Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 5
"What are you doing here?" I crossed my arms and shot him a fiery glare as I stood before him. Kasalukuyang nagtutupi ako ng mga damit ko at inaayos ang laman ng cabinet ko nang bigla siyang pumasok sa kwarto ko. Without knocking.
"Baby..." Tripp said, almost pleading. "Come on—"
Umismid ako at bumaling sa mga damit ko. Ayaw ko munang masulyapan ang nakakabanas na pagmumukha niya ngayon. He knew how I hate liars. He knew how I hate secrets. He knew better. Ngunit kung hindi pa nadulas si Xairus kagabi habang sa kalagitnaan ng dinner ay hindi ko pa malalamang nakipagkita si Tripp—este nitong hayop sa bahay, sa Clarine na iyon.
Nice, very nice.
Hanggang kailan niya balak hindi ipaalam ang bagay na iyon sa akin? Ha! Laking pasasalamat ko na lang talaga kay Xairus. At isa pa, hindi niya kailangang mag-alala kung sakaling pagbuntunan siya ng galit ni Tripp—este nitong hayop sa bahay. Ako mismo ang makakatapat niya kapag ginalaw niya si Xairus. Napairap ako sa kawalan at muling umismid. At least, your brother found a way to inform me... accidentally. Unlike you, lies, lies, secrets, secrets. Damn it!
"Bakit ka ba agad bumalik? Nagpaalam kang mahigit isang linggo kang mawawala for BUSINESS MATTERS, hindi ba?" Kalmado kong sinabi. Right, I wasn't being sarcastic and shit. I swear.
"Baby..." Humina ang kanyang boses.
"Wala ka na bang ibang alam na salita kundi ang baby?" Tumayo ako at kinuha ang mga itinupi kong damit at inilagay sa cabinet. Tumingin ako sa wall clock. It was almost lunch time. Bumuntong-hininga ako at kumuha ng bagong bath robe. Maliligo na muna ako saglit pagkatapos ay kakain at ipapasyal ang mga anak namin sa garden.
They need to breathe fresh air as much as I do.
"It's not what you think."
Nilingon ko si Tripp—este iyong hayop sa bahay. I saw him biting his lower lip, his fists clenched. There's a flicker of longing and agony in his eyes.
I don't care. Magsama sila ni Clarine.
Xairus, Nathaniel and I had a dinner together last night. Sila ang naiwan dito sa bahay sa Crossing Tanduay. Gregory had to deal with some private stuff, and so had Waderick. Joyce had to attend a university party. Bumalik silang tatlo sa Manila at ang dalawang kapatid ng hayop sa bahay ang naiwan dito.
Nagpaalam sa akin si Tripp na may kailangan lang siyang ayusin sa Manila. For work. Of course, being understanding, I let him go and deal with the few minor mishaps his company was facing. Nauunawaan ko naman na sa lahat ng mga France ay siya ang may pinakamalaking pananagutan. Kahit pansamantalang ipinahawak niya iyon kay Gregory upang maalagaan kami ng mga anak namin, hindi pa rin maiiwasan na minsan ay siya ang kailangang humarap doon.
He was hesitant at first. Maiiwan niya ako at ang mga anak namin. He mentioned how clumsy I could get. At ayaw niyang sa oras na may mangyari na naman ay wala siya. I assured him that we're going to be fine—me and our babies. Nandito naman sina Xairus at Nathaniel upang tumulong, which is I'm very grateful for. Lalo na si Xairus na masunurin pero laging inaapi ng hayop dito sa bahay. Ha! Bwisit siya kamo.
Dalawang araw pa lang ang nakalilipas ay nakaramdam na agad ako ng pangungulila sa kanya. Madalang siya kung tumawag. I was wondering how severe the problem was, to the point that he couldn't make a call or even send me a text message. Habang kumakain ay napatanong ako sa kanyang mga kapatid. Siguro naman ay may alam sila kahit papaano tungkol sa gusot sa business ng kanilang panganay.
"Ano bang nangyari? I asked him several times. Sinabi niyang siya na raw ang bahala. Ni hindi man lang nakatawag ngayong araw," I asked before biting the fried chicken wing.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...