Untold Chapter 2

133K 2.7K 252
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 2

Nagising ako sa loob ng isang puting kwarto. May kung anong nakasalpak na sa aking bibig. Pakiramdam ko ay namamaga ang aking mga mata dahil hirap akong imulat ang mga ito. Sinubukan ko pa rin.

At bumungad nga sa akin ang lamig ng kwarto, ang manipis na telang suot ko na paniguradong hinding-hindi magugustuhan ni Tripp at ang nakakapanghinang amoy ng ospital.

I've always hated being confined. Pero alam kong iyon nga ang nangyari sa akin ngayon. My body has finally taken its toll on me. Alam ko namang ito ang naging bunga ng pag-aalaga ko sa mga baby namin. Mothers always want the best, and do the best for their children.

"T-Tripp?" I squeaked out. Nakapatong ang kanyang ulo sa hospital bed upang matulog habang hawak-hawak niya ang isang kamay ko.

Gumalaw siya nang kaunti at mahinang umungol. Tinitigan ko siyang mabuti. Kahit nakapikit ay kitang-kita ko ang nangingitim na parte sa ilalim ng kanyang mga mata. He probably took care of while I was here all along.

Alam ko na iyon. Kahit ayaw kong isipin, pero iyon ay isa sa mga hindi imposibleng mangyari. Ang tanging inaalala ko ay ang mga anak namin. Si Tripp talaga kung minsan ay hindi marunong tumimbang ng priority.

Malaki na ako. Kung tutuusin ay kaya ko naman na ang manatili rito mag-isa kung sakali.

"Tripp," namamaos kong tawag. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya garagal ang aking boses. Nauuhaw na ako.

"Hmm." Unti-unting nagbukas ng mga mata si Tripp. Bigla itong nanlaki nang makitang gising na ako. Napaayos siya ng upo at hinawakan nang mabuti ang kamay kong hawak niya mula kanina pa.

"How are you feeling?" Tripp questioned in his deep, baritone voice. Bumaba ang kanyang mga mata sa aking dibdib papunta sa tiyan hanggang sa hita at binti. "Anong masakit sayo?"

Pinisil ko ang kanyang kamay. "Nauuhaw ako." Ngumiti ako.

Napatingin siya sa kamay kong hawak niya at saka sa water dispenser na nasa isang gilid. Mukhang nagtatalo pa ang kanyang isip kung bibitiwan niya ba ako o hindi. Ako na ang kumalas ng kamay ko mula sa kanya.

Umawang ang kanyang mga labi.

"Sabog ka ba?" Kumunot ang noo ko.

"What?" Naguguluhan niyang sinabi. "Oh, your water. Hold on, baby." Kinagat niya ang kanyang labi bago tumayo at kinuhaan ako ng isang basong tubig. Siya na ang nagpainom sa akin.

As usual.

"Paano ang mga bata?" I asked after quenching my thirst. "Uwi na tayo."

Huminga siya nang malalim at pinindot ang intercom. Sinabi niya roon na gising na ako. Muli siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking kamay. He kissed the back of my hand tenderly.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "How are you feeling? Tapatin mo ako."

"Exhausted." Napalunok ako. Pinilit kong salubungin ang mabibigat niyang mga titig.

"Hanggang kailan mo ako balak patayin sa pag-aalala? Baka sa susunod kasi matuluyan na ako." Tumawa siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Napansin ko ang pangingilid ng kanyang luha.

"Tripp."

Kinagat niya ang kanyang labi at mataman akong tinitigan. Namumula na ang kanyang ilong. "Pakiusap, Mims. Iniingatan kita. Ingatan mo naman din ang sarili mo para sa akin. Paano ba mapapanatag ang loob ko, baby?" Umiling siya.

Ngumisi ako at mabilis na pinahid ang namumuong luha sa kanyang mga mata bago pa iyon tuluyang pumatak.

"I love you, okay? I love our sons, Tripp."

Tumango siya at hinawakan ang kamay kong abala sa paghaplos sa maamo niyang mukha. Paulit-ulit niya iyong hinalikan. Napakagat ako ng labi.

"Mahal din kita, at balang araw ang pag-ibig ko sayo ay siyang tatapos sa akin." Napalunok siya. "Nabinat ka lang naman pero kung makapag-react ako ay ganito na." Tumawa siya. "Ang lakas na talaga ng tama ko."

