Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 12
Hindi ko alam kung nakailang cup of coffee na ako. I have lost count. Hindi ko matapos-tapos ang thesis dahil tila walang pumapasok sa utak ko. I'm extremely, mentally exhausted.
God knows how badly I want to finish this. I want to make time for my family, for my old man. Bilib din ako kay Tripp dahil nagagawa niya ang lahat ng sakripisyo na ito para sa akin, sa amin ng mga anak niya.
I turned my laptop off. Wala sa sariling napatitig ako sa aking cellphone. I'm wondering if he's still awake. Mula kanina ay hindi na ito nagparamdam pa sa akin. Malaki na naman ang tampo ng ermitanyong iyon.
Wala siyang nireplyan maski isa sa mga text messages ko. He refused to answer my calls, too. Napabuntong-hininga ako at saglit na nagtalo ang aking isipan. I want to hear his deep and manly voice. Kahit gaano pa iyong nanlalamig sa akin.
I dialed his number and waited. Sumandal ako sa aking inuupuan at pumikit. Damn, I could feel fatigue was already on its way. Nitong mga nakaraang araw ay ang bilis ko mapagod. Hindi rin ako makapag-concentrate nang mabuti sa kahit ano.
Natapos ang pag-ring nang walang sumagot. Huminga ako nang malalim at sinubukan ulit na tumawag. I felt my frustration getting to me inch by inch. Halos mangilid ang aking luha nang naka-sampung missed calls na ako ay wala pa rin.
Now, that's just terribly impossible. Noon nga ay nagigising siya sa unang tawag ko pa lang kahit na gaano pa kasarap ang kanyang tulog, ngayon pa kayang ilang beses ko nang pinatunog ang cellphone niya? Tripp is ignoring me on purpose, and I don't quite know what to feel about that.
Handa na akong mag-breakdown nang biglang umalingawngaw ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong napalingon doon at iniluwa ng pinto si Duke na kinukusot ang mga mata.
Tumayo agad ako dinaluhan ang aking anak. Hindi siya gumalaw sa kanyang pwesto at napansin ko ang nakangiwi nitong mga labi na mistulang handa nang bumunghalit ng iyak. Agad kong kinarga si Duke at pumasok sa kwarto.
Mahigpit niyang niyakap ang leeg ko hanggang sa tuluyan na kaming makahiga. Hinaplos ko ang noo niya nang ilang beses. Maya-maya pa ay nakabalik na ito sa pagtulog. Pumikit na rin ako at mabilis na nakatulog.
"Mommy, you don't look well," puna ni Duke habang ipinagluluto ko siya ng breakfast. Nakaupo na siya sa dining table habang may hawak na tinidor sa isang kamay.
Tumawa ako. "Are you trying to say that Mommy looks ugly today?" Pabiro kong pagtatampo. Nang sa tingin ko ay luto na ang bacon, ham at itlog ay pinatay ko na ang stove.
"Nooooo," Duke drawled. "You don't look okay. May lagnat ka po Mommy?" Kuryoso niyang tanong.
Kumuha ako ng serving plate. Ipinaghain ko na si Duke at umupo sa kanyang tabi. Naniningkit ang kanyang mga mata habang pinagsisilbihan ko siya ng kanin at ulam. Natatawa na lang ako napapailing sa pagiging attentive ng anak ko.
"Wala akong lagnat, Duke," I said, smiling. "Pagod lang si Mommy nitong nagdaang araw pero nababawi naman iyon sa pagtulog," I mumbled absentmindedly.
"No, it's not," kunot-noong sagot ni Duke. "What you are feeling right now only adds up to what you might feel in the future. Sleeping doesn't do any good to say the least, Mommy." Nangangaral ang tono nito.
I know, baby. Thank you for pointing out something I am too afraid to admit to myself.
"Yum," ani Duke habang sinusubuan ko siya ng pagkain. "My brothers are probably enjoying Menudo right now, since that's what Daddy always cooks," dugtong niya habang ngumunguya.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...