Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 13
"Hindi ka ba talaga makasasama, Mims? Sayang naman at libre ang lahat. Wala ka nang aalalahanin pang gastusin. Thunder's on it—"
Tiningnan kong mabuti ang malungkot na mukha ni Rain. I have missed this girl so much. I would be lying kung sasabihin kong hindi ko gustong sumama. Nakapanghihinayang, pero may mga bagay akong dapat unahin sa ngayon.
My family comes first. Nakababaliw na ang pag-iignora sa akin ni Tripp. It's not so him. Ako'y naiirita lamang dahil simpleng alitan lang ito ngunit bakit humantong pa sa ganito? We've been over this already.
At saka bakit kung kailan malapit na akong magtapos, ay siya namang mag-iinarte at aatakihin ng sumpong itong si Tripp? Hindi ko alam kung kulang ba siya sa lambing o atensyon. Ipinanganak kasing papansin ang kulugong iyon.
"I really can't go, Rain," mahinahon kong sagot. "Hindi ako pwedeng mag-chill over the next few weeks. You know my case, right? At may flight pa ako mamayang gabi."
Rain tilted her head. "Flight? Kaya ba hindi ka sasama ay dahil may nauna na sayong mag-ayang iba!" Halos umusok ang kanyang ilong sa pagtatampo. Hinawi niya ang kanyang buhok at bahagyang umirap upang pag-igtingin ang acting niya.
Umiling ako at tumawa. Just look at this silly girl.
"Uuwi ako sa Bacolod," nakangisi kong sambit. "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano riyan. Wala nga akong time para gumala ngayon." I sighed wearily.
"Fine," she huffed. Sumipsip ito sa kanyang strawberry shake habang napatulala sa bintana.
Rain has grown beautiful over the years. Halatang hindi ito napababayaan ng asawa nito. Palaging blooming at nakangiti. Ibang kaso na nga lang ngayon dahil nakasimangot ito. She's trying to win my 'yes' over through her charms.
Though, she knew I wouldn't give into that.
"Nakakainis ka naman!" Biglang sambit ni Rain muli. Napabuntong-hininga siya at humalukipkip. "Pero sige na nga. I know the feeling of being torn between priorities and shenanigans." Ngumuso siya at tumawa. "Ang busy mo na masyado, friend."
Napairap na lamang ako sa kawalan. "Acads muna ako ngayon. At saka hindi na ako basta-basta na lamang makaka-oo sa kahit anong lakad dahil pamilyado na ako," I replied, grinning. Rain's facial expression was priceless.
"Bakit ka ganyan magsalita?!" She shrieked. "You spoke like you were in your thirties! That's downright scary!" Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa aking mukha. "Pakiramdam ko ay sobrang strikta mo na sa susunod pang mga taon!"
Napahawak ako sa aking tiyan habang tumatawa at pinagmamasdan ang nahihiwagaang reaksyon ni Rain. She looked horrified beyond measurable shit. Hindi ko lang masabi-sabi sa kanyang sinampal na ako ng responsibilidad sa mukha kaya't wala na akong karapatang mag-inarte pa.
Besides, I love my boys. I love my man.
Tumagos ang tingin ni Rain sa aking likod, dahilan upang mapalingon din ako nang wala sa sarili. Then there, I saw the mighty Thunder they were all talking about. Matangkad, matipuno, mapanuring mga mata at higit sa lahat ay gwapo.
Dire-diretso lamang ito sa paglalakad at hindi ako tinapunan ng tingin. Nagkibit-balikat ako. Not that I totally care.
At nang tuluyan na itong makalapit kay Rain ay walang sere-seremonya nitong inangkin ang kanyang mga labi. Halos takpan ko ang mga mata ko sa intensidad ng paghalik nito sa kanya. Mahilig sa public display of affection! Just like Tripp!
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...