Untold Chapter 21

48.5K 1.1K 277
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 21

Pugto ang aking mga mata kinaumagahan. Sa pag-amin ni Tripp ay lalo niya lamang ako binigyan ng rason upang hindi matulog. Buong magdamag akong tuliro. Nakapwesto lamang ako sa isang upuan habang binabantayan ang anak kong himbing na himbing sa pagtulog.

A tightness constricted my throat when a sudden realization hit me. Nangilid muli ang luha sa aking mga mata at umiling. Don't let this get to you, Mims.

But how? Sinong ina ang mapapanatag ang loob sa sinapit ng anak niya, pagkatapos ay sa pambihirang pagkakataon niya pa malalaman?

I felt cheated with the truth. I know I deserve it, somehow. Kahit gaano pa ako ka-undeserving sa mga anak ko dahil sa pinili kong landas ngayon, hindi maaaring ipagkait sa akin ni Tripp ang katotohanang iyon.

Hindi ko namalayang pumapatak na naman ang aking mga luha habang nagluluto. Pakiramdam ko ay pigang-piga na ang puso ko sa mga pangyayari.

Sa tingin ko ay matagal pa bago ako makaahon sa mga nalaman ko. Paano na lamang si Prince? He is the real victim here. What has been done is mentally and emotionally damaging to him!

Naghanda ako ng breakfast para kay Duke. Ipinagluto ko siya ng paborito niyang fried rice at tinapa. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang posibleng naranasan ni Prince sa kamay ng mga masasamang loob na iyon.

"Mommy?" Pukaw ni Duke. "You've been zoning out a lot," puna ni Duke habang maingat na kumukuha ng portion sa niluto kong tinapa.

I forced a smile, my jaw locking in the process. "Nag-iisip kasi ako, anak, kung may nakalimutan ba akong gawin at ipasa na project," I half-lied. Halos ayaw bumuka ng aking bibig sa aking pagsisinungaling.

I didn't want to lie, but the circumstances forced me to.

Kung hindi kaya ni Tripp na maging tapat sa akin nang lubos, I shouldn't expect more from him. He thinks so lowly of me. At ang sakit-sakit sa pride niyon.

Nauunawaan ko iyong parte kung saan natatakot siyang sabihin sa akin iyon at upang wala na akong dagdag na isipin, subalit ang hindi ko maintindihan ay paano niya nagawang itago sa akin ang bagay na ito sa ganoong katagal na panahon!

2 months? How dare he! For how long did he want to keep me in the dark? Shit lang!

Ibinaba ni Duke ang hawak na tinidor at bumaling sa akin. "Mom," aniya sa nahihiyang tinig. "Alam ko pong pinili kong hindi sumama sa pag-uwi mo sa Negros. I stayed with Jek instead."

Pumula ang pisngi niya. "Pwede ko po bang maka-video call si Prince Alfredo?" Duke asked hopefully. "I just suddenly felt the need to talk to him, Mommy. I think I miss him."

Napalunok ako at naluluhang tumango sa aking anak. Kung alam mo lang, Duke. Kung alam mo lang.

Panay ang hagikgik ni Duke habang kausap ang kanyang mga kapatid sa video call. Lihim akong nakikinig sa walang kwentang pag-aasaran at pagtatalo nila. Sa kanilang tatlo, si Prince ang pinaka-responsive sa mga tanong at pangungulit ni Duke. Walang ginawa si Earl at Baron kundi pagtawanan ang corny jokes ni Duke.

Iniliko ko ang sasakyan sa isang papasok na street. Malapit na kami sa eskwelahan ni Duke, and as much I didn't want to interrupt their small form of bonding, I had to.

"Bye, Duke! Tell Mims I love her, always," dinig kong sigaw ni Earl.

"I miss her," mahinang utas ni Baron. "Prince said she's coming back and this time, with you."

Duke giggled lightly and teased Baron. "And you're holding onto that?"

I could picture Duke nodding his head sadly. My heart is aching.

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon