Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 8
Hindi naman ganoon kabigat ang dala kong mga paper bags. Nagpasalamat ako kay Jee nang inihatid niya ako sa condo ni Tripp. May hangover pa rin ako sa mga naganap kanina. Why do I feel like I have to apologize to Clarine?
Wala sa planong idaraan ko sa dahas ang usapan namin kanina. Let's say, Clarine was just trying to fool around. Mukhang ganoon talaga ang nature ng pag-uugali niya. I was a Literature student at hindi ko maitatangging alam kong may nakapaloob sa bawat salitang binitiwan niya kanina. Babae rin ako. Alam kong may bumabagabag sa kanya.
She told me that she wanted happiness, too. Sinabi sa akin ni Tripp na in love si Clarine kay Gregory. Ganoon ba ang ibig sabihin ni Clarine? Hindi niya makamtan kay Gregory iyong happiness na sinasabi niya? It was all confusing.
Kahit na alam kong mali pa rin iyong pamamaraan niya, lalo na iyong paghalik niya kay Tripp, mayroong pa ring parte sa akin na pilit umuunawa sa kanya. Wala akong ideya kung bakit deep inside, naghahanap ako ng basehan upang intindihin si Clarine.
Sana nga lang ay nagawa kong pigilan kanina si Jee. Pero kilala ko siya. Hindi magpapaawat iyon hanggang sa matapos siya sa gusto niyang sabihin at gawin.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit may guilt akong nararamdaman ngayon sa dibdib ko. Why the sudden empathy, Mims?
Pagkabukas pa lang elevator ay bumungad na sa akin si Tripp na nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng kanyang unit. Nakasandal siya sa pader at nakayuko na parang kanina pa naghihintay doon.
Napakagat ako ng labi at binilisan ang paglalakad. Mukhang narinig niya ang mga yabag ko dahilan upang mag-angat siya ng tingin at lumingon sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang masama ang timpla ng lolo ninyo.
Bumaba ang titig niya sa hawag kong paper bags. Napailing siya at mabilis na lumapit sa akin. Inagaw niya ang mga bitbit kong paper bags at saka hinawakan ako sa likod upang igiya ako papasok sa loob ng kanyang unit.
"Sa susunod ay gisingin mo ako."
Iyan ang mga salitang unang namutawi sa kanyang bibig pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob. Dumiretso siya sa kitchen upang ilagay doon ang mga pinamili kong groceries.
Sumunod ako sa kanya. Habang nilalabas niya isa-isa ang mga pinamili ko ay niyakap ko siya mula sa likuran.
Naramdaman kong nanigas siya. Humalik ako sa likod niya. "Magbihis ka na po."
"May kasalanan ka pa sa akin at idinaraan mo na naman ako sa ganyan," walang emosyon niyang sinabi.
Tumawa ako at niyakap pa siya nang mas mahigpit. "Ang sungit natin ngayon, ah? Gutom ka lang po."
Napailing ako. Ganito rin naman siya kapag may kasalanan, e. Idinaraan ako sa haplos at kung anu-ano para lumambot ako at tuluyang bumigay sa bitag niya. Ang lakas ng loob niyang akusahan ako ng isang bagay na sa kanya ko rin naman natutunan.
It takes one to know one.
"Bakit hindi mo ako ginising? Paano kung may nangyaring hindi maganda?" Tanong niya habang inaayos ang mga sangkap para sa lulutuin ko.
Sa tingin ko ay may ideya na siya kung anong iluluto ko para sa aming dalawa. Alam kong excited na ang isang ito, e. Nagpapakipot lang.
"May nangyari ba?" I challenged.
Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari kanina sa restaurant. Sa tingin ko ay may karapatan si Tripp na malaman iyon. At isa pa, hindi ko ugaling maglihim sa kanya lalo na kapag tungkol sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
Ficción GeneralYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...