Untold Chapter 22

54.3K 1.2K 209
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 22

Nakalipas ang ilang araw na parang ihip ng hangin na lamang. I was too pre-occupied by the readings I had to finish interpreting. Bawat araw ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa, and for some odd reason, patindi ito nang patindi. Kinakabahan marahil sa malapit na pagtatapos.

At nasasabik dahil sa nagbabadyang wakas. Mixed emotions. Hindi ko alam kung anong uunahin at mas dapat na damhin kaya ganito ang naging epekto sa akin. Magkausap ang mga bata ngayon sa isang video call. Parang pinipilipit ang aking sikmura dahil himala katabi ni Prince, Earl at Baron ang kanilang ama sa couch.

Tripp sat there quietly as he openly stared at me. Masyadong abala ang mga bata sa sari-sarili nilang kwento kaya't hindi nila napuna ang pananahimik naming dalawa ng kanilang ama.

If I had the choice, I would rather sleep. Seeing that old man's face just frustrates me to no end. Nagkaka-text namin kami at sumasagot ako sa tawag niya ngunit pormal ang lahat ng iyon.

Hipokrito ako kung hindi ako aaming namimiss ko na siya. But something in my chest has already set a limit—an emotional barrier. Tama man ang ginawa niya o mali, nakakaramdam pa rin ako ng pagtatampo hanggang ngayon.

Napabuntong-hininga ako at marahang ipinikit ang mga mata. Si Duke ang ipinahawak ko ng cellphone ko. Nagpumilit itong makipag-Skype na naman sa mga kapatid.

Who am I to stop him? I can't say no to that. Marami na akong ipinagkait sa kanila dahil mas inuna ko ang sarili ko. Wala yatang pakiusap ang mga anak ko na hindi ko kayang pagbigyan simula ngayon.

"Mommy? Are you okay?"

Napamulat ako ng mga mata at napatingin sa camera. It was Prince's voice. He looked curious and slightly worried. Nagpatuloy pa rin sa pagdadaldalan sina Duke, Earl at Baron.

It seemed like they didn't hear Prince's question. Tumango ako at ngumiti kay Prince. Mula sa video call ay kitang-kita ko na nasa akin lamang ang atensyon niya.

Pati na iyong isa.

Hindi ko siya magawang tapunan ng tingin. My walls would easily collapse under his intense gaze and touch. Isa iyan sa mga bagay na natutunan ko sa pagsasama namin.

Tripp Winston Rae France is my constant in this chaotic world. My weakness. My strength.

Alam kong titig na titig siya sa akin ngayon. Halos wala na akong maintindihan sa naghuhuramentado kong damdamin. Ano? Paiiralin mo na naman ang pangungulila mo kay Tripp?

Most probably.

Pumikit muli ako at hinilig ang ulo sa sofa. I feel so worn out today. At alam kong ganito rin hanggang sa susunod pang mga araw. I have to endure this. I chose this.

Tumikhim si Tripp. "Can I talk to your Mom?" He interrupted. "Saglit lang," aniya na parang ako iyong pinakikiusapan at hindi ang mga anak namin.

Hindi ako nagmulat ng mga mata. Ayaw kong makita niya ang reaksyon ko. I want to appear natural and unaffected. Kahit na ang totoo niyan ay halos sumabog na ang puso ko sa kaba. Ilang araw kaming walang matinong conversation. I wish I was kissing Tripp instead of missing him. Pero dapat ay matuto siyang magsabi sa akin. Wala siyang dapat itago sa akin.

Especially if it concerns our sons. Ilang gabi ako nagigising sa takot na biglang maglaho si Duke sa aking tabi. I don't think I would be able to handle myself if that happens under my watch.

Mababaliw ako.

"Daddy? Balik mo po, ah? Saglit lang sabi mo," wika ni Duke sa naniniguradong tono.

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon