp is calling.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...