Nag-init ang aking pisngi at ngumuso. "Halika ka nga rito. Hahalik ako sayo kasi kinilig ako."

Humalakhak siya at mabilis pa sa alas cuatrong tumayo at dumukwang palapit sa aking mukha. Humalik agad ako sa malalambot niyang mga labi. Naramdaman ko ang kanyang pagngiti. Napapikit ako at napakapit sa kanyang batok. Pinalalim niya ang paghalik.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya agad kong itinulak palayo si Tripp. Nahihiya akong ngumiti sa lalaking nurse na mukhang nabigla rin sa kanyang nakita at naabutang eksena. Nilingon ko si Tripp na ngayon ay nakakuyom ang mga panga at tinitingnan nang matalim ang lalaking nurse.

Really?

Tumawa ako at hinila siya palapit sa akin. Hinila ko pa siya hanggang sa maupo at pumirmi siya sa tabi ko. I find this scenario amusing.

Very nostalgic.

Bumaling muli ako sa lalaking nurse na may dala-dalang folder or something. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang humakbang palapit sa amin.

"Make it fast," singhal ni Tripp.

Nanlaki ang mata ko at binatukan si Tripp. Napakawalang hiya talaga ng isang ito. Napapansin ko na talaga ang hilig niya sa pang-aapi sa mga nurse, ah? What's with nurses?

"A-Ano po, pwede nang i-discharge si Miss..." Sumulyap ang lalaking nurse sa hawak na folder.

Napasinghap si Tripp. "Mrs. France. Don't ever call her 'Miss'. Damn it! Understood?" Pagalit niyang sinabi.

"Y-Yes po!"

"Tripp," saway ko at piningot na talaga siya sa tainga. "Ang gaspang talaga ng ugali mo kahit kailan."

"He-he... G-Gora na, e-este mauna na ho ako... Babush, ah eh, paalam ho..." Halos kumaripas ng takbo ang nurse.

Bumaling ako kay Tripp at agad siyang sinapak. "Talaga naman! You got a nurse traumatized by you again. Why so cruel?" Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip.

"Tsss!" Pabalang niyang sagot at saka tumayo. Tinulungan niya akong magpalit ng damit at siya na rin ang nagtanggal ng aparatong nakakabit sa akin.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan ang mga nurse?" Tanong ko habang pinagmamasdan siyang sumisimangot sa isang gilid.

"Hoy, kulugo?"

"Tsss. Tumahimik ka nga riyan, baby, at mabinat ka na naman." Winala niya ang usapan.

My eyes widened.

Nang matapos siya sa kanyang inaayos ay lumapit muli siya sa kinaroroonan ko at walang pasabing pinangko ako. Agad kong ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg.

Ngumisi siya. "That's it. Kumapit ka lang sa akin... iyong mahigpit."

Umirap ako. "Ang lakas talaga ng topak mo."

Sumakay kami sa kanyang Audi at agad na dumiretso sa pag-uwi. I can't wait to see my babies. Hindi ako mapakali rito sa kotse. Gusto ko na silang makita, mahagkan at maramdaman.

"Iyong mga gamot mo. Bawal kang magpuyat, maghugas ng plato, bawal kang magtrabaho o mahirapan. Ang tanging gagawin mo na lang ay ang mahalin ako... dapat iyong fierce." Humalakhak siya.

Napailing ako. Hibang na nga ang isang ito.

"I'm serious, Mims. Kumuha ako ng kasambahay na siyang maglilinis at tatapos ng mga gawain every week. Iyong simpleng trabaho ay ako nang bahala. Bawal magbuhat... kahit kanila baby... rest ka muna—"

Pakiramdam ko ay tumaas ang altapresyon ko sa sinabi niya. Bawal buhatin? Ano? Kulugo siya! Kulugo!

"You can't—"

"Of course, I can," seryoso niyang sinabi. "Hawakan, haplusin at titigan mo na lang muna. Gusto kong tuluyang gumaling ka muna, alright? I love you very much, kaya magkasya ka na lang muna sa pagtitig sa mga baby natin."

Humalukipkip ako at umismid. Hindi pa rin ako payag sa gusto niyang mangyari! Hindi niya alam ang pakiramdam ng isang nangungulilang ina.

"Or better yet... ako na lang ang titigan mo. Malay mo makabuo." Humalakhak siya.

✡ stay tuned ✡

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon