Untold Chapter 3

130K 2.6K 491
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 3

Nang makarating na kami sa bahay namin sa Crossing Tanduay ay sa ganitong eksena namin naabutan ang mga kapatid ni Tripp:

"This is the middle finger; the most special among the rest," ani Xairus kay Iñigo. Nilawayan lang siya ng huli.

Nalaglag ang aking panga sa pinagsasabi ni Xairus. Sumulyap ako kay Tripp na ngayon ay mukhang mag-aalburoto sa galit. Hinaplos ko agad ang braso niya upang pakalmahin siya.

Napunta naman ang atensyon namin kay Nathaniel na hinehele si Alfredo. May maliit na ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang kanyang pamangking natutulog.

It brought a smile to my face.

Si Eduardo naman ay mistulang nakikipagpaligsahan ng titigan kay Gregory. Ganoon din ang huli sa kanya. May staring contest na nagaganap sa kanilang mga matatalas na mga mata. Sa tingin ko ay kay Gregory nakuha ni Eduardo ang kanyang mga mata. Hindi naman kasi ganoon ang akin at ang kay Tripp.

Mukhang huminahon naman si Tripp sa nasilayan niya sa dalawa.

Mula sa kusina ay lumitaw si Joyce na may itinutulak na stroller. Her grin widened when she saw us. Bumati at kumaway siya sa amin ni Tripp dahilan upang mapalingon sina Gregory at Xairus. Nakita ko ang agad na pamumutla ni Xairus.

"Hi." Ngumiti ako sa kanila. Una akong lumapit sa tatlong kapatid na lalaki ni Tripp upang bigyan ng halik ang mga baby namin sa noo. Nakabuntot sa akin si Tripp. Bumaling ako kay Joyce. "Orlando?"

Tumango siya sa akin. Lumapit ako sa stroller at tinitigan ang maamong mukha ng aming bunso. Ngayon pa lang, kahit sino ay makapagsasabing kuhang-kuha niya ang lahat ng kay Tripp. Orlando was the spitting image of his Dad.

Akmang bubuhatin ko sana siya nang biglang may humawak sa aking braso. Nilingon ko si Tripp na nakasimangot sa akin. He gave me a warning look. Nagtaas lang ako ng kilay pero sumunod na lang ako sa gusto niyang mangyari.

"Mims, how are you feeling?" Napalingon ako sa tanong ni Nathaniel. May bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha kahit siya ay nakangiti. Napansin ko ang pagtindi ng simangot ni Tripp. Napailing na lang ako. Hindi na ako magtataka na isang araw, pati aso ay pagselosan niya.

I gave him a small smile. "Medyo okay na—"

"She's not that fine," singit ni Tripp. Dinuro niya si Nathaniel at Xairus. "Kaya kayo, stay here for a month or two and help me with the chores," maawtoridad niyang sinabi.

Napalunok si Xairus. "Kuya, hindi ako marunong maglaba—"

"At para matuto ka, tulungan mo ang kasambahay na kinuha ko," matigas na sinabi ni Tripp.

Ngumiwi si Xairus at pekeng ngumisi sa akin. Napataas ako ng kilay bago tumawa. Umiling ako at bumaling kay Gregory na abala pa rin sa staring battle nila ni Eduardo.

Tumikhim ako. "Nasaan si Waderick?"

Mukhang napansin ni Gregory na siya ang kinakausap ko dahil napaangat siya ng tingin sa akin. Blangko ang kanyang tingin. "Manila."

"Why is he not here?" Masungit na tanong ni Tripp.

Bumalik si Gregory sa pakikipagtitigan sa anak namin. "Why don't you ask him yourself?"

Napasinghap si Tripp sa pabalang na sagot ni Gregory. Umiling na lang ako at bumaling kay Joyce na nahuli kong palihim na ngumingiti mag-isa habang pinagmamasdan ang dalawang nakatatandang kapatid.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Sa totoo lang, goals talaga iyang sina Kuya Tripp at Kuya Greg. Akala mo magkaaway iyang dalawa pero hindi. Ganyan lang maglambingan ang dalawa." Ngumisi siya.

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon